TDYWA: (1) MAKITA SIYANG MULI

0 0 0
                                    


Maevy's POV

This love is strong but why do I feel weak?

Patuloy akong naka silay sa bintana ng aming bahay. Naghihintay na babalik ka at baka sakaling magbago pa ang isip mo... at ipaglaban yung tayo. Kasabay ng pagbugtong hininga ko ang patuloy na pagbagabag sa akong isip.

babalik ka pa ba?

maghihintay lang ako sayo...

nangako ka na walang iwanan...pero bakit ganito?

siguro nga tama sila...baka sumuko kana nga talaga...

hindi! mahal kita... alam ko babalik ka.

Ang daming pumapasok sa isip ko. Pag ibig mo lng ang pinanghahawakan ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang totoo. ilang araw na ba?... ilang linggo... ilang buwan?...
eto na nga... at taon na pala...
Isang taon mula ng sinagot ko si Daymond ay bigla na lang itong naglaho na parang bula. Bago ito umalis ay nangako itong babalik... pero hanggang ngayon ay wala parin ni anino niya.

"Nak? kakain na... Halika na, hindi ka na nga nag almusal kanina eh. Baka magkasakit kana niyan." nag aalang sabi ni nanay. Hindi ako umimik pero pumanhik na ko papunta sa hapag. Naabutan kong naka upo na si Tatay at kuya Rivo.

"Nak, sabi pala ni Steve eh magpapasama siya sayo doon sa Maynila." sabi ni Tatay. Si Steve ang pinakamatalik kong kaibigan.

"M-maynila? sige po!" determinado akong mahanap siya kaya kaylangan kong gumawa ng paraan. Taon man ang lumipas ako parin naman si Maevy na nagmamahal sa kanya. Hindi na nga siguro mababago yun.

Pagkatapos kong kumain ay naghanda na ko sa pagluwas papuntang maynila. Isang bulaklaking bestida ang isinuot ko at simpleng sandalyas. Inilugay ko ang aking mahabang buhok at naglagay ng kaunting pulbo sa mukha. Naglagay na rin ako ng mumurahing lipgloss na gamit ko tuwing may date kami. Nasabi kase ni Steve na anak si Daymond ng may ari ng Guevara Industries. Iyon ang isa sa pinakamalaking negosyo sa asia. Sa Maynila ay naroon ang napakalaking building nito at baka makita ko siya doon. Ilang beses ko ng sinubukang hanapin siya doon pero nabigo lang ako. Napagpasyahan kong subukang hanapin ulit ang mahal ko.

"Anak! nandito na si Steve! bilisan mo ng hindi kayo gabihin anak." tawag ni nanay. Agad kong sinipat ang sarili ko sa harapan ng salamin at lumakad na.

"Nangangayayat ka na... hanggang ngayon ba eh hindi mo parin siya kinakalimutan? taon na lumipas Lyn." sabi ni Steve habang patuloy sa pagmamaneho. Tiningnan ko lang siya at hindi na ko sumagot. Napabuntong hininga nalang si Steve.

"ahm... Pwede ba na dun nalang ako maghintay sa G.I.?" tanong ko sa kanya. Ang Guevara Industries ang tinutukoy ko. Baka kase makita ko siya doon at magkausap man lang kami.

"Basta't wag kang aalis doon ha. Baka maligaw ka... lagot ako kay Nanay pagnagkataon." Paalala nito at tumango tango naman ako. Agad kong tinanaw ang napaka taas na building ng Guevara. Kasabay ng paghinto ng kotse ay ang paghugot ko ng malalim na hininga.

"Mag iingat ka. Wag kang lalayo at babalik ako agad pagkatapos ng meeting namin ni Dad." sabi ni Steve.

"Oo na.. ingat ha." sabi ko at dali dali ng pumasok ng gusali. Ito na ang pang sampung beses na nagbakasakali akong makita siya dito. Kagaya ng pagkaalala ko ay malawak at grandyoso ang lobby ng kompanya nila. Pinagtitinginan pa ko ng mga tao dahil sa suot ko. Paano ba naman eh puro sila naka pang office attire habang ako eh parang nasa palenke lang. Yumuko nalang ako at naglakad patungo sa isang silya sa di kalayuan. Hindi magkamayaw ang mga mata ko sa pagtanaw sa mga taong naglalabas pasok. Baka sakali...

"Cancel that goddamn meeting!"

napalingon ako ng marinig ko ang boses na yun. Napatayo ako ng makita ko siyang naglalakad at may mga alipores na nakapalibot sa kanya! Para bang tumigil ang mundo ko ng tumingin siya sa dereksyon ko. Ngumiti ako sa kanya habang pinipigil ko ang pag iyak. Parang tumanda ang hitsura nito pero hindi parin nagbago. Siya nga! Agad naman itong naglakad uli at yun ang lubos kong pinagtaka!

"T-teka lang! D! Mag usap tayo!" dali dali kong hinabol si Daymond. Muli siyang humarap sa dereksyon ko na para bang nagtataka. Hindi na ko nagdalawang isip pa at niyakap ko siya. Agad niyang pinaksi ang mga braso ko at galit na nagsalita.

"What do you think you're doing?!" anas nito habang tinatapunan ako ng isang matalim na tingin. Napaatras ako pero hindi ako nagpatinag. Magpanting ang tenga ko sa sinabi niya at tuluyan ng bumuhos ang galit at hinanakit ko sa kanya.

"Ikaw ba ha! Alam mo ba ang ginawa mo sa akin! Ikaw pa 'tong galit kahit ikaw nga ang nangiwan!" singhal ko sa kanya. Napatingin muna ito sa paligid at huminga ng malalim. Halatang kinokontrol nito ang sarili.

Biglang hinila ni Daymond ang kamay ko papasok sa isang elevator. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Titig parin ako sa kanya.

"Don't follow us! Cancel all my meetings!" sabi nito sa mga alepores niya at tuluyan ng isinara ang elevator. Hindi ko na napigilang umiyak. Kahit galit na galit ako sa kanya ay hindi ko parin maikakaila na miss na miss ko siya. Kahit mukhang kinalimutan niya na ko at lahat ay nasa isip ko parin ang mga alala namin... hindi naman ganito kasama ang ugali ni Daymond sa pagkaalala ko. He never shouted at me. Hindi niya rin ako tinitigan ng ganoon. Siguro nga madaming nagbago... taon narin ang lumipas.

"What do you want?" sabi nito na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.

"A-ano bang sinasabi mo? Wala ka bang maalala? Galit ka ba sakin? ano bang kasalan ko at bakit mo ko iniwan. A-akala ko-" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil nagsalita na naman siya.

"Are you one of my flings? ano ba pangalan mo? I can't remember na may babae akong ni hindi man lang sopistikada manamit! Do I even know you?!" isang malakas na sampal ang ipinukol ko sa kanya. Nagulat ito pero bahagyang naging blanko ang ekspresyon.

"D-daymond... paano mo nagagawang sabihin yan?" halos sakluban ako ng langit sa sakit na nararamdaman ko.
Napa salampak ako sa sahig. Malayang umagos ang mga luha ko.

"W-wait... D-did you just call me D-daymond?" tanong nito na may bahid ng kalungkutan sa boses.

"Ano pa ba ha! Daymond Guevara! Akala mo ba eh tatawagin pa kitang baby pagkatapos mong sirain yung pangako mo!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Maevy... you must be her. Halika... May kaylangan kang makita." sabi ni Daymond na aking ipinagtaka.

Ano bang sinasabi niya?

Nakasakay kami sa isang pulang kotse na napaka gara. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Tinuon ko ang aking pansin sa kanyang mukha. mukhang mature na itong tignan di tulad dati. Domoble pa ata ang kagwapuhan niya.

"I'm with her. Dadalhin ko siya dyan." Sabi nito sa kausap niya sa cellphone.

"S-saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"My brother..." tugon niya.

************************

The Day You Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon