Akala niyo Diary ng Maldita to no? Hindi ako maldita. May pagkamaldita lang. Bakit "Diary ng Malditang Prinsesa" ang title? Duh! Pag nilagay ko bang Diary ng Mabait na Prinsesa babasahin niyo? Siguro oo kasi mala diyosa ang cover ng kwentong to, pero hindi kasing rami ng magbabasa kapag maldita ang bida. Teka nga. Bakit ba ang hilig niyo sa maldita? Ayaw niyo ba sa mabait at sobrang hinhin na babaeng bida? Hay. Bakit pa ba ako nagtanong.
Okay. Hindi talaga ako maldita. Gusto ko lang iklaro sa lahat ng nagbabasa ng kwentong ito na hindi maldita ang bida ng kwentong ito. Yung nagsusulat lang ang syang maldita, dinamay pa ako. *roll over* ay hindi ba roll over? (Pang aso yun. Tanga.Ang shunga ng writer) *rolled her eyes* (Writer: Oh ayan ok na. Masaya ka na? Malditang prinsesa talaga)
Ako si Aella Luna Shabina Montreal. Ang haba ng pangalan ko noh? Ewan ko ba, mahilig kasi ang Mama ko sa mga magagandang pangalan na may magagandang kahulugan. Hindi raw siya makapili sa tatlo kung alin ang ipapangalan nya sa kaniyang Unica Hija kaya hayan at pinagsama-sama ang tatlo and the result is yours truly, Aella Luna Shabina. Oo mahaba pero ang cool niya. :D Lalo na, yung mga meanings of every word in my name are super Awesome.
Aella (Aye-ELL-uh) means "whirlwind" and in Greek mythology, she was a fierce Amazon warrior notorious for wielding a double-edged sword. Cool, diba? Not only that, Luna means "the Moon" — which, in addition to being a beautiful fixture in our skies, controls our tides. Another cool fact about my name. Plus, Artemis, the Greek goddess of the Moon, was badass. The Moon is powerful AF. So is the name "Luna." Finally, Shabina. It's a very calm name. Ang Shabina ay isang Arabic name na ibig sabihin ay "eye of the storm". In nature, the eye of the storm is a region of calm weather in the center of a cyclone, tropical storm, hurricane, etc. In a more metaphorical sense, don't we all strive to be the eye of the storm in life? The calm stronghold amidst incessantly crazy shit? Ugh. My parents are Awesome! :D They gave me such an Awesome name. So I can say that I am FIERCE :), or my name rather.
Ako ay isang munting prinsesa ng sarili kong mundo at sarili kong kwento. Hindi ako prinsesa na gaya ng iniisip niyo. Princesses who live in castles and rule kingdoms, I wish. Isa akong simpleng dalaga na nangangarap maging real life Prinsesa, pero hanggang pangarap lang ako. I live a simple life with simple daily routines that normal people do. I do my household chores like a common person does and yun na yun. Anything exciting? Exhilarating? Depressing? Siguro paminsan-minsan pag umiiyak ako. Ano? Bawal ba akong umiyak? Lahat ng tao umiiyak, nasasaktan,nabibigo, nagmomove-on, natutuwa, nagtatagumpay kung pipiliin. Masaya ako madalas pag kasama ko family ko, mga kaibigan ko, boyfriend ko. Opo, may boyfriend po ako. Kayo lang pwedeng magka boyfriend? Madalas siguro mga bida sa kwento hindi pa nakikilala ang kanilang "The One". Bakit? Sigurado ba kayo na siya na talaga? Ako nga hindi ko alam kung sya na nga ang aking "The One" eh. Pinapangunahan niyo kasi eh.
Anyway, oo may BF na ako. Simula first year college pa naging kami. Hindi high school sweethearts, siguro College sweethearts? Eh college nga naging kami diba? Usyusero't usyusera kayo :P Saka na yang love story ko. :) Somewhere sa gitna o sa huli para naman may thrill. :P
BINABASA MO ANG
Diary ng Malditang Prinsesa
Teen FictionAno bang nangyayari sa araw araw na buhay ng isang taong katulad ko? Siguro karamihan ng tao naman ay pare parehong may kanya kanyang pangyayari na common na nangyayari sa iba. Hmmm.. Ano bang nakakaintriga sa buhay ko? Well, do you want to know? R...