Hindi ko alam kung bakit parang sa lahat na lang ng bagay naaalala kita. Nakakainis kasi sabi ko sa sarili ko, uumpisahan ko nang kalimutan ka dahil pinaramdam mo na sa'kin na... Na... Wala kang pakialam sa'kin at kahit kailan hindi magiging pareho yung nararamdaman natin para sa isa't-isa. Ako, gusto kita pero ikaw... ayun. Kaibigan lang ang tingin sa'kin. Mahirap tanggapin. Mahirap kasi nandun yung sakit eh. Iisipin ko pa lang na wala talagang pag-asa, parang dinudurog na yung puso ko. Wag kang mag-alala kasi darating din yung araw na wala na yung sakit na yun kasabay ang pagkawala ng nararamdaman ko para sa'yo.
YOU ARE READING
Moving On Diary
Teen FictionThis is a diary ng isang babae na na-fall sa kanyang BOY BESTFRIEND. Actually, MU nga eh. MU as in Mag-isang Umiibig. One sided kumbaga. Hindi alam ni Ren na more than a bestfriend siya para kay Trixie. Eh obvious naman na gusto talaga ni Trixie si...