KABANATA V
NAPATAYO ako mula sa aking pagkakaupo nang makita ko ang lalaki sa gubat sa loob ng aking pamamahay. “Ikaw?!” Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang react ko. “Anong ginagawa mo dito? Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso na pumasok sa aking mansion?!”
Malalaki ang mga hakbang na nilapitan ko ang lalaki at nakipagtitigan sa kanya. Naisip ko na baka si Malena ang nagpapasok sa kanya kaya naman mabilis na tinignan ko ang ang aking kasambahay.
Kumibit-balikat lang si Malena. “'Wag mo akong pagbintangan, Ma’am Esha… Hindi ko siya pinapasok dito…” anito sabay walk out.
“Don’t blame Malena. Ako ang nagpapasok sa sarili ko dito,” ani ng lalaki.
At talagang alam na niya ang pangalan ni Malena?!
“Tresspassing ka! Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginawa mo? Ang lakas ng loob mo!” Umuusok ang ilong na sabi ko.
“Nag-tresspass ka rin sa area ko kagabi. And besides, 'andito ako para maningil ng utang. Iyong halik!”
“Halik?! Manigas ka diyan pero hindi mo ako mahahalikan, lalaki. Umalis ka na bago pa kita ipalapa sa aso ko dito sa mansion!”
“Wala ka nang aso. Patay na. Narinig kong sabi ni Malena kanina.”
Huminga ako nang malalim sa sobrang pagkainis ko sa kanya. Kung kaya ko lang maging aswang ngayon ay ginawa ko na. Para nasakmal ko na ang walang modong lalaki na ito. Oo nga, gwapo siya pero wala siyang karapatan para maging bastos. At nagkaroon pa ako ng utang na halik sa kanya, ha. Talagang sineryoso niya ang naging usapan namin kagabi. At anong akala niya sa akin? Isang babaeng agad na bibigay porket gwapo siya? Hindi! Nagkakamali siya!
“Umalis ka na, lalaki! Bago pa magdilim ang paningin ko!” Itinuro ko ang nakabukas na main door.
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi kita nahahalikan.”
“Pwes, dalhin mo na lahat ng gamit mo dito at habangbuhay kang tumira dito dahil hindi mo ako mahahalikan.”
Walang paalam na tumalikod na ako sa kanya. Walang ka-kwenta-kwenta ang makipag-usap sa tulad niya. Sinasayang lang niya ang oras ko.
Ngunit tila hindi yata talaga susuko ang naturang lalaki hanggang hindi nito nakukuha ang nais niya sa akin. Bigla niya akong hinawakan sa aking braso at kinabig papunta sa kanya. Napaharap ako sa kanya at hindi na ako nakaiwas nang idampi niya ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla at dhail doon ay hindi ko na nagawa pang makapalag.
Halos limang segundo rin siguro na magkalapat ang aming mga labi saka lang niya ako pinakawalan. Isang malakas na sampal ang pinatikim ko sa kanya.
“You liked it. Hindi ka pumalag!” nakangising sabi niya sa akin habang hinihimas ang pisnging sinampal ko.
“Hindi ko nagustuhan! Bastos ka! Umalis ka na!!!” Talagang nilakasan ko ang aking boses upang mapagtakpan ang panginginig ng aking buong katawan.
Hindi ko na matandaan ang huling beses na nahalikan ako ng isang lalaki. Sobrang tagal na… At ang halik ng lalaking iyon, bagaman at simple lang ay tila nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Parang may kaunting saya na hindi ko mawari. Kay bilis din ng tibok ng puso ko na para bang hindi ako makahinga.
Ano bang nangyayari sa akin?
Tatawa-tawa lang na naglakad palabas ang lalaki. Agad ko namang isinara ang pinto nang makalabas na siya. Mabilis ko iyong ikinandado at sumandal sa pinto. Nakita ko si Malena sa may pinto papunta sa kusina. Anong nangyayari sa kanya? Bakit nakatirik ang kanyang mata at mabagal na tumataas-baba ang mga balikat? Nasasapian ba siya ng masamang kaluluwa o ano?
“Malena! Anong nangyayari sa’yo?!”
Tumigil siya sa kakaiba niyang ginagawa. “Wala. Kinikilig lang ako…” At humagikhik ito pero walang buhay.
So, nakita nito ang paghalik sa akin ng estrangherong iyon?
Nakakahiya! Pakiramdam ko tuloy ay parang makopa na sa pula ang mukha ko ng sandaling iyon.
“Huwag mo akong inaasar ngayon, Malena! Baka hindi kita matantiya!”
“Asus! Aminin mo na kasi, kinikilig ka din kay Thaddeus…”
Thaddeus? Iyon pala ang ngalan ng bastos na lalaki.
“Malenaaa!!!” May pagbabantang sigaw ko.
“Okay. Awat na ako. KJ…” aniya at bumelat pa talaga siya sa akin sabay alis.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sbnormal na tibok ng aking puso. “Anong nangyayari? Bakit ang bilis ng tibok mo ngayon?” Naguguluhang tanong ko.
-----***-----
KINAGABIHAN ay nakita ko na naman sa gubat ang nakasinding bonfire. Sigurado ako na ang lalaking bastos na iyon 'yon. Hindi pa rin pala siya umaalis sa gubat. Isinara ko na lang ang bintana at tinakpan iyon ng makapal na kurtina. Ayoko nang magpaapekto sa kanya. Ayoko na ring mapuyat dahil sa kanya. Hindi siya karapat-dapat sa aking eyebags. Gusto kong matulog nang matiwasay ngayong gabi.
Upang maging maganda ang aking tulog ay nagbabad muna ako sa bath tub. Gusto kong magrelax nang todo-todo. Ipinikit ko ang aking mata habang nakababad doon. Ngunit naantala ang aking pagre-relax nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Malena.
“Ma’am Eshaaa!!!” sigaw iyon pero mabagal pa rin ang pagsasalita niya. Sunud-sunod din ang pagkatok niya sa aking pintuan na akala mo ay gigibain na niya iyon.
Ano na naman ba ang palabas na ito ni Malena? Kung makasigaw naman siya ay akala mo’y may emergency! Teka, hindi kaya… bumalik na naman ang bastos na lalaki?
Nagmamadali na bumaba ako sa bath tub at tinuyo ang aking sarili. Nagbihis ako ng itim at mahabang damit at saka ko pinagbuksan ng pinto si Malena. Pawisan siya at dala ang malaking aklat. “Ano at humahangos ka, Malena? Hindi mo ba alam na nagre-relax ako?” Medyo naiinis na salubong ko sa kanya.
“May importante po akong sasabihin sa iyo, Ma’am Esha…”
“Mas importante pa ba iyan sa pagre-relax ko? Siguruhin mo lang kung ayaw mong mamatay, Malena!”
“Mamatay agad, Ma’am Esha? Ako na nga lang ang nagtyatiyaga sa ugali mong aswang tapos papatayin mo pa ako?”
“Ang dami mong sinasabi! Sabihin mo na ang pakay mo sa akin!”
Binuklat niya sa harapan ko ang malaking aklat at may itinuro siya sa akin doon. “Nahanap ko na ang pinapahanap niyo sa akin… Nakasulat nga dito sa malaking aklat ang pangontra sa pagiging imortal niyo, Ma’am Esha…”
Para akong nanalo sa lotto sa mga sinabi ni Malena. Mabilis kong inagaw sa kanya ang malaking aklat at hindi makapaniwalang tinignan si Malena na nakangiti sa akin.
“Mamamatay na ako?” Nanginginig sa tuwa na turan ko.
Tumango si Malena. “Oo, Ma’am Esha… mamamatay ka na at yayaman na ako!”
“Mamamatay na ako!” sa sobrang saya ay inulit ko pa. Medyo teary-eyed na rin.
“At yayaman na ako…” dugtong ni Malena.
“Mamamatay na ako!”
“At yayaman na ako…”
“Mamama--”
“Hep…” pigil sa akin ni Malena. “Basahin niyo na lang po ang itinuro ko para malaman niyo kung paano ka mamamatay para maging mayaman na ako, Ma’am Esha…”
Buong ligaya na tumango ako. “Sige, Malena! Maraming salamat. Intrimitida ka pero tunay kang maaasahan!”
Nag-thumbs up lang siya sa akin. Nang umalis na siya sa harapan ko ay isinara ko na ang pintuan ng aking silid. Ipinatong ko ang malaking aklat sa aking lamesa doon at inumpisahang basahin ang paraan kung paano ba mamamatay ang isang imortal na aswang na tulad ko…
TO BE CONTINUED…

BINABASA MO ANG
Sana'y Tumibok Muli
Horor(NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIFEBOOKS) Almost 300 years nang nabubuhay sa mundo si Esha o Lukresha Morai. Isa siyang dating aswang na naging imortal dahil sa pagkain niya ng isandaang puso... ng saging! Hindi rin siya tumatanda. Nananatiling maganda...