@11

14 0 0
                                    

Dinala ako ni Rael sa Jollibee for lunch, di na din ako nag inarte pa since gusto ko din naman na kumaen. Ako na ang humanap ng mauupuan namin, umalis kase agad si Rael para mag order ng kakainin namin.

Pinili ko yon sit na malapit sa bintana para naman may paglibangan ako habang nag hihintay kay Rael.

Di naman masyadong nagtagal ay dumating din siya agad dala-dala ang food na ni-order niya but I doubt kung mauubos ba namin yon, dalawang tray kase dala niya isa sa kanan tas kaliwa, di pa kasali drinks don.

Pag lagay niya sa food sa mesa namin ay umupo agad siya paharap sa akin, sumunod din naman yon drinks namin hinatid nung isang crew ng Jollibee.

"Dami naman neto mauubos ba natin to?" Tanong ko kay Rael ang awkward kase halata masyado paninitig niya sa akin na para bang imahinasyon niya lang na magkaharap kami

Ngumiti siya bago sumagot "Mauubos yan baby kung sisimulan mo na kumain" sabay tawa niyang sabi

"Baby mo mukha mo" sabi ko at namumulang nilantakan ang pagkain

The lunch went well, at naubos nga namin yon pagkain na ni-order ni Rael, nakakatawa nga kasi di ko ni-expected na mauubos naming dalawa yon

Tawa-tawa ako habang pabalik sa sasakyan ni Rael, di na daw kase siya makalakad dahil sa bigat ng tyan niya

Pagkasakay ko sa sasakyan niya di ko pa din mapigilan tumawa kay Rael, he's still outside naglalakad na parang pagong pagkapasok niya sa sasakyan he started his car ignition at agad ako hinatid sa aking apartment ko.

Pag dating namin sa apartment lalabas na sana ako sa sasakyan ng pigilan ako ni Rael

"Teka nga Maria, atat mo naman ata umalis" natatawang niyang sabi

"A-- hindi naman" awkward kong sabi, actually atat na talaga akong umalis dito, kanina pa kase sulyap ng sulyap sa akin si Rael habang nag d-drive bigla tuloy ako di mapakali

"A-ano s-salamat Rael sa libre tas pag hatid mo sa akin" bat ka ba nauutal ha?! Maria?!?

"No, actually ako dapat ang magpasalamat sa oras na binigay mo para makapanuod sa laro, I hope this wont be the last Maria" sincere na pahayag ni Rael

Nahiya tuloy ako para sa sarili ko, sama-sama pa naman ng pag iisip ko sa kanya, tas heto siya wala naman ibang ginawa kunde maging mabait sa akin.

"Naku wala yon, isa pa nangako naman ako diba? Saka dont worry as long as libre mo pupunta ako" masaya kong sabi sa kanya

Tumawa lamang siya sa sagot ko, nagpaalam agad ako kay Rael at pinaalalahanan siya na mag pahinga pagdating niya sa bahay nila.

Di naman pala ganon ka panget ugali niya I thought habang papasok sa apartment

****
Kinabukasan maaga akong gumising dahil maaga ang first subject ko plus the traffic that I'll go through para lang makarating sa minamahal kong paaralan

Nakakainit talaga tong situation dito sa Pilipinas kung kailan masyadong busy ang daanan at puno ng sasakyan saka naman may road repair, kung kailan di busy ang daanan di man lang nila naisip na ipagawa ang road repair na yan

Success naman ako nakarating sa paaralan, tinakbo ko nalang ang distansya papuntang classroom ko sa unang subject well ganyan naman situation ko mapaaga man ang pasok ko o hindi

Pagkapasok ko pa lang kapasin-pasin na ang mga bulungan ng mga kaklase ko halata naman ako ang pinag uusapan nila, the way they looked at me pa lang obvious na

Nakatayo na ako sa assigned seat ko ng mapansin kong may bouquet of red roses sa may desk ko

I picked it up at agad naman naki echos ang mga kaklase ko

"Oy Maria ano yan? Galing sa manliligaw mo? Ang sweet ah" sabi ni Pamela isang kaklase ko sa subject na to na agad naman sinabayan ng iba ko pang kaklase

Napuno ng tawanan at tuksuhan ang classroom namin dahil lang sa bulaklak na yon

Ni check ko kung may card ba na naka-insert kasama ng bulaklak di naman ako nabigo at meron nga

May nakasulat na good morning, have a nice day sa card, in fairness maganda ang sulat kamay ng nagpadala ng bulaklak

Inamon ko ito at napangiti ng kunti first time ko kasing makatanggap ng isang mamahaling bulalak

Nakita ata itong mga kaklase ko at napuno na naman ng kantyaw ang classroom

Natahimik lang bigla ng dumating si Rael nakakakuha talaga ng attention tong panget nato, sino ba naman kase ang di maaakit dito? Matangos ang kanyang ilong, manipis ngunit mapupula ang kanyang labi, ang kanyang malalim na mata na mapang-akit sinabayan pa ng kanyang magulong buhok na parang di nakapagsuklay ng isang taon, matangkad siya ngunit hindi payat sakto lang ang katawan niya kaya naman kahit anong resist mo dito mapapansin at mapapansin mo talaga siya

Bigla siya tumingin sa akin at sa aking pagkabigla yumuko agad ako at kunyare may ginagawa

Shit! Nakita niya ata akong tinitingnan siya nakakahiya, nag init bigla ang mukha ko at alam kung pulang pula na ako ngayon

May biglang naglagay ng bag sa katabi kong upuan na ng lingunin ko kung sino iyon agad akong nagsisi

Its Rael with his famous smile! Jusq what's wrong with this guy kanina pa ito ngiti ng ngiti ah?

"Good morning Maria! The flower looks good on you" sabi ni Rael sa kabiglaan ko nabitiwan ko ang bulaklak at nahulog ito sa may paanan ko

Pupulutin ko sana ng maunahan ako ni Rael at agad niyang binigay sa akin ang bulaklak

"Ah wala to nakalagay kase sa lamesa ko e hindi ko naman alam kung para sa akin ba wala kasing nakasulat na pangalan" sagot ko naman kay Rael ng matanggap ko ang bulaklak

"Di ko pala nalagyan ng pangalan?" Mahinang bulong ni Rael na di naman nakatakas sa aking pandinig

"Sayo galing tong bulaklak?" Tanong ko sa kanya

Bigla naman namula si Rael sabay kamot sa may bandang ulo niya "Sa akin nga, nagustuhan mo ba?" Mahina niyang tanong

Sa pagkabigla ko ay napatango nalang ako di ko alam ang sasabihin why are you giving me this Rael? tanong ko sa isip ko pero inalis ko agad at nagpasalamat sa kanya

Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Rael ng humarap ako sa kanya

"Im glad you like it, Maria" he said at umupo na sa upuan niya

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon