Paalam mahal ko

23 1 0
                                    

Naalala mo ba yung gabi na sinabi mo na mahal na mahal mo ako.
Yung gabi na sinabi mo na mahal mo ako pero, pasensya na dahil kailangan kong gawin to.
Yung sinabi mong kailangan natin to dahil alam kong nasasaktan na kita,
Kailangan natin to dahil alam kong nahihirapan ka na.

Mahal hindi mo ba nabasa ang unang mensahe ko sayo bago mo hilingin na itigil na natin ito.

Mahal ang sabi ko ay mahal na mahal kita. Gusto kong tumutol pero nakikita ko ang determinsyon sayo na makipag hiwalay na.

Natahimik ako. Tumahimik ako.

Tumahimik ako kasi ayokong malaman mo na ang sakit sakit nung hinihiling mo. Kasi ang hinihiling mo ay ang mawala ka sa akin mahal ko.

Ang hirap mag hintay sa oras na para sa akin. Ang sakit mag hintay kahit alam kong andyan ka lang naman.

Pero hindi ako nag reklamo. Hindi ako nag alboroto. Hindi ako naagalit o ano..

Nag hintay pa rin ako. Pero sa pag hihintay ko. Paalam pala ang ang dala mo.

Putang inang kung tayo ay tayo talaga na yan. Sino ba naka imbento at papatayin ko na yan.

Pero ngayon mahal ko.. Hindi na ako mag hihintay. Hindi ko na babantayan ang telepono ko kakahintay. Hindi na ako maya't maya titingin sa orasan at mag hihintay.

Pinalaya mo na ako. Kaya papalayain ko na din ang sarili ko.

Ngayon ko naramdaman yung pagod ko. Ngayob ko naramdaman yung sakit neto.

Kaya maha ko. Salamat sayo.
Salamat sa maigsing panahon na nakasama kita. Salamat sa mga oras na napasaya mo ako sa mga oras na pinakilig mo ako.

Uulitin ko sa huling pag kakataon mahal. Mahal na mahal kita..

Paalam
---
ExGirlfriend

CAMPUS DIARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon