BABALA: Ang kwentong ito ay may deleted parts kaya kung ayaw ninyong mabitin ay huwag niyo nang ipagpatuloy ang pagbabasa. Nasa DREAME po ang complete version ng story na ito. Maraming salamat!
PROLOGO
IPINANGANAK ako habang nangyayari ang Battle Of Manila noong year 1762. Ako ang unica iha nina Don Lucasio at Donya Criselda Morai. Bata pa lang ako ay alam kong iba kami sa pangkaraniwang tao. Well, hindi naman talaga kami tao. Aswang ang lahi namin kaya automatically, full-blooded aswang ako. Kailanman ay hindi ko isinumpa ang pagiging aswang ko o ng pamilya ko. Yes, may aswang na noong 17th century at mas nauna pa yata kami kay Corazon.Aware na rin ang mga tao sa mga aswang ngunit hindi kami napagkakamalan dahil nga mayaman kami. Aswang kami pero never in our life na kumain kami ng tao. Palaging hayop. Aso, pusa, kambing, kabayo, kalabaw o baka. Name it!
Pero tunay ngang walang secret na naitatago. Nalaman ng taong bayan na aswang ang pamilya ko. Ang akala yata nila ay kami ang may kagagawan ng sunud-sunod na pagkamatay ng mga tao sa aming lugar. Hindi naman talaga kami. Baka iyong ibang aswang na kumakain ng tao. Kaya naman sumugod sila sa aming mansion ay sinunog iyon. Namatay ang mga magulang ko at ako lang ang nakaligtas. Ngunit bago sila mabawian ng buhay ay may isang sikreto silang sinabi sa akin... Isang sikreto kung paano ang isang aswang ay hindi kailanman mapapatay ng mga tao, kung paano ang isang aswang na katulad ko ay mabubuhay ng habangbuhay, isang sikreto kung paano maging imortal ang isang aswang! Sikreto na ang pamilya lang namin ang nakakaalam...
At iyon ay walang iba kundi ang pagkain ng isangdaang puso... ng saging.
What? Really? Kailangan kong kumain ng one hundred na puso ng saging?
Never in my life na kumain ako ng gulay kaya the struggle is so real! Aswang ako! I eat meat not vegetables or fruits!
But I have to do that para makaligtas ako sa mga taong gusto akong patayin, para hindi nila ako mapatay kahit anong gawin nila sa akin.
After ng ilang years nang pagtatago at pagkain ng lahat ng puso ng saging na makikita ko... Finally! Nakumpleto ko na rin ang isangdaan na puso ng saging challenge!
At ngayon? Isa na akong imortal. At ang maganda pa nito, hindi na ako nagta-transform bilang isang aswang every night. Once a month na lang kapag bilog ang buwan. Doon lang ako nakakaramdam ng matinding craving sa raw meat. But, hindi naman ako kumakain ng tao. Karne lang ng hayop like kalabaw, kambing, baboy, baka or kapag wala talaga ay manok na lang.
One hundred years after kong maging imortal ay bumalik ako kung saan nakatayo ang bahay namin. Isa na iyong gubat at mabuti na lang ay walang Kastila na nagagawi doon. Alam ko ang sikreto ng pamilya ko kaya naman hinukay ko ang dating kinatatayuan ng aming mansion upang makuha ko ang kayamanan ng aming pamilya. Gold bars, jewelries, gold coins, diamonds! Name it at meron kami niyan. At nahukay ko naman siya. Ginamit ko iyon para muling itayo ang aming mansion bilang pagbibigay na rin sa alaala ng aking mga magulang.
Fast forward sa kasalukuyan... Halos three hundred years old na ako at hanggang ngayon ay maganda at fresh pa rin ako. Huminto na sa pagtanda ang aking katawan simula nang makumpleto ko ang isandaan na saging.
Sa loob ng halos tatlong daang taon ko dito sa mundo ay marami na akong nakilalang tao. Naging kaibigan ko ang iba... Masakit para sa akin na nakikita ko silang mamatay habang ako ay hindi. May mga naging boyfriends din ako pero never ko silang minahal. Pampalipas-oras lang. Minsan na akong na-inlove at nang mamatay ang lalaking iyon ay sobrang sakit. Hanggang sa magsawa na ako at magkulong na lang sa mansion. Ayoko nang makakilala ng ibang tao tapos maa-attach lang ako. Tapos kapag namatay sila ay maiiwan na naman akong mag-isa.
Ayoko na. Kuntento na ako sa pag-iisa ko dito sa mansion ko sa gitna ng gubat!
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Sana'y Tumibok Muli
Horror(NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIFEBOOKS) Almost 300 years nang nabubuhay sa mundo si Esha o Lukresha Morai. Isa siyang dating aswang na naging imortal dahil sa pagkain niya ng isandaang puso... ng saging! Hindi rin siya tumatanda. Nananatiling maganda...