Kalmang kalma ang hangin habang hinahampas ang buhok ko. Ako? Nakatuon lamang sa kawalan. Ano ba iniisip ko? Simple lang. Pamilya-kung paano ko sila iaahon sa kahirapan.
"Lucy! Andito ka lang pala!"
Halos mapatalon ako sa gulat. Lumingin ako sa kanya at binigyan ng nakakamatay na tingin. (May ngiti bang nakakamatay?)
" What?!"
Saad ko na nakatingin parin sa kawalan.
" Diba gusto mo makapag aral?"
Tanong nya. Haayy.. Oo nais ko nga. Ngunit di naman mangyayari yun eh. Mahirap lang kami. Buti pa itong si Ace nakakapag aral sa Jenjhie- ang pinakasikat na paaralan sa distrito ng Melija at isa din sa mga sikat na academy sa CHARM REGION. Isa kasi syang Eldjen. Anak ng monarch. Sa Jenjhie kasi ang nakakapasok lang dito ay ang mga anak ng monarch at magiging monarch. Basta ang mga mayayaman dito ay tinatawag na Reyna at Hari, mga monarch sila. Ang mga anak nila; imbis na prinsesa o prinsipe ang tawag sa kanila, Eldjen para sa babae na anak ng monarch at Juldjen naman para sa mga lalaki. Sa Jenjhie, nalilinang ang iyong kapangyarihan, ang charm mo. Ako? May charm nga. Kaya kong kontrolin ang mga bagay tulad ng mga hangin, ulan, ah basta ang four elements. Kaya ko ding pakiramdaman ang mga elementong ito. Kaya kong malaman kung galit ba sila, masaya, malungkot ah basta. Ngunit di ko masyado alam kung paano ito gamitin kasi di nga ako nag aaral sa Jenjhie para alamin kung papaano ito gagamitin at kokontrolim at lilinangin na din.
Isipin niyo, isang pooritang tulad ko ay magkakaroon ng kaibigan na Eldjen. Ipinagbabawal ang mga Eldjen at Juldjen na maglakbay dito sa Melija. Sa araw ng Lavinnite lang sila pwedeng lumabas sa JenJhei. Ang Lavinnite ay isang araw na kung saan ang mga tao sa Melija ay nagpapahinga at dapat walang inaatupag na trabaho kundi magpahinga. Lavinnite ngayon kaya naman nagkita na naman kami ng bestfreind ko.
"Oo. Since bata pa nga ako nais kong mag-aral eh."
Malungkot na sagot ko at ngumiti. A dissapointed smile. Kahit naman anong gawin ko di ako makakapag-aral kaya naman nagtratrabaho lang ako sa aming kapitbahay na sina Shile. Ako ang tagasilbi nila. Hindi mayaman sina Shile hindi naman sila ganung kahirap tulad ng mga iba sa distrito ng Melija. Dahil naman hindi sila kayamanan ay konting sweldo lang ako. Sapat naman na tumbasan ng sweldo ko ng pang araw araw na pagkain kaya nga lang medyo nagigipit ang mga ipon ko kasi ginagamit namin itong pang araw araw nga na kailangan.
" I can help you!"
Nabigla ako at nagtataka na tumingin sa kanya. Seryoso?! Binigyan ko sya ng 'sigurado-ka?' look.
" seryoso ako Lucy at hindi nakikipagbiro sayo! Tutal nakita naman ng mga magulang ko kung gaano ka sincere sa pamilya mo at makapag aral kaya sila na mismo ang may plano nito. Alam din nila-"
Di ko na pinatapos si Ace at niyakap siya sa saya. Oo! Napakasaya ko! Sa wakas makakapag aral ako para lang sa pamilya ko. Ngunit unti-unting nawala ang kasayahan ko at pagkasabik ng banggitin niya ang pangalan ng school kung saan ako papasok.
"Sa Jenjhie Academy, Lucy!"
Masayang balita nya ngunit nakaramdam ako ng pagtataka. Unti unti akong napabalikwas sa yakap at tinignan ko sya na kumakaba.
Tinignan ko sya na nagtataka. Napalitan ng nakakakunot na tingin tas napalitan ng pagkalungkot tas napalitan ng pagkabigla tas napalitan ng pagkatakot at kaba."Lu-lucy? Ayos ka lang?"
Nagtatakang tanong nya habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin
"P-pasensiya ngunit.."
Nakaramdam ako ng guilt kasi tinanggihan ko sya. Akalain niyo? Nakatanggi ako sa alok nya sa Jenjhie eh halos sa karamihan ay nais na makapasok sa Jenjhie.
BINABASA MO ANG
JENJHIE ACADEMY OF SPECIAL CHARMERS
FantasiLucy Shakespeare, ang babaeng naka tira sa Meleja. ang babaeng walang paki alam sa kung anumang charms ang meron sya. ang pinappaki alaman na lamang nya ay ang kanyang pamilya. gustl nyang iahon ang pamilya nya sa kahirapan..... then suddenly... nap...