Death

7 2 0
                                    

"Anak gising na"

Sabay yugyog sa akin ni Anang. Bumlikwas ako atsaka humikab.

"Hhaaaaaaayyyyyyyy"

Nag-iinat inat pa ako at dahan dahan na minulat ang aking mga mata. Napapapikit pa nga ako.

"Anak gising na at makakain ka. Hinahanap ka na nina Shile"

Automatiko akong napatayo. Naku! Baka ma-late na naman ako sa trabaho. Dali-dali akong nagbihis.

"Anak pagkatapos mo dyan dumiretso ka sa kusina para makakain tayo"

Sabay sara ng pinto ni anang. Di ako pwedeng mahuli. Paano kong may importante silang ipapagawa sa akin tas nahuli ako ng dating? No, hindi pwede. Baka...baka magalit sila sa akin at alisin nila ako bilang tagasilbi nila. Pagkatapos kong magbihis ay hindi ko na sinuklay at inayos ang bubaghag kong buhok. Wala akong panahon sa pag ayos ng buhok.

"Anak kain na muna!"

Tawag ni anang nang dadaan na sana ako sa kusina. Napatigil ako ngunit panic na panic parin ako.

"Anang wala na akong panahon dyan. Baka magagalit sa akin sina tito Askrel."

Madalas na sagot ko. Sa totoo lang wala naman akong nararamdaman na gutom kahit na di pa ako kumakain kagabi.

Sinara ko ang pinto at tumakbo kina Shile. Buti naman kapitbahay ko sila. Mga ilang metro lang ata ang layo ng bahay namin sa bahay nila.

"Magandang umaga tito Askrel, tita Anyelle,kelshi at shile!"

Sabi ko. Yup! I call them tito and tita. Well sabi kasi nila medyo daw nakakailang daw pag tinawag ko silang Ma'am; sir or what else. Sabi pa daw nila magkapitbahay daw kami at magkaibigan ang anang ko sa kanila. Yup. Matagal na patay na si Sunang (father). Di ko alam kung paano ngunit yan ang sabi ni Anang. Di ko kasi maalala ang nangyari kasi bata pa ako doon at wala pang masyadong kase-kasense. Basta sabi ni Anang ayaw na daw nya itong pag-uspan. Na-iintindihan ko naman sya.

"Naku pasensiya na kung nahuli ako
Patawad po. Sana naman po-"

Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang ngsalita si tito.

" okay lang yun Lucy. Si Kelshi kasi nagmamadaling lumabas sa bahay at mamasyal sa distrito. Gusto lang namin na samahan mo siya"

Phew... sa wakas nakahinga ako ng husto.. akala ko po pa naman aalisin na talaga nila ako. Masayang-masaya na dumikit si Kelshi sa akin.

"Yay! Tayo na ate!"

Haay.. natuto na sya sa ka-a-ate niya sa akin. Isang buwan lang naman ang gap namin. Haist. Hayaan mo na siya Lucy.

"Yun lang ba tito;tita?"

Tanong ko.

"Yun lang. Ewan ko dito kay Shile kung may gusto syang ipagawa sayo.(lumingon kay Shile) meron ba,Shile?"

Sabi ni tita. Napatingin naman si Shile sa magulang nya atsaka lumingon sa akin. Umiling-iling sya.

"Okay. So let's go!"

Excited na sabi nitong si Kelshi at hinila ako. Di pa nga nagbabago. Mahilig sa paghila sa kamay ko at itakbo ako. Tsk.

Nang nasa distrito na kami, masayang masaya si Kelshi na nagpipili ng damit.

"Ikaw Lucy! Di ka ba bibili ng damit mo?"

Umiling-iling ako sa tanong ni Kelshi. Imbis naman na bibili ako ng damit mas magamdang mag-ipon nalang para sa pamilya. Mas makabuluhan naman ang pamilya kesa sa damit. At tsaka kahit na di kagandahan at halos mapunit na ang damit ko dahil sa kalumahan ay ang importante may damit at hindi nakahubad...

"Ikaw talaga Lucy! Libre kita!"

Napangiti ako sa alok niya! Kaya nga lang umatake ata utak ko eh.

" umm..salamat ngunit akin nalang ang perang ililibre mo sa akin. Wag mo na lang ibili sa damit ang pera na libre mo. Bigay mo nalang sa akin"

See?? Iba talaga atake ng utak ko..hhaaayy.. nagulat na lamang ako sa reaksiyon niya...

"MUWAHAHAHA"

Napakunot ang noo ko. Ano nangyayari sa kanya? Nababaliw na ba sya? Bat di agad sinabi nina tito na nababaliw na sya para alam ko na ang gagawin ko! Naku naman!

"Hoy Lucy Shakespeare! Di ako nababaliw noh! Nakakatawa ka lang talaga..pft....Hahahahha"

Ugh! Bakit naman ako nakakatawa???
Ewan ko sa kanya...

______
Masaya at tila nag aawit ako na naglalakad papuntang bahay. I had a nice day with Kelshi. Halos nga magkatulad sila ni Ace eh.. miss ko na si Ace. Takte kasi!  Kelangan sa Lavinnite day lang sila free?! Ugh!
The wind suddenly comes brushing my body... Humangin ng di ordinaryong galaw. Alam ko pagkalma ang hangin ngunit parang nagbibigay babala ang hangin. Maging mga halaman. Ano bang nagyayari? Mabilis akong tumakbo papuntang bahay.
--
Hiningal hingal ako nang makarating ako sa bahay. Nabigla ako sa nakita ko. Halos napapaligiran ng mga mararaming tao ang bahay namin. Di ko alam ang dahilan ngunit naluha ako. Ano ba Lucy?! Bat ka naluluha?! Wala namang nangyaring masama eh! Pilit kong pinipigilan ang bisita sa aking mga mata. Nakita ko sina tito malapit sa puno. Agad akong tumakbo sa kanila. Kailangan kong malaman ang nangyayari.

"Tita Anyelle!, Ano pong nangyayari sa loob?"

Nabigla sina tito sa  tanong ko. Napatingin sila sa akin. Halos lalabas na din ang luha nila. Napayuko sila at tuluyang humagulgol si Tita Anyelle.

"Pa-patawad Lucy..patawad" yan lamang ang mga katagang lumalabas sa bibig ni tita...

"B-bakit p-po?"

Halos humagulgol na naman ako. Walang nangyayaring masama kaya di dapat ako umiyak..

"K-kami ang nakarinig sa pagsigaw n-niya.... ang ...ang akala namin ....ang akala namin normal lang yon kasi ...kasi... wala naman kaming nakita na  kung ano anu sa bahay ninyo...pe-pero..patuloy parin ang sigaw... hanggang sa di..di na ako makapagtimpi at nagtungo sa  bahay nyu at...at..at.."

Di na niya natuloy kasi umiyak na naman. No!!! Hindi! Mabilis akong tumakbo patungo sa bahay...
Wala akong paki alam kung may mabangga man ako...

Napatakip ako sa kamay ko..no!! Si anang!!hindi! Nanghihina ang mga tubod ko at napaupo..hindi! Bakit sya nawala? Isa sya sa mga dahilan kaya ipinagpapatuloy ko ang buhay ko.
Isa sa mga dahilan kaya nagtitiis ako sa sakit at sa hirap.
Sya ang dahilan kaya lumalaban ako..
Ngayon..ngayon wala na... Paano na? Saan pa ako kukuha ng ugat sa pagpapatuloy mg buhay ko pag wala na?!

"Anang!!anang wag mo kaming iwan!!"

Mas lalo akong naiyak ng makita kung gaano nahihirapan si Lque. Kailangan nya ng isang ina... isang ina na tulad ni anang... wala na...
Di ko na alam...

"Pa-pasensiya na Lque..pasensya na talaga..."

Sabi ko sa iyak ko. Patawad di ko naipaglaban man lang si anang..
Patawad..patwad anang..

JENJHIE ACADEMY OF SPECIAL CHARMERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon