chapter 2

1 0 0
                                    

Hanggang ngayon ay nasa isip pa rin ni Jess ang sinabi sa kanya ni kamatayan. Hindi naman sya ganun ka-slow para hindi makuha ang ibig sabihin ni kamatayan.

"Ahhh!!! Ano ng gagawin ko ngayon? Diba kaluluwa na ako? Eh,bakit ako nagugutom?" sabay himas sa kanyang tiyan na kasabay rin ng pagkalam ng kanyang sikmura.

"Kamatayan!!!!! Kamatayan!!!!! Bumalik ka na!!!!!!" sumigaw pa rin sya ng sumigaw kahit alam nyang walang makakarinig sa kanya.

"Asan na kaya yun?" parang tangang tanong  nya sa sarili nya.

"Teka diba sabi nya hospital. Sa hospital sya pupunta kung nasaan daw ang katawan ko. Ibig sabihin malapit lang dapat dito ang ospital na yun kasi nga dito ako na-aksidente. Ibig sabihin somewhere in this place lang yung hospital na yun kung nasaan ang katawan ko." napa-isip naman si Jessica ng pinakamalapit na hospital kung saan posible syang isinugod kahapon nung naaksidente sya.

Tama!  St. Benedict Medical Hospital.

Ngayong alam nya na kung saang hospital siya pasibleng naroroon ay pinoproblema nya naman kung paano sya mabilis na makakapunta doon.

Ang ginawa nya na lang ay umupo habang iniisip ang daang papuntang St.Benedict Hospital. At sa di inaasahang pangyayari ay natagpuan niya na lang ang sarili niya sa labas ng isang hospita.

"St.Benedict Hospital?" nagtatakang basa niya .

"Omg!! Andito ako sa St.Benedict Hospital? Paano nangyari yun eh nasa kalsada lang ako kanina... Ano ba talagang nangyayari sakin?" naglakad sya papuntang entrance ng hospital at nang makarating sya sa pwesto ng security guard sa my entrance area ay tumigil sya upang magpa-scan pero laking pahtataka nya nung inignore lang sya nito.

Sira diba nga kaluluwa ka na kaya ka nandito sa hospital para makita ang katawan mo...

"Oo nga pala..uuhhh" napasapo na lang sya sa sariling noo ng mapag-alamang kaluluwa na lang pala sya.

Dumiretso na lang sya sa elevator at sumakay pero pagkasakay nya roon ay duon lang pumasok sa isip niya na hindi nya alam kung nasaang room at floor sya.. At sa ikadalawang pagkakataon ay napasapo sya sariling noo..

"Ano ba yan Jess naging kaluluwa ka lang naging tanga ka na...uhhhhh"

"Grabe yung babaeng nadisgrasya kahapon ano? Ang daming dugo na nawala sa kanya pero buhay pa rin."

Naagaw ng dalawang nurse ang kanyang atensyon na kasabay nyang nakasakay sa elevator.

"Oo nga eh. Siguro lumalaban talaga yung pasyente." -nurse 1

"Siguro hindi nya pa talaga oras kaya ganun?"-nurse 2

" Siguro nga. Mamaya pala ako ang naka-duty sa kanya."-nurse1

"Ah. Anong room ba ulit sya?"-nurse2

" Room 304. 5th floor."-nurse1

"Tamang tama sa 5th floor ang pupuntahan nating pasyente diba?"

Sabay silang lahat na napatingin sa pinto ng elevator ng tumunog ito hudyat na nasa ikalimang floor na sila.

"304 ang room number ko." wala sa sariling na sabi ni Jess.

Kaagad na lumabas si Jess kasunod ng dalawang nurse. Hinanap nya kaagad ang kwarto kung saan naroroon ang katawan nya.

Nang nasa kaliwang bahagi na sya ng 5th floor ay kaagad nya ring hinanap ang kanyang kwarto. Mas inuna kasi nyang tingnan ang mga kwarto sa kanang parte ng floor.

Nang makita ni Jess ang 304 na number sa pintuan ng isang kwarto ay agad siyang nagtungo dito. Ngunit bago nya maipihit ang doorknob ay siyang paglitaw ni Dark sa harap niya.

"Kamatayan? Oh andito ka pala at bakit naka-lab gown ka? nagtatakang tanong niya ka Dark na hanggang ngayon ay di nya alam ang pangalan.

" Aish. Dibaa sabi ko sayo hindi kamatayan ang pangalan ko. Ako si Dark isang AOD means Angel of Death sa Filipino tagasundo pero hindi ako si kamatayan. Ok?" kitang-kita ni Jess ang inis na nakapaskil sa mukha ni kama--- este Dark.

Pero in fairness maganda ang pangalan may dating... sabi nya sa isipan

"Oo sige na Dark. Pero bakit ganyan ang suot mo kailan ka pa naging doktor? Aber?" pagu-usisa nya kay Dark.

"Well andito ako kasi trip ko. Props lang tong lab gown na suot ko tinakas ko lang to kanina sa opisina ng isang neurologist doctor sa 2nd floor...haha.. Galing ko diba?" may pagmamalaking sambit nito.

"At bakit mk naman ginawa yon? Adik ka ba?" nagtatakang tanong ko  sa kaniya.

"Tsk. Nagpanggap akong dictor para makita at malaman ng maayos yung kalagayan mo."

Nagtaka naman ako nung bigla niyang sinabunutan yung saril niya.

"Alam mo may mali talaga eh."

"Ha? May problema ba?"

"Dapat kasi kahapon pa kita makukuha pero hindi pwede kasi buhay ka pa na hindi na dapat. Tsk."

"Ano ba yang pinagsasabi mo. Paanong dapat patay na ako ngayon?"
naguguluhang tanong ko sa kanya.

Inilihis niya ang tela ng lab gown na suot niya at may kinuha sa bulsa ng suot niyang jeans .

"Oh." Inabot niya sa akin ang isang maliit na  black envelope.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong sa kaniya.

"Buksan mo na lang ng malaman mo."

Kaagad ko namang binuksan ang envelope at natuod na lang ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang nakasulat sa isang maliit na card.

  Name: Jessie De Leon
   
  Age: 21 years old  

Time of Death:   6:17 P.M

Cause of death: Hit and Run                  
                                  Accident

Kaagad kong nabitawan ang card na hawak ko nang mabasa ko ang laman non.

Napukaw ng atensyon ko ang biglaang komosyon na nagaganap sa kwarto kung nasaan ang katawan ko.

A/N: Maraming salamat po sa pagbabasa nitong story na to... Hindi ko po inaasahan na may magbabasa nito... So eto po matagal na pong tengga itong chapter 2 at ngayon ko lang siya natapos talaga.. Maraming salamat po ulit... Saranghaja...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You Till DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon