Tagaytay Compet. (day 2)

83 8 0
                                    

* KRINGGGGG *

Nagalarm yung phone ni Kate. Anong oras na ba?

* YAWN *

Pagtingin ko sa orasan,

5 AM PALANG! Tsk. Bat ang aga mag alarm nito?!

"Hoy Kate! Bat ang aga?"

"Oo nga *yawn*, lanya ka." Hahaha. Katawa si Chelsea, ichura e. Halatang antok na antok pa.

"Eh kasi po, IISA LANG ANG BANYO, e MATATAGAL PA KAYO MALIGO."

Oo nga naman. Tsk. Pero dapat NAUNA NA SYA! Kaantok kaya -__-

"Edi dapat nauna ka na!"

"Oo nga naman!"

"Eto na nga oh? Kaya nga 5am ako nagalarm."

Bumalik kami sa kama. Kaantoook! Tsk.

--

Kami nalang yata ni Audrey nakahiga, nakapikit ako pero gising ako. Di na ko makatulog e. Bwiset si Kate. Naririnig ko may kausap si Kate sa phone. Nagtaklob ako ng ulo gamit ang unan.

"Dette! Audrey! Ano ba? Gising na!"

Atno ba problema nito at kinukulit kami tumayo?

Si Audrey, tulog na tulog talaga, ako, nagkukunwarian lang. Katamad tumayo e.

Narinig ko may nagbukas ng pintuan.

"Ayan oh, tulog pa." Narinig kong sabi ni Kate.

Sino kaya yun?

O_O

WTF!

"PAOLO! Ibaba mo ko!"

Binuhat nya kasi ako -__- Yung parang sako? Haha. Basta, ganun. Yung nasa harap paa ko tas yung ulo ko nasa likod nya?

"Maligo ka na! Wag kang tamad!"

"Bakit ba?! Inaantok pa ko e!"

"Magsalita ka pa jan dadalhin kita sa pool at ihahagis dun!"

Taena naman kasi e!

Dinala nya ko sa cr.

DON'T TELL ME?!

"H-hoyy. Anong gagawin mo ha?!"

"Wag kang madumi mag isip! Maligo ka na lang jan! Bilisan mo!"

Binato nya sakin yung towel at sinarado yung pinto. AISH! Sinubukan kong lumabas para matulog ulit, bubuksan ko na yung pinto.

"Subukan mong lumabas! Ako magpapaligo sayo!"

KAINIS NAMAN E! No choice ako kaya naligo na ko. INAANTOK PA KO E! Bwiset!

Paglabas ko, wala na si Paolo dun, nakita kong naggrin si Kate.

"Yan kasi, ayaw pa bumangon :p napatawag tuloy ako kay Pao ng wala sa oras. E saktong kakagising lang kaya badmood."

"Bakit? Responsibilidad ba nya ko, ha Kate?"

"Hm. Hindi. Pero pinilit ko sya na gisingin ka e. Hahahahaha!"

Bwiset na babaeng to! Sya pala may kagagawan.

Pagkatapos namin magayos, lumabas na kami ng room para kumain sa dining area. Nasa labas na yung mga lalaki, hinihintay ata kami. Nginitian ako ni Paolo, hindi ko sya pinansin, nagderederecho na ko sa paglalakad.

"Huy badette! Bat di mo ko pinapansin?"

Bat kita papansinin? Bwiniset mo pag gising ko.

"Audrey, bilisan nyo. Gutom na ko." Nagtinginan sila tas mga worried look ang mga mukha nila. Tsk.

DECIDE. CHOOSE. ACT.Where stories live. Discover now