Chapter 3

0 0 0
                                    



Rule #2 Mind your own business

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto kaya tumakbo ako palabas para tingnan kung si Kuya Knox ba yun. Nang makita ko siya napangiti ako at lumapit sa may pinto niya. Sumilip muna ako bago pumasok.

"Why?" Iritang tanong niya sa akin. Napanguso nalang ako. Tumayo ako ng maayos.

"Can I?" Tanong ko, para payagan niya akong pumasok. Tumango lang siya at tinuloy ang pagaayos niya ng gamit niya. Pumasok ako at umupo sa kama niya. Pinanuod ko lang siya na paikot ikot sa kwarto niya. Maya maya pa ay lumabas siya ng banyo niyang naka shorts at gray na sando.

"What?" Tanong niya sa akin na nagtataka.

"Pumasok ka kanina?"

"Yeah. Why?"-Knox

"Really? Bakit wala ka sa practice kanina?"

"Ahh. Di ako umattend. Why?" Tanong niya na nagtataka.

"Okay. San ka pumunta?"

Tumingin lang siya sa akin at umupo sa study table niya. "Somewhere down the road." Sagot niya habang kinakalikot ang laptop niya.

"Tss." Inis kong sagot. Seryoso akong nakikipagusap dito oh! Tumayo ako at akmang aalis na.

"Why Zia? May problema ka?"-Knox

"Nothing. Bye." Sagot ko pero naiinis akong umalis sa kwarto niya. Diko rin naman siya makakausap ng maayos dahil busy siya, wag nalang. May gusto lang talaga akong malaman tungkol sa mga transferees na yun. My curiosity is eating me.

Pumasok ako ng kwarto ko ng nagiisip. Umilaw ang phone ko na nasa table sa gilid ng kama ko. Lumapit ako at tiningnan kung sino ang nagtext.

1 message received
Migs

"Still curious Zia? Hahaha! Goodnight!"

Damn you demon! Nakita niya bang curious ako kanina. Hayys. Humiga nalang ako at pinilit na matulog. Di na ako kakain di naman ako nagugutom. Wala silang magagawa kasi ilolock ko ang pinto.

Nagising ako ng maaga dahil sa sobrang aga kong natulog kagabi. Naligo na ako at nagayos. Pagtapos ay bumaba na ako dumiretso akong kusina para kumuha ng bread and yogurt na kakainin ko sa kotse. Naka tingin lang sila kuya Knox sa akin.

"Bye!!!" Sigaw ko paalis ng bahay. Sa wakas meron na si Manong Ramon. Sumakay ako kagad.

"Manong Tara!"

"Ang aga mo ata ngayon Zia?" Tanong niya sa akin

"May aayusin po ako Manong ee. Tara na po." Di na siya nagtanong at pinaandar na niya ang kotse at nilabas ito. 9am kasi ang klase ko tuwing Friday, 7:30 palang kaya ganyan sila maka react sa ginagalaw ko. May aayusin lang naman kasi talaga ako. Curious ako ee, anong magagawa nila. Tss.

Pagkarating ko sa school, kaonti palang ang mga tao. Dumiretso kagad ako sa main building kung saan naka locate ang office ng president/owner. Pagpasok ko ng office, wala pa yung secretary ng president. Ang nandoon lang ay yung PD ng secretary niya. Dahan dahan akong pumasok para di niya ako mapansin. Marami din kasi siyang ginagawa kaya di niya ako napansing nakapasok sa office ng president.

Pagpasok ko naghanap kagad ako ng mga papel sa table niya at hinanap ang information about sa mga transferees. Napansin ko ang blue envelope na nasa gilid ng table niya. Sinilip ang laman nito.

Unspoken RuleWhere stories live. Discover now