NGPTKSO 1.0

83 1 0
                                    

Hey there!

So Nagpatukso is the first book of the Nagpaseries. Actually, the first time I discovered this story is hindi pa siya yung Nagpatukso ngayon. I mean iba pa yung plot pero si Sin pa din ang bida.

Yan siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yan siya. At ang alam ko may una pang version to. Ata? Then unpublish and after some time(a year?) eto na.

 Ata? Then unpublish and after some time(a year?) eto na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

And of course I have to read this. I know the author. I have liked her works at alam kong magugustuhan ko to kahit ibang genre. Mas na-excite nga ako kasi bago. I admit everytime Rayne posts a new story, I have high hopes. And for this story, hindi ako nabigo.

Sa ngayon, marami-rami na ding book/story na babae ang main character o kaya yung focus ng kwento. At hindi magpapahuli si Sinteya (Sin). Isa siya sa mga tumatak sa akin. I really love her character. She has a strong personality that I admire. Madami ang may ayaw sa kanya kasi malandi daw, bitch. Yeah she can be pero sa kabila nito she still have a soft side especially to Erica, her mother. She is actually selfless na gagawin o tatanggapin niya kahit ano just to see her happy. Totoo siya sa sarili niya. She knows her mistakes at handa siyang akuin yon ng walang nadadamay na iba. Kaya despite all the hate she receives, isa pa din ako sa mga humahanga sa kanya. And one more thing. Sobrang perfect nung pangalan niya sa kwento! Sin as in sin, living by her name. Galing.

Another thing I like about this story is how characters are introduced by showing their personalities through the story. Hindi yung sasabihin na lahat sa isang bagsakan kung sino o ano si character. Readers have time to assess them and even decide who to like and hate. And because this is in Sinteya's POV only, hindi malalaman agad yung kwento sa likod ng ibang characters. This actually gives a mysterious effect that makes me want to read more and more. Pero sa kabila nito, hindi ko naramdaman na may kulang. Oo madaming hindi nareveal sa dulo, may mga tanong na hindi nasagot pero Nagpatukso is Sin's story at ang mahala ay buo yung kwento niya. Sa lahat ng tanong na nabuo, lahat pala masasagot sa kani-kanilang kwento.

Okay so let's talk about the characters. I'm just going to talk about 3 of them (plus Sin). Naipakilala ko na si Sin kaya iba naman. Unahin ko na si Unica, the very-best friend. She is just so cool! Walang preno, walang filter! At sobrang supportive. Siya yung sasakyan kahit anong trip mo. Pareho sila ng trip ni Sin kaya sobrang click sila. Mahilig siya sa art, painting, tattoos. Gusto ko yung hindi siya naging parang side kick ng lead dito. Or the one who just comforts a friend. Instead siya pa tong nagpapasubo kay Sin. Hahaha. Macucurious ka sa kanya kasi alam mong may ganap.
So ehem.. if you want to know more of her...check Uncensored story.

And here comes the guys!

First, Lourd Marco Aveceda, The Professor God. Yes, he's a professor in Sinteya's university and also her prof in Ethics. (Yes po sa Ethics talaga.) Siya yung tipong wala ka nang mahihiling pa. Bukod sa perfect looks, mabait, responsable, all you can ask for an ideal guy. Umpisa pa lang, you can feel na may gusto talaga siya kay Sin pero dahil professor siya at estudyante niya si Sin alam niyang bawal. Pero yung akala mong serious-goody type who live up to his values? Magugulat ka na lang sa mga mangyayari. Yes, he tried to ignore it pero natukso pa din siya. Nagpatukso siya dahil alam niyang higit pa ang nararamdaman niya. Inaamin ko una pa lang team Marco na ako. Solid #SinCo hanggang dulo! Ako kasi yung mas gusto ang good guys than bad boy type. I don't know but I really prefer Sin with sir Marco.

And finally, Eddard Vane Yboa, the supposed to be stepbrother of Sin. I don't necessarily hate him. I find him mysterious though dahil sa mga pinapakita niya. Hindi ko siya mabuo kasi alam kong there's more of him. Pasaway siya lalo na sa tatay niya. At kahit mulat na siya sa mundo andun pa din yung pagiging inosente niya. There's so much room for him to grow. He has this thing na kahit sobrang pasaway niya I still don't want to hate him just because. Gusto ko siyang intindihin kasi ramdam kong may pinagdaanan siya. (also check Nagparaya, Nagpaseries book 2 for more about him) He was attracted to Sin, lust? He likes Sin kasi game siya sa mga trip niya, cool si Sin for him. Oo na gwapo, hot, the bad guy type, pero hindi ko siya nagustuhan for Sin.

Nung una ayaw ko talaga sa long hair na mga lalaki, at hindi ko masyadong gusto yung portrayer niyang si Harry Styles lalo na nung humaba buhok niya. Pero dahil kay Vane nagustuhan ko din yun and find it cool now. Oo na iba hatak ni Vane pero SinCo all the way talaga to. Haha.

All right. So this is the end of my medyo-spoiler free review (wala pa naman akong ini-spoil diba?). Kaya sa mga nakabasa na ng Nagpatukso (at mga nauna ng na-spoil), you can stay. Pero kung hindi pa at wala pa talagang alam sa mangyayari, leave muna. Ayaw ko kayong ma-spoil kasi I want you to experience this first hand just like what I had, mind blowing, heart clenching... ugh basta.

A Book Review (kuno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon