Monday na naman. Katamad pumasok! Buti nalang may practice at KAILANGAN talaga pumasok. -__-
Pumasok na ako sa school. Inaantok pa ko.
Habang naglalakad, papikit pikit mata ko. Late nakasi ako natulog kagabi.
"Ow!"
O_O
Nagising ako. Hala! Sorry! Nabunggo ko yung lalaki.
"Hala, kuya, sorry, inaanto---"
BOTH: "Phil?/Dette?"
Oh great! Nabunggo ko pala ang ex ko. And may kasama sya. Tsk. Ang pangit na ng umaga ko.
"Sorry, di ko sinasadya." Pagmamataray kong sabi.
Inis parin kasi ako sakanya e. Tsk. Kakabreak lang namin a month ago. Pano, lagi nalang daw ako sayaw, wala na daw akong time sakanya. E halos magkasama nga kami noon sa room e. Tsk.
Sya nga tong puro basketball nalang din e -__-
At may bago na! </3
"Ah. Okay lang. Taray ntn ah?" HELLO?! Kainis ka kaya!
"Ah. Wala ako sa mood ngayon e. Sige, bye."
Iniwan ko nalang sila don nung babae. Naiinis na naman ako e..
At the same time
NASASAKTAN!
Feel ko nga noon may bago yun kaya nakipagbreak sakin ng super BABAW ng reason e.
At tama nga yun! Meron nga </3
Dahil ako ay nasaktan,
syempre, napaiyak ako. Tumakbo ako sa rooftop ng school.
Humagulgol ako dun dahil sobrang mahal ko pa yung mokong na yun!
Ang sakit kaya! Sya pinakamatagal kong bf e! 1 year and a half ata kami? Sorry, ngayon ko lang nakwento (Ngayon lang kasi sumulpot ulit. Lol)
Ayun. Iyak ako ng iyak don, hindi na ko umattend ng first class dahil ayokong makita nila ako na namamaga ang mata.
"Oh, panyo."
Nagulat ako.
Kabute ba to at lagi nasulpot? Remember nung sa bag? Sa mall? Hay. Pero yaeh na.
"T-thanks."
"Sige, iiyak mo lang." Tumabi sya sakin at niyakap nya ko.
Dun, humagulgol ulit ako. Grabe kasi. Ang sakit e. Okay na ko nung mga nakaraang araw e. Tapos ganito?!
Pagkatapos ko umiyak, umalis na ko sa pagkakayakap nya. Kapagod din kaya!
"Pao, thanks ulit."
"It's okay."
"Uhm. Bat napadpad ka pala dito?"
"Sinundan kita."
"Ah. Eh, o-okay. Sorry pala nung mga araw na tinatarayan kita ah?"
"Ayos lang. Masungit din kasi ako sayo non."
"Thanks!" Tinignan nya ako ng derecho sa mata.
"Althea, pag iiyak ka ulit,
asahan mong lagi akong nandyan." At sa sinabi nyang yon, napangiti ako.
I feel happy sa narinig ko.
Thankyou Paolo :")
PAO's POV
Oh. Ako na pala. Pakilala muna ko -__-
Tristan Paolo Garcia Villanueva. Pao or paolo nalang. 16 years old. Hilig sumayaw, lalo na hiphop. Mas lamang yun sa lahat. Kaya ako nag audition sa pep? Wala. Gusto ko lang, pati genre ko di naman yun. Pati para may gawin naman sa school. Ayoko naman ng varsity ng basketball. Di ko feel. Pati mukhang di ko makakasundo ang mga players don. Pero GUSTO ko talaga basketball. Ichura ko? Simple lang. Sabi ng karamihan pogi daw ako. Weh? As if. -__- Masungit daw ako? Hmm. Sabi din nila BIPOLAR ako. Kainis lang ah. Maungit daw tas makulit. Sus. Pero MABAIT AKO HA!
Ayun. Baka isipin nyo inlove ako kay Althea ah!
Ang sagot ko?
A BIG NO!
I just want to comfort her because she is absolutely like my sister! Hindi ko kayang umiiyak ang ate ko kapag sa lovelife. Nasasaktan ako e.
si Althea? Kaugali talaga kasi nya si ate. Makulit and bossy. Mabait din.
Ayun. Sa nangyari kanina sa rooftop?
Simula non,
Gustong gusto ko maging malapit na KAIBIGAN si Althea.
I really like her company e.
Kaya sana, we can be bestfriends.
Claudette's POV
Uwian na, practice again. Yay. Hahahah. Papunta na kami sa gym, kasama namin si Paolo. And yes, sya lang lalaki. Di kaya bakla to? O_O
Joke. Hahaha. Ayun, as usual, bitbit bitbit na naman bag ko. Pero this time, lagi na sya nakangiti.
PERO MINSAN TALAGA MASUNGIT. Napaka-BIPOLAR >.<
Kaso sanay na rin naman kami kaya okay lang ;)
Nung nasa gym na kami, nakaupo kami ni Pao sa bleachers, kinukulit na naman ako >.<
"Badette-dette baboy! Badette-dette baboooooy!" Baliw to no? Kumakanta pa e.
"Oy siopao, tigilan mko!"
"Ehhhh. Sarap mo asarin e. Tignan mo oh, panget mo pag nagagalit!"
Asar ah! >.<
"Tse!"
"Joke lang bes. Hahaha."
"SIOPAO! -__-"
"Baboy ka naman!" Tumayo na ko at hinabol ko na sya dahil tumakbo na.
"HUMANDA KA SAKIN SIOPAO KAAAAAA!"
Ayun. Ganun lang kami hanggat sa magstart na practice. Tsk. Hahaha.
Pero I enjoyed! LOL =))
Naalala ko na naman yung kanina..
"Althea, pag iiyak ka ulit, asahan mong lagi akong nandyan."
Napangiti na naman akoo :)
I'm touched :">
YOU ARE READING
DECIDE. CHOOSE. ACT.
Teen FictionDalawang taong mahilig sumayaw. Ang isa ay mas lamang ang isang genre, ang isa naman ay dalawa. May isang hindi kanais nais na mangyayari sa buhay ng dalawang ito. Makakapagdesisyon kaya ang isa at makakapili? Magagawa nya kaya ito? TAMA kaya ang ma...