4

5.7K 183 8
                                        

Anak ni mayor

"Salamat sa paghatid, Uno."

Tumango lamang si Uno, ni hindi siya pinagbuksan ng pinto kaya bumaba na siya. She waved at him. "Ingat ka."

Ang mama niya ang agad niyang nadatnan sa harapan ng kanilang bahay, nakaupo ito sa isang silya at namamaypay. "Hi mama." Niyakap niya ito.

"Enrico drove you home?" Medyo napangiwi siya. Hindi sanay na Enrico ang tinatawag kay Uno. Enrico Juan Rivero... His name was so old fashioned pero bagay na bagay ang pangalang ito sa kaniya. The name screamed masculinity.

"Ah, opo. Nasa talyer ang kotse, nasiraan ako habang papunta doon kaninang umaga. Sinabihan ko na si Kuya, siya na daw ang bahala doon."

Her mom, who was an older version of her nodded. "You and that man, bagay kayo, anak."

I know, right. Her inner voice said.

"Mama, he's ten years older!" Taliwas iyon sa kaniyang iniisip.

"Ano, para mo na siyang kuya?" Natatawang sabi ng mama niya. "Your father is six years older."

Rexes rolled her eyes, "that's different, Ma. At sus, yung Uno? Halos nga hindi niya ako kinakausap."

Ngumisi ang Donya sa kanya, her daughter's face was turning red and she knew it could only mean two things, either she's shy, or she's guilty. Ganitong ganito din siya noon kapag pinag uusapan si Arman Rex Di Marco, her husband now. That's why it's too easy to read her daughter. "Really?" Panunukso niya pa.

"Come on ma, let this go."

"Aminin mo na kasi, Rexes I know you wouldn't waste your time going there everyday para manuod lang kung wala kang gusto sa kanya. You don't even take orders from Trevelyan I know that." Lumapit siya dito at may binulong. "Don't worry, I won't tell your Papa."

Alam niyang namumula na siya. Heto nga at kakadating lang niya pero agad naman siyang naging hot seat. "Fine. I like him, Ma."

"Sabi ko na eh!" Aba't pumalakpak pa ang kanyang mama! "It's alright as long as you finish your studies first, okay? Hindi naman magiging problema kapag nagkatuluyan kayo sa huli. I like him for you. Sa pahanon ngayon, you need a mature guy, iyong hindi ka iiwan at pananagutan ka. And of course, magkakaroon ako ng mga gwapo at magagandang apo. That Uno is quite good looking too."

Umaakyat na yata lahat ng dugo sa kaniyang pisngi. Her mother's just so! "Ma!"

Pagkasunod na araw ay nagulat siyang may binigay na isang basket na puno ng prutas ang mama niya sa kanya. "Give this to Uno. Pakisabi na galing sa akin." Tapos ay kumindat.

Tapos na ang kanyang bookshelf, pintura at varnish nalang ang kulang at tapos na iyon. Nalungkot siyang tapos na ang isang pinapagawa ng kuya niya. It means bilang nalang ang araw ng pagpunta niya dito kay Uno.

"Pakisabi sa Mama mo, salamat dito sa mga prutas." Tumayo ito at kumuha ng dalawang mangga. Hiniwa niya iyon at bumalik sa hapag.

"So, anong ranko mo noon sa USMC?" Naitanong niya sa binata.

"Lieutenant Colonel." He answered.

"Lieutenant... So you're the boss?"

"May mga taong under sa akin, they take orders from me. But there are a lot more who are superior. I take orders from them too."

She hastily nodded. "Ang galing pala, no? Kung sabagay, twelve years ka din naging sundalo."

Uno Rivero raised an eyebrow. "You've been counting?"

"Well, I was eight when you left. Twenty na ako ngayon." Sagot ni Rexes na nagkibit balikat pa. Nag dagdag siya ng kanin, parang nagutom yata siya kakawalis ng bahay at sa labas. She was too bored, pinakialaman nalang niya ang walis at naglinis. Hindi naman siya pinuna ni Uno. He just asked kung marunong ba talaga siya. Ang dumuho, akala niya siguro't wala talaga siyang alam sa gawaing bahay!

The Ex-MarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon