track 3

21 0 0
                                    


"Oh? Kamusta naman first day mo?" tanong sakin ni ate

Meh. Wala masyadong nangyari. Boring. Tas mga tahimik mga nagiging classmates ko. May kanya kanya na silang tropa. Nakakahiya naman sumali baka sabihin na papansin ako huhu.

"Okay lang. Mapagtatyagaan" sabi ko

Nagpipigil ng tawa si ate. Hilig magpigil tas ang baba pa ng kaligayahan. Pft.

Dumating na yung buko pandan na inorder ko. Nandito kami sa sinasabi ni ate na masarap na kainan. Aaaah! Buko pandan... I missed you!

"I missed you!" sabi ko

Parang naweirduhan yung nagserve pero di nalang pinansin. Wala na kong pake! Gutom na kooooo.

"Sigurado kang buko pandan ka lang?" nagaalalang tanong ni ate

"Oo naman tsaka diet na ko no!" sabi ko sabay subo

"Mas nakakataba kaya pag di kumakain. Learn from the model" nagfliphair pa siya

"Hay nako. Pasalamat ka maganda si mommy tsaka gwapo si daddy kundi di ka magiging model" sabi ko

"Ayaw mo ba magtry ng modelling?" tanong ni ate

Nabilaukan ako sa sinabi nya

"Oh tubig! Aish! Di marunong magingat. Lampa pati sa pagkain." sabi niya habang nagrerecover sa panic

"Ayoko maging model no! Baka mamaya maging kamukha kita" 

"Talagang magiging kamukha mo ko. Magkapatid tayo gaga!" sabay kaming natawa ni ate

Natapos na kaming kumain at nag-uber na kami pauwi

"Ate"

"Oh?"

"May kakilala ka bang talent na naghahanap ng singer?"

"Bakit magiging singer ka?"

"Gusto ko lang. Pakiramdam ko maganda naman boses ko eh"

"Maganda nga. Kaso wala akong kilala. Atupagin mo muna studies mo. Sa entertainment industry, hindi ka sigurado kung makakapasok ka kahit itraining ka nila ng taon."

Nalungkot naman ako sa sinabi ni ate. Matagal ko na kasing hilig yung pagkanta. Simula bata palang e kanta na ko ng kanta. Sa tuwing masaya,malungkot,naiinis o nageenjoy, kanta lagi yung nandyan para sakin. Parang kanta na yung 2nd family ko.

Aish. Napahiga nalang ako sa kama. Bakit parang may kulang?

"Bat di pa sabihin..... ang hindi mo maamin"

Kumakanta nalang ako habang makatulog ako.

"Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin..."

Papikit na sana ako nang biglang tumunog yung phone ko. 

"Unknown number?"

09123456789

*Yo Xia! Xia soon. HAHAHAHA. Ganda ng joke ko dun.*

reply to: 09123456789

*Sino po to? Sorry*

09123456789

*Not saying now. :P Gusto kong makita kang mahimatay sa gulat pag nakita ako hahaha*

reply to: 09123456789

*Blocking this number. Xia!*

"Homayghad nahawa ako sa joke netong unknown number"

Oh well. Time to sleep mga kaibigan!

The next morning...

"MAGANDANG BUHAY AKING KAPATID!" bati sakin ni ate

"Monggoloid" bumangon na ko. Hyper naman neto aga aga? Trabaho ko yang pagiging hyper ah?

"May good news ako."

"Oh?"

"Uuwi si mama!"

"HALA WEEEH?"

"Oo nga! Magayos tayo ng bahay agad after ng classes natin. Pupunta si mama next week monday and today is already thursday."

"Nagjojoke ka no?"

"Mukha ba kong clown?"

Natawa ako sa sinabi nya

"Oo kapal mo kasi maglagay ng makeup" Bleh. Buti nga.

"Harsh naman netooo. Magluto ka na breakfast" tas nagpout sya habang papunta sa shower

As usual. Normal day. No frens. Huhu. Boring naman ng college life ko. Sabi nila pag boring college mo, boring na rest of your life mo. Huhuhuhuhu. Wag sanaaa.

Palabas na ko ng gate tas nakita ko may mga nakapalibot sa isang kotse. Ano yan? May artista? Aish. Wala na ko sa mood para makifangirl pa.

"OY XIA!" May sumisigaw na lalaki

Homayghad. Baka mamaya yan yung nagtetext sakin. Walk faster walk faster Xia!

At may humawak na sa kamay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

our songTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon