March 18, 201*
SaturdayBreaktime.
Kakatapos lang ng defense namin.
Nakakagutom!Kasama kong bumaba si Kisha.
Kaso doon pa lang sa fountain, nakaramdam na ako.And I am right.
He was there. Sittin'.
Chillax.
Samantalang nag-deactivate siya ng facebook.
Ewan ko ba kung anong meron. Akala ko niblock ako. Panic-panic ako nun e.
May kinakalikot siya sa phone niya. Mukhang super hooked siya sa ginagawa niya. Kaya hindi niya kami napansin na dumaan. Buti na lang din.
Ayos na ako na nakikita ko siya.
Bumili ako ng kwek-kwek.
Muntik akong mabilaukan nung inasar ako ni Kisha. Lakas talaga neto e!
Hahahhahahahaha
Pagkadaan namin, ganun pa rin siya. Chillax lang. Walang pinagbago. Nakakapanghinala lang daw(accdg to K) na parang ang busy niya.
Nung makalagpas na, tiniis ko na wag lumingon. Badtrip talaga yang pride.
Kapag lumingon, good thing kung tiningnan niya rin ako. Bad thing kapag nakita niya akong tiningnan siya.
Hay nako.
By the way, last regular day na. Next week, exam na.
And last week, matatapos na ang story na 'to.
Story na ako lang ang may alam.
TO BE CONTINUED
YOU ARE READING
12 Days with G
ChickLitI met him during Valentines Day, and eversince then, I began counting the days. Will I met him again?