Suko na ako

23 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ikaw pa? Bakit sayo pa? Bakit mahal kita??

Ramdam ko naman, nag mamanhid-manhidan lang ako.

Kasi hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya. Kasi mahal kita.

Pero yung sinasabi mo na mahal mo ako, pero taliwas sa pinaparamdam mo.

Ayun yung mas masakit. Ayun yung mas nag bibigay lamat. Hindi sa relation kung hindi mismo sa akin, sa pag mamahal ko sayo.

Kaya ngayon... Ako na ang bibitaw ako na lang para hindi ka kainin ng konsensya mo.

Alam ko.. Alam ko naman na ayun na lang yung nagpapa natili sayo.

Nakokonsensya ka sa kasi pinaparamdam ko pa rin na mahal kita, na may pakielam pa rin ako sayo. Na pinapahalagahan pa rin kita.

Nakokonsensya ka kasi pinaparamdam ko na nasasaktan talaga ako.

Kaya pasensya na. Kung ganun ang pinaramdam ko. Natakot lang talaga ako nung umpisa, sa isiping mawawala ka na sa akin.

Pero ngayon siguro kaya ko na. Kakayanin ko.. Para matigil na.. hindi lang yung sakit. Pati yung pag papanggap mo.

Mahal.. Mahal na mahal kita. Kaya naman binibigay ko na sayo yung alam kong gustong gusto mo simula pa lang nung unang magkalamat ang relatio'ng meron tayo.

Pinapakawalan na kita sa kung saang paraan na gusto mo.

Hindi na ako mag Papapansin sayo.

Hindi na ako mag iiwan ng kahit anong chat sayo.

Hindi na kita kakamustahin.

Hindi ko na ichecheck pa kung active ka o hindi.

Wala nang good morning o goodnight mahal ko.

Wala nang kamusta ang araw mo o kamusta ka.

Hindi na... Wala na..

Hindi ako bumibitiw o sumusuko dahil sa ayoko ko na o sa sawa na ako.

Ititigil ko na to puputulin ko na ito.

Dahil sa mahal na mahal kita. At ang  sakit sakit na.

Hindi mo na kailangan pang sabihing mahal mo ako nang napipilitan ka. Hindi mo na kailangan pang sabihing miss mo ako.

Hindi mo na kailangang isipin pa ako dahil sa salitang merong tayo.

Tinatapos ko na kung ano man ang mayroon tayo para sayo..

Pero mahal.. Kung dumating man yung araw na ma'alala mo ako. At gusto mong bumalik.

Please lang huwag na. Huwag mo nang tangkain pang bumalik.

Nakakapagod maging tanga. Nakakapagod mag hintay sa wala.

Pero salamat.

Salamat sa lahat.

Salamat sa mga araw na pinatawa mo ako.

Salamat sa mga araw na pinakilig mo ako.

Salamat sa mga araw na nakapiling kita.

Salamat.

Paalam mahal ko.
-

CAMPUS DIARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon