Ouch... As in ANG SAKIT. Kaya pala. Kaya pala hindi ka na nagpaparamdam kasi masaya ka na. Masaya ka na sa iba. Nakahanap ka na ng taong magpapasaya sa'yo. Hindi mo na pala ko kailangan eh. Bakit pa ko umaasang babalik tayo sa dati? Sa pangalawang pagkakataon. Iniwan mo nanaman ako ng dahil sa isang tao. Alam mo, ok lang naman sa'kin kung may gusto kang iba eh. Kasi kaibigan mo ko. Kaya kahit masakit, tatanggapin ko at magiging masaya pa ko para sa'yo. Ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan mo kong layuan. Ganyan ka ba talaga hah? Kapag masaya ka, kakalimutan mo ko? Tapos ano? Kapag nasaktan ka, kapag wala na kayo tsaka mo ako maaalala ulit? Alam mo bang ang sakit?! Sobrang sakit! Akala ko pa naman kaya ka lumayo at biglang nagbago ay dahil may nagawa ako or talagang ayaw mo na ko maging bestfriend. Pero hindi lang pala yun. MASAYA ka na pala. Congrats!
YOU ARE READING
Moving On Diary
Teen FictionThis is a diary ng isang babae na na-fall sa kanyang BOY BESTFRIEND. Actually, MU nga eh. MU as in Mag-isang Umiibig. One sided kumbaga. Hindi alam ni Ren na more than a bestfriend siya para kay Trixie. Eh obvious naman na gusto talaga ni Trixie si...