Hi.

72 15 2
                                    

Hi guys. May gusto lang sana ako sabihin para sa mga nilagay ko sa wantedlist.

Una po sa lahat, ayoko po nang away o gulo. Kaya ko lang naman kayo nilagay diyan dahil hindi niyo po ginawa nang mabuti ang payments. May rason naman po ako kung bakit ko kayo nilagay diyan.

Pangalawa, ginamit niyo man o hindi yung ginawa kong BC, gawin niyo pa rin po sana yung payments bilang pasasalamat man lang. Yun lang naman ang hinihingi ko eh. Nagbuhos rin naman ako nang oras at pagod diyan. Kahit follow o dedic o fv eh magawa niyo naman.

Lastly, katulad nga po nang sabi ko nung una pa lang, kung gusto niyo po magreq. dito sa shop na ito, siguraduhin na kaya po i-follow yung rules at payments. Simple lang naman po ang rules ko dito at payments pero bakit po na iba sa inyo ay nahihirapan po gawin yon?

Nakakalungkot lang na more than 1 ang inilagay ko sa wantedlist. Kaya hangga't maaari, iwasan po sana natin ang hindi paggawa nang mga payments. Ayoko na kasi may inilalagay pa sa WL eh. Sana naman maintindihan niyo po ako.

Dahil maliban po sa akin, siguro naman yung mga ibang editors dito sa watty ay ganun rin siguro ang gagawin. Bilang isang editor, unfair rin naman kasi para sa amin ang hindi paggawa nang mga payments ng isang requestor o hindi pagsunod ng mga rules.

Kaya bilang pasasalamat man lang eh gawin po sana natin kung alin ang tama at marunong sana tayo sumunod. Mahirap rin kasi gumawa nang bc. Kahit na sabihin niyo sa akin na simple lang naman ang ginagawa ko dito syempre naman po, mahirap rin naman maghanap ng babagay na pic diyan sa title niyo po at sa font.

Magalit na kung magalit sa akin yung mga nilagay ko sa wantedlist pero pasensya na, ginagawa ko lang kung ano ang nararapat. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko dito bilang isang 'editor' ninyo. At sana, gawin niyo rin ang trabaho niyo bilang isang mabuti at masunuring 'requestor'. (:

Yun lang po. Salamat sa mga makakaunawa man sa akin.

Phobia Cover Shop ( OFFICIALLY CLOSED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon