Habang palapit na ng palapit ang tinatahak kong daan pauwi ay mas lalong hindi ako mapirmi sa kinauupuan ko."Halatadong kabado kayo Miss Zia aa."-Manong Ramon
Driver ko si Manong Ramon simula elementary ako kaya nababasa niya itsura ko. Naging partner in crime ko narin siya kasi tuwing tumatakas ako siya ang kasabwat ko kaya tiwala ako diyan kay Manong Ramon.
"Tss. Nalaman nanaman niya ginawa ko."
Napatawa nalang ng mahina si manong at hindi na ako pinansin. Maya maya pa ay pinasok na ni manong ang sasakyan sa gate at dinahan dahang pinark ang sasakyan.
"Intense manong ha! Talagang dinahan dahan!"
Tumawa si manong at bumaba sa driver seat at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
"Sa mga ganitong bagay Miss Zia labas kasi ako ee. Hindi kita pwedeng pagtakpan sa mommy mo."-Manong Ramon
"Alam ko ho. Takot niyo nalang sa amazonang yun."
Binigyan niya lang ako ng ngiti at yumuko ng kaunti para bigyan galang ang pagbaba ko.
"Tss. Hayan nanaman tayo sa pagyuko yuko niyo sa akin Manong."
"Baka ho kasi makita akong hindi sumusunod sa patakaran ng inyong lolo."-Manong
"I hate being part of this family."
Ngumiti lang siya. Isa sa mga patakaran ni lolo iyon. Wala akong magagawa dahil may rules sa bahay na ito. Mga rules na sumasakal sa akin kaya gustong gusto kong kumawala sa buhay na ito. Ang estado ng buhay ko at ng pamilya ko ang nagpapataas sa akin at hindi ang sariling kakayanan ko. Isa lang iyan sa mga bagay bagay na kinaiinisan ko. Pressure ang kalaban ko at ang sarili ko. Hindi ko malaman kung Ano nga ba tama sa ginagawa ko. Kaya rin siguro ako naging ganito dahil hindi ko mapatunayan sa sarili ko at sa ibang tao na may sarili akong kakayahang magpapaangat sa akin at hindi lang apelyido ko ang magdadala sa akin.
Sinalubong ako ng isang babaeng maganda at hindi mo mahahalatang kasambahay namin at katulad ni Mang Ramon yumuko siya bago niya kunin ang mga gamit ko.
"Si Mommy?"
"Nasa sala po Miss Zia."-Ate Jane
"Zia.."
"Po?"-Ate Jane
"Ate Jane naman. Zia ang pangalan ko. Hindi MISS ZIA. Okay?"
"Ahh. Pata-"
"Wala akong pake sa patakaran tawagin mo ako sa pangalan ko."
"Okay Zia."-Ate Jane
Ngumiti ako sa kanya. "Okay!"
Si ate Jane ay anak ni Mang Ramon at Manang Andeng. Matanda lang si Ate Jane ng dalawang taon sa akin pero malapit kami sa isat isa. Halos sabay kasi kaming lumaki. Ang pamilya ni Mang Ramon ay isa sa mga pamilyang nagtratrabaho sa amin. Sila ang tinatakbuhan ko sa mga panahong nasasakal ako ng pamilya ko. Bahagi na rin sila ng buhay ko at masasabi kong pamilya ang turing ko sa kanila.Pumasok na ako at tumungo sa entertainment room kung saan ay nandoon ang amazona kong nanay. Bago ako pumasok kumaliwa muna ako sinilip ang katabing pinto ng entertainment room.
"Shit"
Umaasa akong makikita ko si Daddy doon pero iba ang naroon. Paalis na ako ng magsalita siya.
"Good luck Bernice." Nakangising bigkas nito sa akin. Tiningnan ko lang siya ng masama at tinalikuran siya. Bwisit talaga kahit kailan.
Unti unti kong pinihit ang door knob at sumilip.
YOU ARE READING
Unspoken Rule
General FictionIf you love someone, kahit masakit ipaglalaban mo. Ganun naman talaga yun diba? Kahit mukha kanang tanga. Okay lang. Kahit marami nang pumupuna sa ginagawa mo. Okay lang. Kahit na tinaboy ka na. Laban lang. As long as you know that there's still...