KABANATA IV

6.9K 307 16
                                    

KABANATA IV

“YES. I’ll kiss you. On your lips!” Seryosong sabi ng walang modong lalaki sa akin.

“Antipatiko! Walang modo!” bulyaw ko sa kanya.

“Ikaw yata ang walang modo, miss. Pumunta ako dito sa gubat hoping na makakahanap ako ng katahimikan na hindi ko mahanap sa city tapos nang makita ko na ang katahimikan na iyon ay bigla ka namang dumating at ginulo ako. Ngayon, sino ang walang modo?”

Hindi ko na alam ang isasagot ko. May point naman kasi siya. Pero kahit na! Sana man lang naisip niya na babae pa rin ako at hindi niya ako binastos ng ganoon. Anong tingin niya sa akin? Isang babae na mababa ang dignidad na madaling magbibigay ng halik sa estranghero? No way!

“Basta! Kapag nasunog ang gubat kasama na ang mansion ko, humanda ka sa akin!” nagtapang-tapangan ako at saka tumalikod na. Malalaki ang mga hakbang at namumula ang mukha na naglakad ako palayo sa kanya.

“'Yong kiss ko kapag hindi nasunog, ha!” Pahabol na sigaw niya.

Baka kiss sa pwet gusto niya! Umasa siyang mahahalikan niya ako pero hindi mangyayari iyon. Ang yabang niyang antipatiko siya!

Pagbalik ko sa mansion ay agad kong binulabog si Malena.

“Malena! Gising! Gumising ka, Malena!” Nalaglag ang malaking aklat sa sahig dahil sa pagyugyog ko sa kanya.

Nagising naman siya pero kakamot-kamot sa ulo at tinignan niya ako na para bang bwisit na bwisit siya. “Ma’am Esha naman, e! Nakakainis ka naman! Alam mo naman na natutulog ang tao, istorbo ka…” Nagagalit na siya pero mabagal pa rin ang pagsasalita niya.

“May iuutos ako sa’yo! Tumayo ka na diyan!”

“Ala una na ng madaling araw, Ma’am Esha… Uso magpahinga?”

Hindi ko na pinansin ang pagrereklamo niya. “Kuhain mo lahat ng gaas sa dirty kitchen. Madali!”

“Gaas? Aanhin mo naman gaas sa ganitong oras?”

“Ibuhos mo sa buong mansion. Susunugin natin ang mansion!”

Ito lang ang paraan na naiisip ko para hindi ako mahalikan ng lalaking iyon. Desperada na kung desperada. Tutal, marami pa akong kayamanan, kayang-kaya kong ipatayo ulit ang mansion.

“Ma’am Esha, nagda-drugs ka ba? Gusto mo ma-tokhang? Ano na naman ba ang naisip mo? Una, nagpapakamatay ka. Ngayon naman ay susunugin mo ang mansion? Matino ka pa ba?”

“Matino pa ako, Malena!” Pinandilatan ko siya ng mata.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. “Ano bang dahilan niyo at susunugin mo ang mansion?”

“Wala! Naiinitan kasi ako! Gusto ko mag-bonfire!” palusot ko. Umiwas ako ng tingin nang subukan niyang tignan ako sa mga mata.

“You’re lying, Ma’am Esha. Hindi iyan ang dahilan… Ano ba talaga?”

Huminga ako nang malalim sabay tirik ng mata. “Okay. Sasabihin ko na. May lalaki kasi akong nakita sa gubat. Nagpa-apoy siya doon. Sinabi ko na patayin niya ang apoy dahil baka masunog ang mansion. At ang sabi niya kapag hindi nasunog ang mansion sa magdamag ay hahalikan niya ako!”

Walang buhay na tumawa si Malena. “Hahaha… Para lang do’n susunugin mo ang mansion, Ma’am Esha? Praning ka… Matulog ka na lang.”

“Pero, Malena--”

“Ma’am Esha, istorbo ka na sa pahinga ko. Maawa ka naman. Maghapon mo na akong pinagbasa ng malaking aklat tapos iistorbohin mo ako ngayon. Labas ka na ng kwarto ko…”

“Bwisit ka, Malena!” Wala na akong nagawa nang ipagtulakan niya ako palabas ng kanyang silid. Hindi man lang talaga niya ako tinulungan. Hayop siya!

Pumunta na lang ako sa kusina at uminom ng tubig. Nang mahimasmasan ay doon ko lang naisip na tama ang sinabi ni Malena. Bakit ko nga naman susunugin ang mansion para lang hindi mahalikan ng lalaking iyon? Hindi naman sa gusto kong halikan niya ako kaya hindi ko susunugin ang mansion pero kapag ginawa ko iyon, it only means na apektado ako sa kanya.

Malakas na inilapag ko sa lamesa ang baso at matiim na tumitig sa kawalan.

“Hindi ako apektado sa’yo! Hindi ako apektado! Hindi!” Paulit-ulit kong sinabi iyon hanggang sa makarating na ako sa aking kwarto.

-----***-----

“HINDI ako apektado… Hindi talaga…” Inaantok kong sabi habang nakatayo sa may terrace at nakatingin sa kinaroroonan ng apoy kagabi. Umaga na pala. Magdamag akong nakatingin sa bonfire ng lalaki hanggang sa mawala na iyon.

Niloloko ko ba ang sarili ko? Hindi ako apektado pero magdamag akong nagbantay?

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok si Malena. Pagharap ko sa kanya ay napasigaw siya na para bang natakot. Iyong sigaw niya, walang buhay.

Dahil sa hindi ko naman alam kung bakit siya sumigaw ay natataranta na luminga-linga ako sa paligid. “Bakit?! Anong meron?!” Malay ko ba kung may nakita si Malena na hindi ko nakikita.

Tumigil na siya sa pagsigaw at itinuro ang mukha ko. “Nakakatakot po kasi mukha niyo, Ma’am Esha… Ang pula ng mata niyo. Naging aswang ba kayo kagabi?” tanong niya.

Nagtungo agad ako sa harap ng salamin upang tignan ang mukha ko at tama nga si Malena. Ang pula ng mata ko at may eyebags pa. Kasalanan ito ng lalaking iyon. Masyado akong nabahala sa bonfire niya kaya hindi ako nakatulog. Nagbantay tuloy ako magdamag. Huwag lang talaga magku-krus ulit ang landas naming dalawa dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanya!

“Malena, handa na ba ang aking almusal?” Pinilit kong magpakahinahon nang humarap ako sa kanya.

“Opo, Ma’am Esha… Bumaba na lang po kayo sa komedor. Ako naman ay babalik na sa aking kwarto. Ipagpapatuloy ko ang pagbabasa ng malaking aklat…”

“Oo nga pala. Kumusta naman ang pagbabasa mo ng malaking aklat?”

“'Ayon, nakakatamad at masakit sa mata. Mahirap. Ikaw kaya ang magbasa nang magbasa tapos sinasabayan pa ng amo mong demanding…”

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Malena! May develpoment na ba? Nakita mo na ba kung nakasulat sa malaking aklat ang pangontra sa pagiging imortal ko?”

Marahang umiling si Malena. “No luck. Wala bang ebook version ang malaking aklat, Ma’am Esha? Para naman madali kong basahin. Madadala ko kahit saan. Ang bigat kasi ng malaking aklat… Hindi ko madala sa banyo kapag tumatae ako…”

“Ebook? Ano naman ang bagay na iyon?”

“Wala, Ma’am Esha… Ayokong mag-explain… Sige na, maiwan ko na po kayo.”

Akmang tatalikod na siya nang parehas naming marinig ang pagtunog ng doorbell sa gate. Kaya naman inutusan ko siyang buksan iyon. Baka iyong bill ng Meralco o kaya 'yong tubig. Padabog na sumunod sa akin si Malena. Hindi ko na lang siya pinansin, sanay na naman ako sa pagiging ganoon niya. Magdadabog pero sumusunod din naman.

Nagpalit lang ako ng aking kasuotan. Isang itim na blusa at itim na paldang hanggang tuhod ang haba. Bumaba na ako para magtungo sa komedor. Medyo matindi ang aking nararamdamang gutom ngayon dahil na rin siguro sa puyat.

Ham, tocino, fried rice at coffee ang nakahanda sa mesa. Kakain na sana ako nang biglang dumating si Malena. “Magkano ang bill natin, Malena?” tanong ko bago ko isalpak sa bunganga ko ang tocino.

“Hindi po bill ang dumating, Ma’am Esha… May bisita po kayo,” aniya.

“Sinong bisita? Wala akong inaasahang bisita. Saka kailan ba ako nagkaroon ng bisita?”

“Malay ko ba. May utang ka daw sa kanya…”

“Utang? Nagpapatawa ba siya? Ako? Si Lukresha Morai? Magkakautang? No! Baka budol-budol 'yan. Itaboy mo! Ipahabol mo sa aso!”

“Wala tayong aso, Ma’am Esha. Patay na po si Lagim.”

“Ganiyan ka ba talaga mag-welcome sa isang bisita?” Nabitawan ko ang kubyertos nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki sa likuran ni Malena!

TO BE CONTINUED…

Sana'y Tumibok MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon