TDYWA: (5) NASAKTANG PUSO

1 0 0
                                    

Maevy's POV

Kumatok ako sa pinto ng condo ni Raymond. Dala dala ko na ang mga gamit ko at handa na akong umpisahan ang mga plano namin.

"M-maevy..." Ngumiti ako kay Raymond. Agad naman niyang kinuha ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung bakit pero balisa siya.

"Raymond? Kamusta si Day?" tanong ko.

"He's... he's fine. Buti pa eh kumain kana muna... nagluto ako ng roasted chicken at meron ding white wine jan." Tapos na niyang ipasok ang mga gamit ko sa kwarto kung saan ako natulog dati.

"Sige ba." nagutom rin ako sa mahabang byahe.

Tinulungan ko siyang maghanda ng pagkain. Tahimik lang akong kumain habang napapansin ko ang pagtitig ni Raymond saakin. Hindi ko maiwasang maasiwa.

"Raymond? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang umiwas ng tingin at uminom sa kanyang kupita.

"Wala... masarap ba ang luto ko?" tanong niya.

"Oo." tipid kong sagot at agad na nilagok ang laman ng kopita ko. ramdam ko ang init sa lalamunan ko ngunit hindi ko iyon ininda. Kinuha ko ang bote at nagsalin pang muli.

"Dahan dahan lang Maevy. Baka malasing ka." sabi ni Raymond. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito. Dati ay pinagbabawalan ako ni Day na uminom ng kahit anong nakakalasing.

Namimiss na kita Day.

Naka ilang shot din ako bago ko naramdaman ang pagkahilo. Bigla nalang akong umiyak. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

RAYMOND'S POV
Gusto ko mang sabihin ang lahat kay Maevy ay ayoko ring malagay siya sa panganib. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang protektahan.

Napalingon ako ng makarinig ng kalabog sa kitchen ko. Nakita kong nakasalampak sa sahig si Maevy. She's crying out loud at sinusubukan niyang itayo ang sarili.

"Day...please, I need you." narinig kong bulong niya habang inalalayan ko siya patayo. I hate to see her angelic face cry. Agad na umangat ang tingin niya sa akin at nasilayan ko ang matamis niyang ngiti.

"Say it... you'll stay with me right? Ako ang mahal mo diba?!" Hinawakan niya ang magkabilang kwelyo ng polo ko at bigla nalang akong siniil ng halik.

This is not good.

Akmang lalayo siya ng yakapin ko siya papalapit sa akin. This girl is mine. I will not let her hurt anymore. Habol habol namin ang hininga namin ng matapos ang halik na yun. Kinarga ko siya at inihiga ko sa kanyang kama.

"I love you Daymond."

Hinayaan ko na siyang matulog. I need to talk to my brother about this mess. Hindi pwedeng ganito.

THIRD PERSON'S POV

"What are you doing here?!" sigaw ni Day.

"Really? Ganyan parin kaya ang isasalubong mo sa akin pag nalaman mo na alam ko na ang mga kagaguhang ginagawa mo?" Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Raymond sa kanya.

"What the hell are you t-talking about?" sigaw ni Day na halatang kinakabahan.

"You're hurting her... hindi mali pala... You've been hurting her again and again! She doesn't deserve this!"

"Kung alam mo nga ang lahat alam mo kung bakit ko to ginagawa. Papatayin siya ni Dad at-"

"Day naririnig mo ba ang sarili mo? Kahit kaylan ba nakita mo akong tinalikuran si Gweneth?! You can protect her if you wanted to pero anong ginagawa mo? Niloloko mo siya at ang sarili mo! Duwag ka!"

"Gwen died because of what you both did! Your love killed her!"

"Kung gusto mong maging tuta ni Papa pwes malaya ka. But I'm telling you... Kung hindi mo kayang pangalagaan si Maevy... I'll make sure she'll be mine." banta ni Raymond.

"She loves me... only me Ray... Kahit anong gawin mo ako parin ang mamahalin niya. I love her this much kaya humantong ako sa ganitong sitwasyon kaya go ahead and take her away from me... wag ko lang malaman na masaktan siya. Ako mismo papatay sayo."

MAEVY'S POV

Ilang araw na ang makalipas ng tumira ako sa condo ni Raymond. Hindi parin kami pumupunta ng ospital. Namimiss ko na si Daymond. Nakasilay lang ako sa pintuan ng veranda ng biglang may nag abot ng boquet sa harap ko.

"Day-Raymond... ikaw pala." akala ko siya na.

"May iba ka pang hinihintay? Silly me. Ofcourse yung kambal ko." sagot niya at bahagyang tumamlay ito.

"P-para saan ba tong mga bulaklak?" tanong ko.

"To make you smile. Para naman kahit paano eh maging magaan naman ang dinadala mo." unang beses ko lang nakita si Raymond na ngumiti.

"Thank you Raymond. Yan! Ngiti ka lang lagi! Bagay sayo." sabi ko naman at inilagay ang boquet sa isang bakanteng vase.

"Maghanda ka. May pupuntahan tayo."

The Day You Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon