Maevy's POV
Nagising ako ng maaga. Nagayos na agad ako at naghanda ng almusal. Tulog pa yata si Raymond kaya hintay ko nalang siyang lumabas ng kwarto.
"G-good morning." Bati ko sa kanya. Napayuko ako ng mapansin kong wala itong suot pang ibabaw. naka boxers lang ito at magulo pa ang buhok. Napakamot siya sa ulo at tumalikod ng makita niya ang sarili.
"Pasensya na! nakalimutan kong di na pala ako nag iisa dito. Palit lang ako tapos kain na tayo. Parang masarap yang luto mo." sabi niya at muling pumasok ng kwarto. Napa buga ako ng hininga ng maisara na niya ang pinto. Ang akward talaga lalo na't kamukha niya ang kasintahan ko.
Masasanay ka rin Maevy. Alo ko sa sarili ko. Ilang minuto pa ang lumipas ng lumabas na siya ng kwarto. Naka business suit na ito. Pagkatapos naming kumain ay nag ayos na rin akong umuwi.
"Saan ka nga pala susunduin ng kaibigan mo?" tanong niya.
"Sa Labas nalang ng building niyo. Nagtext naman na ako sa kanya. Salamat nga pala sa pagpapatuloy mo sakin ha." sabi ko sa kanya habang patuloy kaming naglalakad papunta sa sasakyan niya.
"Eto ang number ko. Tawagan mo ko pag nakabalik kana. Sa akin ka parin tutuloy habang nasa ospital pa si Day. Araw araw tayong pupunta doon until maayos na ang lahat. May mga bagay akong sasabihin sayo... ihanda mo yang sarili mo okey." Iniabot niya sa akin ang isang piraso ng papel. Tumango ako at tuluyan ng lumabas ng kotse niya. Naabutan kong nakasandal sa kotse sa di kalayuan lang si Steve at agad ko siyang nilapitan.
"Tara na. Nag aalala na sina inang sayo."
tahimik lang ang naging byahe namin pauwi. Halatang malalim ang iniisip ni Steve pero hindi na ko nag abala pang magtanong. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa problema namin ni Day.
Kakayanin ko bang ibalik ang alaala niya?
Paano kung wala na talagang pag asang bumalik ang alaala niya?
Paano kung bago pa siya mawalaan ng alaala ay si Ruby na talaga ang gusto niya at hindi na ako?
"Andito na tayo Mae..." Tawag ni Steve saakin. Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami. Agad akong pumasok ng bahay at nadatnan ko sina inang at amang sa hapag. Kasalukuyan silang naghahanda ng hapunan.
"Oh anak! nandito ka na pala. Ay siya! gumayak ka na at magbihis ng makakain na tayo." Masayang sabi ni inang.
"Nakarating ka na pala bunso." Bati ni kuya Rivo. Nasa hapag na siya at kasalukuyang kasama na nila inang. Ngumiti ako sa kanya.
"Anak? may problema ba? Bakit parang tahimik ka?" puna ni itay. Napatingin ako sa kanila. Bumuntong hininga muna ako bago ko isinalaysay ang lahat ng nangyari.
"Kamusta siya?" tanong ni Rivo. Alam kong may tampo pa siya kay Daymond pero dama ko ang malasakit niya rito.
"Okey na siya. Kasalukuyang nasa ospital at nagpapalakas." sagot ko. Nakita kong nakatitig saakin si amang na para bang ang lalim ng iniisip.
"Kaylan ka babalik ng Maynila anak? gusto mo bang samahan na kita ng madalaw ko na rin ang nobyo mo." si Inang.
Ni hindi niya nga ako maalala nay... kung alam niyo lang po.
"Ngayong araw na po nay, tay,kuya.. kung papayagan niyo po ako..." Kabadong kabado man ay pilit kong ikinalma ang sarili ko.
"Basta't wag ka lang umuwing nasasaktan anak. Sapat na ang taong lumipas na nakita kitang nasaktan dahil sa kanya. Ayoko nang maulit yun." sabi ni itay. Nakita kong magkahugpong ang kamay nila ni nanay. Tumango ako at ngumiti sa kanila. Tinapik naman ni Kuya Rivo ang balikat ko senyales na supprtado niya ang desisyon ko.
"Salamat sa inyo." Garalgal na ang boses ko habang pilit na pinipigil ang pag iyak.
**********************
Raymond's POV
"Anong kagaguhan ang ginawa mo Raymondo!" bungad ni papa ng makarating ako ng bahay.
Matalim ang tingin na ipinukol sa akin ng aking papa. Pilit naman itong kinakalma ni mama. Hindi ko alam na ganito katindi ang galit niya pag nalaman niya. Bagaman inasahan ko na ang pag disgusto niya kay Maevy."May karapatan siyang makita ang kambal ko." Mahinahon kong sagot. Kitang kita ko ang pag tiim bagang niya habang patuloy na nakatigin saakin ng matalim.
"Alam niya ba ang gulong pinasok niya?" Bakas ang pagbabanta sa tinig niya. Agad naman akong nairita.
"At ano?! Ipapapatay mo rin siya?! Hayaan niyo siya papa! Hindi siya banta sa ano mang plano ng pamilyang to. Wala siyang alam kahit katiting na eto ang buhay ng pinakamamahal niya! Kung may magtangka man sa kanya ako mismo ang makakalaban niyo!" hindi ko na hinintay ang sagot ni papa at tumungo na sa aking silid.
Napa ngiti ako ng mapait. Ngayon ko lang nagawang ipagtangol ang isang tao laban sa pamilya ko. Ni hindi ko nga nagawa iyon para kay Gweneth.
Ilang oras ang lumipas at hindi parin ako makatulog. Hindi ko alam kung paano namin gagawin ni Maevy ang plano. Kaylangang maka alala kaagad si Day. Gusto kong magkaayos na kaming dalawa.
Napadpad ako sa ospital kung saan naroon ang kapatid ko. Papasok na ako ng kwarto niya ng marinig ko ang sigaw ng isang babae.
"No! Hindi ako papayag! You belong to me! ako ang pinili mo!" rinig ko ang pag iyak niya mula sa loob ng kwarto.
"Ayoko lang madamay siya sa gulo Ruby. Yes, I choose to be with you para sa kaligtasan niya! Hindi ako magsasakripisyo kung ganito't hindi ko siya mapoprotektahan!"
Anong pinag uusapan nila?
"Tutulungan kita Daymond... as long as tutuparin mo ang pangakong kasal natin." sagot ni Ruby.
"Ayokong may makaalam na nakakaalala na ako at pakiusap lang... wag na wag mong sasaktan si Maevy, gagawin ko lahat ng gusto mo basta ba tulungan mo akong ilayo siya sakin at sa pamilya ko."
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Para saan pa ang mga plano namin ni Maevy kung ang gusto pala ng kapatid ko na ilayo siya sa pamilya namin... sa kapahamakang maaaring maidulot ng pagkakaugnay niya sa amin.
BINABASA MO ANG
The Day You Went Away
Teen Fiction"Yung oras na pinili mong talikuran ako para maligtas ako sana hinayaan mo nalang akong mapahamak na kasama ka!... Pero okay narin naman na iniwan mo ko. Dahil ngayon, alam kong nagmamahal ako sa karapat dapat na tao!" Pang uuyam ni Maevy sa kanya.