Mabagal
Alas otso pa lang ay nagumpisa ng gumawa si Uno habang nagkakape. Hindi siya sigurado kung pupunta ngayon si Estelle, hindi na niya naman kinakailangang pumunta, he even told her that yesterday. Wala naman itong gagawin kundi manuod. Better use her time to do productive things.
That young miss...
But still, gumawa siya ng egg sandwich para dito, incase na mag lagi na naman doon ng buong araw. Kahapon kasi, prutas ng mangga lang at tubig ang pinameryenda niya dito. She's rich, baka hindi iyon sanay sa ganoong meryenda lang.
So she's a chemical engineering student, huh? He didn't expect it from her, she just looks so... feminine, para bang hindi bagay na iyon ang propesyon na gusto niya.
Saan kaya siya nag aaral? Maybe sa Manila, mayaman naman kasi sila.
Uno stopped thinking about Trevelyan's sister and focused on his work. Maya maya ay dumating na ito at nakasakay sa kanyang puting kabayo. He watched her tie the horse, binawi niya ang tingin ng humarap na ito.
"Good morning!" Magiliw ang bati nito sa kanya na tinugon niya din pabalik. Bakit ba ang hilig nitong mag shorts ng maiksi? Kumunot ang noo niya. Sa america ay sanay siyang makakita ng babaeng ganyan kaiksi ang suot pero kapag Pilipina ay iba pa rin talaga.
"May sandwich at orange juice sa loob, kung hindi ka pa nakapag agahan."
Para kay Rexes, nagliwanag ang paligid. She ate breakfast before she left at busog siya. She doesn't eat too much, pero kukunin niya iyon. It would be the first time na makakapasok siya sa bahay nito! "Ahh. Hindi pa ako nag breakfast, I woke up late."
"It's on the table, kunin mo nalang." Uno said without even looking at her. Pagkapasok niya ay doon niya na pinakawalan ang ngiti na sinabayan niya ng mahinang tili. Galing mo, Rexes! Second day ay naka pasok ka na sa bahay ng crush mo! Oo, crush niya na ulit ito.
She's twenty years old, pero ngayon niya lang ito naramdaman. She's too infatuated like all those guys who go after her. She's too infatuated even if he's got a snob personality.
She looked at the interior of the house. Talagang maliit iyon pero malinis. May mga litrato ng nanay niya at kapatid na nasa pader, a small portrait of him too na naka suot ng Marine uniform ay nandoon. Siguro ay matagal na iyon, he looks so young yet so serious on that photo.
May maliit na flat screen na TV sa gilid, mayroon din doong mga american movies na nasa tape. Isang couch na pang isahan lang ang nandoon, masasabi mong ang bahay ay para sa kanya lang talaga. Naglakad pa siya at pumunta sa lamesa kung saan ang kanyang pagkain. The sink was also on the side tapos may maliit na kwarto, must be his room.
Hindi na niya iyong tinangkang pasukan. Baka mahuli pa siya at pagalitan.
Kinuha niya ang pagkain at lumabas na.
"I got it." Anunsyo niya at umupo sa isang chair, pinanuod niya ito habang nag susukat ng kahoy, nakakunot ang noo at mukhang seryoso.
The egg sandwich was good, she wondered kung sino ang namimili ng pagkain niya dito gayong hindi daw ito parating lumalabas. Siguro si Dany? Bakit ngayon ay hindi niya ito nadadatnan dito?
"Sa maynila ka nag aaral?" Halos hindi siya makapaniwalang nakikipag usap ito sa kanya.
"Huh?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Ex-Marine
General FictionChemical Engineering student Rexes Estelle Di Marco can still remember every detail about him. His face, built, his voice and how it felt to be in his arms while he saved her from the fire. She could have been dead ten years ago if it wasn't for him...