03/31/17

2 0 0
                                    

There are certain people who are not meant to stay in your life no matter how much you want them to be.

Alam mo ba na nung nabasa ko yan, ikaw yung naalala ko. Bumalik sa alaala ko lahat. Lahat lahat. Kung paano at saan nag-umpisa. Yung mga bagay na pinagkakasunduan natin. At ang higit sa lahat, kung paano natin pinahahalagahan ang isa't-isa. May dalawang bagay akong narealize. Ang unfair at ang hirap. UNFAIR kasi I've been a good friend to you. A bestfriend to you. Sabi mo pa nga, blessing ako sa'yo. At nagpapasalamat ka kasi nagkaroon ka ng bestfriend na gaya ko. Pero bakit ganun? Biga ka na lang hindi nagparamdam? Ni ang kamustahin man lang ako wala. At ang HIRAP kasi kahit anong gawin ko, hindi kita makalimutan. Hindi ko kaya. Kahit na ang dami nang signs na nagsasabing kalimutan mo na siya. Wala nang chance. Sinasaktan mo na lang ang sarili mo. Pero ang sakit... Sobra. Yung feeling na kinamusta kita. Umasa ko na kakamustahin mo rin ako pero hindi eh. Siguro nga talagang wala ka nang pakialam sa'kin. Hindi ko lang talaga matanggap na yung turing mo sa'kin parang ibang tao ako sa'yo. Parang wala tayong pinagsamahan. Bakit? Dahil ba hindi mo na ko kailangan? Oh dahil nakahanap ka na ng ibang tao na makakapagpasaya sa'yo? Baka naman kahit konting halaga meron pa... Halaga ng pinagsamahan natin... Ren, kahit anong mangyari, nandito lang ako maghihintay pa rin ako na sana bumalik na tayo sa dati. Kapag kailangan mo ng kaibigan, sana maalala mong nandito lang ako...

Moving On DiaryWhere stories live. Discover now