TDYWA: (2) MAKITA SIYANG MULI Part 2

0 0 0
                                    


Maevy's POV

Nakarating kami sa isang hospital. Agad niya akong hinila papasok. Nakarating kami sa isang kwarto.

"Be strong." bulong niya sakin. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang lalaking kamukhang kamukha niya. Napasinghap ako habang naglalakad palapit sa kanya.

"He's the one you're looking for right? Ikaw ang nag iisang Maevylyn Encarnaes na bukambibig niya dati... bago pa siya maaksidente at nakalimutan tayong lahat." sabi niya sakin.

So? Ang natutulog na ito?... D-daymond?!

"I'm his twin... Raymond Guevara. Daymond had an accident paguwi niya ng Pilipinas a few months ago... We're not that close. Sinasabi ko na sayo kase baka kung anong itanong mo sakin at hindi ko masagot." Sabi ni Raymond.

"Hindi pa ba siya nagigising?" tanong ko. Gulong gulo parin ang isip ko habang di maalis ang titig ko kay Daymond. Hindi naman niya talaga ako tinalikuran.

"a few days ago naimulat niya ang mga mata niya... Our sister Midnight was here kaya agad niya kaming tinawagan... He recognizes no one in the family. Muntik nang atakihin sa puso ang mama dahil don." Kwento niya.

"P-paano mo nalaman kung sino ako?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"He asked our parents if he could get married after he graduate. He told us about you... Maevylyn. My brother, hindi ganun ang pagkakilala ko sa kanya. He was never serious in his past relationships kaya nagulat kami sa naging desisyon niya. Pasensya na at hindi ka namin nasabihan tungkol sa nangyari sa kanya. Kaylangan naming ilihim sa lahat ang nangyari sa kanya. Ang nangyari sa kanya? Hindi basta basta aksidente yun. We are still finding the criminal." Nakita kong minasahe ni Raymond ang noo niya. Marahil ay pinipigil nito ang init ng ulo niya.

Hindi kaylan man nag kwento tungkol sa pamilya niya si Daymond. Kilala itong notorious na playboy sa paaralan pero nakita ko kung paano ito nagbago. Ginawa niya ang lahat para makuha ang tiwala ko at ng pamilya ko. Kahit mayaman siya at mahirap kami hindi iyon naging hadlang sa relasyon namin. Lagi niya akong tinititigan na para bang ako lang ang tanging babae sa mundo.

"Hindi kami magkasamang lumaki ni Day... Siguro nga mas madami kang alam tungkol sa kanya." Dabi ni Raymond habang naka upo sa isang sofa malapit sa kama ni Daymond.

"Madami akong alam tungkol kay Day... pero tungkol sa pamilya niya? Wala akong gaanong alam." Tinitigan ko siya at tumango naman ito.

"Malayo ang loob niya sa amin... Si Midnight lang ang nakakausap siya ng maayos. Kahit saakin ay mailap siya. Palaging wala ang mom at dad. Ipinamana sa kanya ang hacienda... Mag isa siyang namuhay doon. Si Midnight ay nawala ng sampung taon at nagkita lang sila noong highschool na si Day. Ako? Nagkita lang ulit kami noong 21 na kami. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang set up ng pamilya namin pero...I really care about my brother." Patuloy ito sa pag kwento. Napalingon ako ng may narinig akong ungol.

"Si Daymond!" Agad akong lumapit sa kama niya at hinawakan ang kamay niya. Dahan dahan nitong minulat ang kanyang mga mata. Napako ang tingin niya saakin.

"Daymond... Naalala mo ba ako?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti sa akin.

"Bakit ka umiiyak? P-pasensya na pero hindi ko matandaan ang pangalan mo..." sabi nito. Napalingon siya at tila dumilim ang ekspresyon ng makita si Raymond.

"At ikaw naman! Bakit ka nandito! Ayokong makita ka." Bumakas ang sakit sa mukha ni Raymond pero agad itong nawala. Agad naman itong umalis.

"D-day... kumalma ka lang. Makakasama sayo yan. Mabuti pa kumalma ka muna. Gusto mo bang kumain?" Tanong ko sa kanya habang ngumingiti ng pilit. Napakasakit malaman na kahit ako ay hindi niya maalala pero gusto kong tulungan siyang maibalik ang memorya niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong kinabig at niyakap ng mahigpit.

"Pakiramdam ko ay... Miss na miss kita." bulong niya. Niyakap ko rin siya.

"Ako rin... sobra... Hayaan mo at tutulungan kitang maibalik ang mga alala mo... alaala natin." nakaramdam ako ng gaan sa aking kalooban. Parang biglang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko sa puso ko at napuno nang muli ng pag asa.

"But I wan't to see him?! Get out of my way!" Natanaw ko ang isang magandang babae na papalapit sa amin. Naka suot ito ng maikling palda at halos lumabas na ang kaluluwa sa suot nitong damit.

"Honey! Buti naman at nagising ka na! I brought you your favorite mango float. T-teka?! Who are you? Kumuha ba sila ng bagong yaya para sa honey ko?" mataray niya akong sinipat mula ulo hanggang paa.

"Ako nga pala si M-maevylyn." pakilala ko sa kanya. Bumakas ang inis sa mukha nito.

"I'm his fiancée Ruby Samaniego. I better get going!May photoshoot pa ako. Goodbye hon." Nakakabingi ang tinis ng boses nito. Tumango lang si Daymond. Gusto ko sanang magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Usap muna tayo sa labas Maevy." Dinig kong tawag ni Raymond sakin. Agad naman akong sumunod dahil ayaw kong makita ni Daymond ang pagluha ko.

"S-sino siya? totoo ba na fiancé sya ni Day?" Tanong ko kay Raymond.

"Magulo ang buhay ng mga Guevara Maevy... Handa ka bang tiisin ang lahat hanggang bumalik ang alala ni Day?" Seryosong tanong ni Raymond. Huminga ako ng malalim. Kung taon nga nagawang kong tiisin ito pa kayang nakita ko na siya. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Dumito kana muna sa Maynila. Diba Lumuwas ka pa galing Isabela para lang makita siya? Kaylangang palagi ka niyang nakikita para bumilis ang pagbalik ng alaala niya. Pwede ba yun?" Tanong ni Raymond.

"Kaylangan kong sabihan si Steven... para makapagpaalam ako sa bahay. Kaso nga lang wala akong dalang mga gamit at damit. Kaylangan ko umuwi. Luluwas nalang ulit ako." Paliwanag ko sa kanya.

"Tawagan mo nalang ang taong tinutukoy mo. Ako ng bahala. Doon ka na muna titira sa condo ko." Sagot ni Raymond.

"T-teka?! Bakit sa condo mo?"

"Nasa condo ni Day si Ruby. Simula ng umuwi ito galing US at nagpakilala bilang fiancé ni Day ay doon na siya pinagstay ni Mom. I doubt na kasintahan siya ni Day. Ikaw lang naman ang babae sa buhay niya. Don't worry, maaayos din ang lahat pag bumalik na memorya niya." Sabi ni Raymond.

Kinalma ko ang sarili ko. Alam kong kaylan man hindi ako kayang lokohin ni Day.

The Day You Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon