Seriously?

114 7 1
                                    

Hey, it's monday! Lol.

May pasok na naman. Wahaha. Nakakatamad! Kaso for sure may practice na naman kami nito. Yung sa Streetbeat kaya? Kelan practice nun?

(A/N: Ginamit ko lang po yung name nung sb)

Pagkagising ko, kumaen na ko at naligo. Tapos nagpahatid na din ako kay manong sa school. Inaantok pa ko. Tinex ko si Pao na hintayin nya ko sa guard house. Wala lang, gusto ko lang. Parang gusto ko kase araw araw ko kasama BESTFRIEND ko.

(Ah! So icapitalize pa daw, ha Althea? Kailangan ipamukha?!)

Sus. Pake mo ba Ms. Author?

(Kakarindi na yang bestfriend na yan!)

Tigilan mo nga muna ako! Heheheh.

So ayun, pagkababa ko sa car namin, nakita ko si Pao naghihintay sa guard house. Nilapitan ko na sya.

"Sa tagal mo?"

"Yabang mo! Tara na nga."

Pumunta na kami nun sa classroom. Pagdating namin dun, hindi pa start ng klase. Ang tagal pa ng flag ceremony, leche. Nagdaldalan lang kami don. Si Paolo, ang seryoso nya ngayon, ewan ko lang kung bakit. Matanong nga.

"Bes? Any problems?"

"W-wala. Wala lang ako sa mood."

Hindi ko na sya kinulit dahil sa wala nga daw sya sa mood.

Oh em, umuulan, at ang lakas. Sht naman. Ayoko pa naman ng umuulan na ganito, may practice pa mamaya. Tsk.

Nagstart na yung klase namen, tinatamad ako makinig dahil ang sarap matulog kasi malamig. Hahahaha. Kumopya lang ako ng notes nun, hinintay ko magrecess..

* KRINGGG *

Sa wakas naman. Bagot na bagot na ko sa AP namen -__-

Linapitan ko nun si Paolo para sabay na kami pumuntang food court.

"Bes. Lika na."

"Uhm bes, di muna ako makakasabay sayo."

"Bakit?"

"Uh, may kailangan lang asikasuhin. Kita nalang tayo sa classroom, tas mamaya rin sa training. Bawi ako, ha? Ingat ka."

"Uh. Osige, bye."

Ano naman kaya aasikasuhin non? Anyway, kila Audrey na ko sumabay.

Nasa foodcourt kami, out of nowhere, nagtanong si Audrey..

"Sis,

What if..

Nainlove sayo ang bestfriend mo?"

Huh? Anong klaseng tanong nya?

Tinignan ko sya ng seriously?-look.

"Sasabunutan kita! WHAT IF NGA LANG DIBA?! Sagutin mo!"

Napaisip ako.

Pano nga ba?

"Maiilang ka or tatanggapin mo?"

"Tatanggapin ko. No matter what. I don't want to lose our friendship. Hindi ako maiilang. Hindi ko kayang mawala sa tabi ko si Paolo."

Totoo naman, ayokong mawala sakin si Paolo, hindi ko kaya.

"Di mo kayang mawala si Paolo? Hm. Pano kung mahal mo na sya?"

"Mahal ko sya..

As a bestfriend. Kaya hindi ko sya kayang mawala sa tabi ko. Napakaimportante nya sakin."

DECIDE. CHOOSE. ACT.Where stories live. Discover now