Prologue

4 0 0
                                    

Marahas na napabuga ng hangin si Jess nang makita nya na papasok ang kanyang dalawang kaibigan sa loob ng kanyang pinagtatrabahuhan na cafe.

Kinawayan naman sya kaagad ng mga kaibigan nang makita sya sa cashier's counter(a/n:yun ba tawg dun?)

Agad na lumapit sa kanya si Mae at Joane.

"Goodmorning Ma'am may I take your order?" pormal na tanong nya kay Mae na nangunguna sa linya.. Napansin naman nya ang pagkunot ng nuo nito nang dahil sa tanong nya..

"Seriously Jess? Ang formal mo naman masyado 'wag mo naman masyadong karerin yung pagiging kahera mo."natatawang saad nito sa kanya. Sa halip na pansinin ang sinabi ni Mae sa kanya ay tinananong nya ulit ito.

" Ano po ba ang order nyo ma'am kasi po humahaba na yung pila." sabay turo nya sa likod nito kung aaan may lima pang tao na nakapila. Narinig nya naman kaagad ang mga reklamo ng mga ito.

Muli nyan ibinaling ang kanyang atensyon kay Mae na kaharap nya lang.. Laking pasasalamat naman nya nang magsalita na ito .

"One mocha, one cappuccino and two slices of strawberry shortcake." medyo natatawang saad nito habang nakatingin sa walang kaemo-emosyon nyang mukha.

Kaagad nya namang tino-total sa computer ang order ni Mae.

"That would cost 1,050 pesos ma'am." kaagad namang nagbayad si Mae sa kanya ng pera at sinuklian nya naman ito. Kaagad nyang inasikaso ang order ng kaibigan mabilis niya namang natapos at kaagad na bumalik sa counter upang ibigay ang order ni Mae.

"Enjoy your order ma'am." saad nya na may ngiti sa labi.

"Sure I will and she will." saad ni Mae sabay turo kay Joane na nasa lukod nito. Napailing na lang si Jess sa inakto ni Mae.

Pagka-alis nila Mae sa order area ay agad nya namang inasikaso ang mga sumunod sa pila.

Makalipas ng ilang minuto ay nilapitan sya ni Greg na katrabaho niya.

"Jess pinapatawag ka ni manager. Pumunta ka daw sa office nya."

"Ngayon na mismo?" nagtatakang tanong niya kay Greg.

Tumango si Greg bilang sagot.

"Uhm sige, ikaw muna dito." pagkasabi niya nun ay kaagad nyang tinungo ang opisina ng kanilang manager.

Kumatok muna sya bago pumasok. Pagkapasok nya sa opisina ay nakita nyang nakaharap sa laptop ang manager nila. Tumikhim sya upang kunin ang atensyon nito. Agad namang umangat ang tingin nito sa kanya.

"Jessica maupo ka." pagpapa-upo nito sa upuang nasa harapan ng lamesa nito. Kaagad namang syang umupo at kinakabahang napatingin sa kanilang manager.

"Bakit nyo po pala ako pinatawag?" nag-aalangang tanong niya dito.

"Dideretsuhin na kita Jess. Alam mo naman diba na ililipat na ng may-ari ang pamamahala nitong cafe sa kanyang anak diba?" napatango na lang si Jess bilang sagot.

"That means new rules and new strategies on how will the new boss will run this cafe." taimtim nya lang na pinapakinggan ang kanilang manager

"Thats why ipapatanggal na ang mga part time workers dahil sabi naman ng nrw boss na sapat na ang mga regular workers dito sa cafe and that means kasama ka sa mga matatanggal." tila nabingi sya sa sinabi ni Ms. Fuenca.

"Ms. Fuenca baka pwede naman pong pakiusapan yung bagong boss. Hindi po ako pwedeng maawalang ng trabaho please po wag nyo lang po akong tanggalin." nagmamakaawang sabi nya sa kanilang manager.

"Sorry Jessica pero yun ang order galing sa bagong boss kailangan nating sundin."

"Sige po . lalabas na po ako." nanlulumong saad nya sa manager bago lymabas sa opisina nito.

Loving You Till DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon