Ala-alang nag babalik

5 0 0
                                    

Akala ko pareho kame.

Akala ko mahal nya ako katulad kung gaano ko sya kamahal.

Akala ko katulad ko na kontento na ako sa kanya.

Akala ko sapat na yung, naibigay ko lahat. Para maging kame hanggang sa dulo. Hanggang sa wakas.

Akala ko thru infinity and beyond .

Pero naiisip ko ngayon ngayon. Minahal mo ba talaga ako?

Matapos ang dalawang taon na pag kakahiwalay. Ngayon ko lang naisip.. Minahal mo ba talaga ako? Katulad kung paano kita minahal?

Yung sa araw-araw nating pag sasama noon? May totoo ba doon?

Please naman oh. Sabihin mo naman na kahit kaunti minahal mo din ako.

Alam ko.. May pag kakamali din ako. May pag kukulang din ako.. Pero... Sapat na ba yun?? Sapat na bang dahilan yun para iwan ako? Sapat na bang dahilan yun para humanap ka ng iba?

Pinipilit ko.. Pinipilit ko naman eh.. Pinipilit ko na makalimutan ka. Makalimutan yung mga pinag-samahan natin.

Pinipilit kong wag nang alalahanin yung mga pang aasar mo.

Pinipilit kong wag nang masaktan.

Gusto ko!! Gusto kong pigilan ang sarili kong papasukin ka sa isip ko. Pinipigilan ko ang utak ko na wag kang isipin. Kasi bumababa ka! Bumababa ka papunta sa puso ko.

Pinipilit ko syang buoin.. Pero patuloy na nasisira. Kasi hanggang ngayon ang sakit sakit pa din!

Bakit? Bakit ang dali-dali sayo na palitan ako?

Bakit? Bakit ang dali mo makalimot?

Paano? Paano mo nakukuhang mag mahal ng iba habang nandito ako nag hihintay sayo.

Paano mo nakukuhang maging masaya sa piling nya?

Paano mo nagagawa? Gusto ko matutunan maging masaya nang wala ka. Dahil ang sakit sakit pa rin!!

Nakakamiss yung

"Baby.. Timpla mo ako kape" daily routine bago tayo mag toothbrush

Sabay tayo mag toothbrush kasi natatakot ako mag isa. Kasi aning ako.. Naiinis ka pag natatakot ako sa multo eh

Wala pang isang bwan... Wala pang isang bwan mag mula noong magkahiwalay tayo.

Pero may bago ka na agad na pinopormahan.

Akala ko oo malayo tayo sa isat isa pero hawak kita.

Ang sakit maiwan nang walang pasabi.

Ang sakit maiwan. Lalo kung para sa iba.

Ang sakit sakit na iiwan mo ako nang walang pasabi.

-

CAMPUS DIARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon