Naalala ko pa.. Naalala ko pa yung araw na sinabi mo na mahal pasensya na pero hindi ko na kaya itigil na natin ito.
Naalala ko pa yung mga salitang binitawan mo bago ka tumalikod at umalis sa harap ko.
Ang sabi mo ay masakit din ito para sa iyo. Pero sa tingin mo ito ang mas makakabuti sa atin.
Gusto kong tutulan bawat salitang binibitawan mo.. Pero kitang kita ko sa mga mata mo ang kagustuhang kumawala na sa salitang tayo.
Kaya imbis na makipagtalo o tutulan ka ay mas pinili ko na lang na tumgumo bilang pag sang-ayon.
Ang hirap.. Ang hirap pigilan nang mga luhang pilit gustong bumagsak pero pinilit ko..
Dahil ayoko.. Ayokong kaawaan mo ako.
Dahil ang mga luhang ito ang nag sasabi na ang sakit sakit nang ginawa mo.
Hindi kita agad tiningnan. Kasi nag aalala ako na baka bigla mo akong tignan pabalik. Ilang segudo ang aking hinintay para masilayan ka hanggang sa huling sandali.
Kitang-kita kita na unti unting lumalayo.. Paliit nang paliit. Bawat hakbang mo. Isa lang ang aking hiling.
Ayun ang sana huminto ka. Sana humarap kang muli sa akin. Sana bumaliktad ang pag layo mo. At mapalitan nang pag lapit mong muli..
Pero yung mga sana ko ay mananatili na lamang na sana. sabihin mo muling,
M ahal... Mahal na mahal kita, mahal na mahal pa rin pala kita..-
Ilang taon na rin pala ang lumipas pero ikaw pa rin ang laman netong puso ko.Mahal ko. Mahal na mahal pa rin kita.
Pero tanggap ko na. Tanggap ko nang hindi tayo para sa isat isa.
Sana ay maging masaya kayo nang bago mo. Masaya na rin ako para sa inyo.
Congrats pala sa inyo nang bago mo..
Maging matibay, matatag sana ang pamilyang binuo.Paalam mahal ko..
BINABASA MO ANG
CAMPUS DIARY
RandomAng librong ito ay ang librong kayang dalhin ang mga hinanakit at galit takot o kung ano pa man ang na raramdaman nang bawat tao. Ginawa ito para sa mga taong walang lakas ng loob na sabihin ang kanilang nararamdaman sa isang tao. Pwedeng patula ang...