Day 6

19 2 4
                                    

February 24,201*
Friday

Sa library daw kami maglelesson sa subject namin na Research. Eh yung lib, sa building ng mga nakaputi. Kaya asado na naman ako na baka makita ko siya.

Habang naglalakad pababa ng hagdan papunta sa building na yun, napahinto ako nang makita ko siya. May kausap siyang babae.

Tumuloy ako sa paglalakad. Sumakay sa elevator na parang walang nakita.

Nung nasa loob kami ng library, yung isip ko lumilipad.

Ano ba kaseng pangalan niya?

Saka bakit mula nung vday bakit lagi ko na siyang nakikita?

Fastforward.

May event na naman sa univ nung gabi na. May mga rumarampa.

Nahiwalay ako  kila Kisha at Aly. Hinahanap ko sila nang makita ko si G sa dadaanan ko.

Linsy@k.

Mag-iearphones sana ako kaso nakasabit sa collar ng uniform ko.

Shit.

Nagpapanic na ang mga ugat ko. Veins. Artillaries at capillaries.

Nung malapit na ako...

"Hi."

"Hello po."

"Kamusta ka?"

"Ha?"

"Kamusta ka na."

"Ah. Okay lang."


"Kamusta Research? Di ba may research kayo?"

"Ah oo. Okay lang."

"Nakakausad naman ba?"



"Oo. Mabagal nga lang."

"Atleast nakakausad."

*silence*

Asan na ba kase sila Kisha at Aly?! Nyemas kinikilig ako dito oh!

"Saan ka?"

Sa puso mo.

"Hinahanap ko po mga kasama ko."

"Ah. Sige dito na ako."

Utak, gumana ka!!!!!


"Ay, kuya.."

Tiningnan niya ako.


"Ano po pala ang name mo?"

He said something but I can't hear it. Lumakas hiyawan sa paligid since may mga babae nga na rumarampa.

Inabot ko yung phone ko.

"Sulat mo na lang po sa memo."

He nodded.

Habang nagsusulat, may tinanong siya sakin.



"Nagsusulat ka ng mga poems?"

"Ha?"

"Meron dito e."

Shit. Poem. Hindi yun tula! Diary ko yun kay ex-crush!

"Hala..."

"Ayos nga e. Ryhming."

Rhyming? Eh puro nga mura yun e
:(

Binigay na niya sa akin yung phone ko.

"I-a-add po kita ha?"

"Sure, sure."

Sagot niya naman.

Taena.

Yung puso ko.



Nagwave na siya ng kamay.

Paalam.





Dear God,

     Nalaman ko na yung name niya! Grabe, ako rin pala ang mismong tulay. Nagconfess pa ako sa secret files. Public yun! Anyway, I'm so excited to add him! Pero dapat hindi yung halatang atat.

Nagsend ako ng friend request nung mga mag-te-ten pm na.




******** accepted your friend request.

-Clara





TO BE CONTINUED

12 Days with GWhere stories live. Discover now