Rule #3 Live your life to the fullestNagising ako ng maaga kasi matatagalan ako gumalaw dahil sa pilay ko. Halos isang oras na akong nandito sa kwarto ko. Inaayos ko na ang gamit ko nang may kumatok sa pinto ko.
"Pasok!" Sigaw ko. Sumilip muna siya bago pumasok.
"What?" Pagtatanong ko sa kanya
"Okay na ba yang paa mo." Tingin niya sa paa kong nakabandage parin. Sad life naman, right foot ko lang mag sho-shoes tapos yung left sleeper. Hindi naman ako nahihiya ang weird lang sa feeling. Binaling ko nalang ang tingin ko sa pagaayos sa gamit ko. Lumapit siya sa akin.
"Do you want me to ask your Kuya Knox to give you his casts." Pahayag niya sa akin.
"He already told me that mom."
"Ah. Okay. Do you want me to help you with your things?" Pahayag niya.
"No thanks mom. Si Kuya Knox ang tutulong sa akin." Balik kong sagot. Maya maya pa ay dumating na si Kuya at dala ang casts niya. Sa wakas.
"Good Morning mom." Ngiting tugon ni Kuya kay mommy. Paano niya nagagawang maging mabait kay mommy? Tsk. Galit na galit siya noon kay mommy pero sobrang plastic naman niya. Hmp.
"Cast On for now Zia." Nakangising banggit ni Kuya Knox sa akin.tss.
"Just put it on." Iritang banggit ko. Lumuhod siya para ayusin iyon.
"Okay! Stand up kamahalan!" Nakangiti na tingin niya sa akin. Tumayo ako. Nakakapanibago naman.
"Wear sandals instead of shoes Zia para hindi hassle." Lumingon ako sa kanya. Tumingin ako kay Kuya at tumango lang siya. Pinaabot ko kay Kuya yung open sandals ko na brown at sinuot ito. Nakamaong high waisted skirt ako na hanggang tuhod ko at vneck white shirt. Sakto lang na pananamit. Hindi ako tulad ni Migs na OA manamit feeling niya laging may fashion show.
"Subukan mo maglakad."-Knox
"Opo sir." Sambit ko. Lumakad ako pero paika-ika parin ako.
"Kumikirot pa ba?"-Knox
"Hindi na masyado"
"Kaya mo naman ng lumakad pero lakad pagong nga lang."-Knox
"Okay. Enough with that Kuya. Malalate na ako."
"Sapakin mo si Carter pag nakita mo ako bahala sayo." Wika niya.
"Sabi mo ee."
Kukunin ko na sana ang gamit ko kaso hawak na pala ni mommy. Nagpatulong nalang ako kay kuya pababa ng hagdan. Pati sa pagsakay sa kotse niya ay tinulungan din ako. Hanggang sa makarating kami sa school ay akay akay niya ako. Bait talaga ng Kuya ko.
"Dito nalang Kuya." Pagtigil ko sa kanyang nung nasa harap na kami ng room ko.
"Hatid na kita sa loob wala pa naman yung prof niyo ee." Wala na akong nagawa at hinayaan nalang siyang akayin ako sa loob ng room ko. Natigil ang ingay sa pagpasok namin ni Kuya. Tumakbo naman kagad si Migs papunta sa amin para kunin ang gamit ko kay Kuya. Lumingon ako sa direksyon nila Chase na nakangiti sa akin. Ginantihan ko lang siya ng ngiti at dumiretso na sa upuan ko.
"Okay kana Zia?"-Migs
"Mukha ba akong okay Migs?" Pataray kong sagot.
"Sungit naman nito. Thanks Kuya Knox!" Ginantihan naman siya ni Kuya ng ngiti.
"Si Migs na bahala sayo Zia. May klase pa ako." Hinalikan niya ako sa ulo ko at umalis.
Inayos ko ang pag upo ko habang si Migs nakangisi lang na pinapanuod ako. Naiinis ako sa ginagawa niya. Iginaya ko ang mata ko para hanapin ang pinakaswerteng tao ngayong umaga. Wala pa siya. Narinig ko ang tinig ng boses niya sa labas papasok na siya. Kinuha ko ang pinaka makapal na libro sa harap ko at nagready. Naguguluhan naman si Migs sa kinikilos ko. Pagkarinig na pagkarinig kong may pumasok na tumatawa. Binato ko kagad iyon sa kanya.

YOU ARE READING
Unspoken Rule
Fiction généraleIf you love someone, kahit masakit ipaglalaban mo. Ganun naman talaga yun diba? Kahit mukha kanang tanga. Okay lang. Kahit marami nang pumupuna sa ginagawa mo. Okay lang. Kahit na tinaboy ka na. Laban lang. As long as you know that there's still...