Author's Note...
Hi po sana magustuhan niyo ang story na ito...Pasensia na po sa mga typo error ko huhu >.<
Mararanasan mo kung ano nga ba ang sinyales ng pagkagusto kay OPPA o BIAS..
Kung bakit kami nababaliw pag may ginawa sila na talagang nakaka-agaw ng atensyon naming mga fangirls.. ^.^
PLAGIARISM IS A CRIME
Kaya wag niyo pong gawin....
................................................................................................................................................................................................................
Ang pag-big ay parang BASKETBALL,parang ikaw yung bola na ayaw niyang maagaw ng iba.Pero pag nagsawa na itatapon o ipapasa ka nalang ng basta-basta.
Bigla-biglang susulpot na para bang kabute na di mo alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ginagawa yun!Bakit dahil ba sa katawan kong parang BOTE!.
Sa una papasayahin ka pero sa huli uuwi ka ring luhaan.
Pero ikaw tong si tanga kaya naman napa-OO ka sa mga salitang bulaklak ng lalaking iyan.
Binigay mo na lahat-lahat pero di pa rin nakuntento yung minahal mo.Pero ang tanong MAHAL ka ba ng MINAHAL mo???
Isa sa mga katanungan na gusto mong sagutin niya pero sa bilis ng panahon niya para lokohin ka bigla nalang siya nawala na para bang BULA.
Ano bang ginawa nating MALI para saktan tayo ng ganto at gawin ang puso natin na di na alam kung ilan na ang BALI.
Sa bawat agos ba ng luha naming nagiging masaya kayo??Naisip niyo rin ba kami?Bakit pa kasi nagtagpo tayo sa mundong ito,Kung ito lang rin naman ang kakahinatnan ng lahat ng to.
Kung sakit lang pala ang kaya mong ibigay ng TODO!!!
Yang mga katagang yan lang naman ang lagi kong naririnig habang nanood ng mga hugot tv series.Minsan nga napagtatanto ko bakit pa kailangan manakit ng mga LALAKI sa ating mga BABAE??
"Oh anak bakit ka na naman nanonood niyan.Di ka pa makakarelate dahil wala ka pang experience sa mga bagay na iyan!"-mama
"Bakit po kasi umaabot sa punto na parang gusto ng magpakamatay ng iba kapag nasasaktan sila mama mahirap po bang mainlove?Paano na po ako niyan ayaw ko ng mainlove baka ano pang mangyari"
"Alam mo anak halos lahat naman ata ng umiibig ay nasaktan na rin sabi nga nila Experience is the best teacher kaya pagkatapos nilang masaktan natututo ulit silang bumangon at magmove-on"
"Hays buhay nga naman ang daming SULIRANIN na dapat nating harapin.Alam ko pong masyado pa po akong bata para isipin ang mga ito.Pero dapat ganito nap o ako mag-isip mama kung ayaw ko po talagang masaktan ng maaga"
"Sige Alliana Luisa Samchi gawin mo iyan dahil iyan rin naman ang makakabuti sa iyo.Pero sa oras na nasaktan ka huwag mong masyadong damdamin dahil nandito lang kami ng papa mo para damayan ka"
"Nako ako po mama maiinlove N.E.V.E.R as in NEVER po study first po ako para naman po umahon na tayo sa hirap at mabigyan ko po kayo ni papa ng pera na galing sa pinaghirapan ko"
"Ang swerte talaga namin sayo anak dahil maganda na at matalino pa kaya pag nainlove ka at pinagpalit ka sa iba aba sabihan mo agad kami ng tatay mo at ng mahabol naming ng itak.Dahil di mo maiiwasan ang bagay na iyan dahil ang love ay walang pinipiling edad pag natamaan ka aba para ka ng baliw kapag yan na ang naranasan mo"
BINABASA MO ANG
So I Married A Basher
Novela JuvenilKung may ipapaglaban ako siguro yun na ata ang taong mahal ko!pero di ko inaasahan ang pagdating ng mga lalaking ito sa tahimik kong mundo....Nakakapagtaka na sa isang iglap magbabago ang lahat.. Pero mapapagtanto mo nalang na ang lahat ay may dahil...