Chapter 6: Piano

173 14 0
                                    

Tiffany's POV

Ano ba naman yan, bakit sa lahat pa ng makakabangga ng kaibigan ko, ang TFIB pa! At nandun pa si Lance. T__T Damn it. 

Lord, kunin mo na ako, hindi ko na alam ang sasabihin ko sa mga kaibigan ko.

Eh!! Hindi ko nga kaya sabihin sa kanila yung totoo eh! Kaya Lord, tulong naman please. :(

Andito lang pala ako sa tambayan. Uwian na. Kasama ko si Stelle. 

Nababanas na ako, gusto ko na umuwi. -__-

"Stelle, uwi na tayo." sabi ko kay stelle

"Mamaya naaa!" sabi niya. Palibhasa kumakain pa kase. -__-

"Uugh. Ako na nga lang mauuna. Sige na, bahala ka na jan." 

"Sige! Babay Steff, ingat ka ha?" 

"Ge, salamat." 

Umalis na ako sa tambayan at pumunta na sa cr. Habang nasa hallway ako, may narinig akong nagpi-piano. (A/N: Paki-play po yung multimedia sa may gilid ---> Salamat po!) Pamilyar sa aken yung tugtog. At.. may naaalala ako.

NP: River Flows In You by Yiruma

At dahil medyo nahumaling ako doon sa nagpi-piano, pumunta ako sa music studio. Sa music studio kasi yun banda.

Nakakalungkot yung tugtog. Feeling ko, may namatay. :( XD

Yang tugtog na yan, shemay. May naalala talaga ako. Nung bata pa kase ako, lagi ko yang naririnig.

Umupo muna ako sa may bandang likod, yung di ka makikita. Medyo nakatago kase ako. Pumikit ako ng saglet kase, nakaka-ano talaga yung tugtog. Nakakalungkot. :(

May lumabas sa vision ko na, isang batang lalake nagpa-play ng piano. Pareho sila ng tinutugtog. Halata naman sa mata ng mga bata ang lungkot habang nagtutugtog.  Tapos sa may bandang gilid, may babae naman. Nakatayo siya, nanunuod doon sa lalake. Pareho silang malungkot.

Di ko makita yung itsura ng bata. Nakatalikod kasi siya saken.

"Ang galing naman mo naman tumugtog." sabi nung babaeng bata sa lalake ngunit walang sinabi ang lalake ang nagpatuloy sa pagtutuggtog.

"Bakit kasi kailangan mo pang u-umalis?" naluluhang sabi ng batang babae sa lalake. Bakas dito ang kalungkutan sa kanyang boses. Ngunit, wala pa ring nasabi ang lalaki at patuloy pa rin sa pagtutugtog.

"D-dito ka na lang! W-wag m-mo kong iwan." sabi ng batang babae. At lumapit siya doon sa batang lalake at sinabayan sa pagtugtog. Pareho na silang nagtutogtog. Lalong gumanda ang tunog ng piano. 

Natigil ang kanilang pagtugtog ng may dumating na isang matandang lalake at hinila ang batang lalake palayo sa batang babae.

"WAIT! WAG MO KONG I-IWAN!" sigaw ng batang babae doon sa batang lalake.

"HINTAYIN MO KO. BABALIKAN KITA." wika naman ng batang lalake sa batang babae. Tuloy pa rin ang paghila ng matandang lalake doon sa batang babae.

"H-hintayin k-kita..." sabi ng babae ng mahina at napahagulgol na sa pagiyak. Tumayo na ang babae pero napatigil siya ng may nakita siyang panyo kulay blue at may letter "S" at may symbol ng crown ng angel sa itaas. Kinuha niya iyon. At ipinunas sa kanyang luha. 

Napamulat ako. Grabe, nakaidlip pala ako. P-pero teka, yung p-panaginip ko. Napakapamilyar. Para bang, nangyari na yun. 

Uggh! Ano ba yun. Saan ko ba yun nakita?! >__< Nakakasakit naman sa ulo oh! Yung tugtog ng bata, at tsaka nung lalake kanina. Pareho sila ng tinutugtog.

Wait speaking of tumutugtog, bakit wala na yung tugtog?

Sumilip ako doon sa may piano sa stage. Wala na palang tao. 

Hindi ko alam kung bakit, pero nagpunta ako doon sa may piano. Umupo ako. Marunong naman ako magpiano. May naalala na naman ako sa piano. Isang hindi magandang ala-ala. Psh. Ayoko na nga dito. Nababaliw na naman ako.

Tumayo na ako at umalis pero.. may nakita akong.. panyo?

Kulay blue siya, may letrang "S" sa gilid at may crown ng angel sa itaas ng letrang "S". W-wait. Same siya doon sa napanaginipan ko ah? Wew. Ano na bang nangyayare? -__-" Kinuha ko na lang iyon. Baka ang nagmamayari neto ay yung nagpi-piano dito kanina. Sayang, di ko nakita itsura niya. Pati na rin yung batang nagpi-piano sa panaginip ko.

Naiinis na talaga ako sa nangyayari sakin ngayon. Para bang, may pinapahiwatig saken yung nangyayari sakin. Ano ba yan ha? Yung parang may pilit na pinapa--

AISH! Ano ba tong iniisip ko?! Baka naman, wala lang. Nagkataon lang na magkapreho sila ng panyo. HAHA. 

Haist. Umalis na ako doon sa music studio. Hay grabe lang. Di pa rin matanggal sa isip ko yung nangyari doon sa music studio.

Ano ba kaseng meron ha? Hindi ko talaga maintindihan! Yung music, yung panyo, yung panaginip. Aish. May connect ba to kay... AISHT ANO BA YAN! 

Nevermiiindd. Teka, nasaan na ba kasi yung dalawa?! Kung nandito yun, sigurado ako, baka hindi pa to nangyari sakin. Sabi nang samahan na kasi ako ni Stelle eh. Charot. Ano kaya konek nun? XD

Makapag-bar na nga lang! Baka naman kung ano ano na lang nang---

"Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko. Aray naman. Nabangga yata ako sa pader! -___- 

"Ay, pasensya na. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh." napatingin ako sa itaas. Takte, hindi pala pader. hehehe, tigas kasi eh! XD W-wait. Si L-lance pala to! -__-

"A-ah. L-lance.." nagulat siya nung sinabi ko yung pangalan niya. Pero napalitan agad yun ng cold and expressionless na face. Awkward >__>

"Sige. Alis na ako. Sa susunod, lagi kang tumingin sa dinadaanan mo." matigas na sabi niya

"S-sige. S-sorry..." sabi ko.

"Medyo wala nang magagawa yang sorry mo, nangyari na eh. What's done is done." matigas na sabi niya at umalis na.

Naiwan akong nakatayo doon. Hayst. :( Kung alam niya lang. </3

Di pa rin pala siya nakakaget-over doon. 

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang parking lot. Pupunta na lang ako sa bar. Habang naglalakad ako, napatingin ulit ako doon sa panyo.

Hmmp. It reminds me of something I can't remember. Dahell, ano daw? XD Ugh. Bahala na nga si batman!

LET'S GO TO BAR ♥♥

-----------------------------------------------------

A/N: Sorry medyo matagal po ang update. BECOME A FAN, VOTE & LEAVE A COMMENT. :D

GMgirlz meets The Four Innocent BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon