track 1

14 0 0
                                    


Kung sino man gumawa ng mga kanta... PAGPALAIN KA PO NI PAPA JESUS! Mga awitin na ata ang pinakamagandang nangyari sa mundo natin. Mga awitin na parang mga kulay sating mga tenga.


"Send my love to my new loveer~" AAAAAH ILABYU ADELE. Mas masaya kaya magluto ng itlog kapag kumakanta ng kanta ni Adele. 

"YOU SET ME FREEEEE OH AAAAH~" Ready na tong mga itlog ko. Ready na almusal! Gisingin ko na kaya sila? 5:30 na.

Aakyat palang ako sa hagdan para tawagin sila kaso 

"ANAK NG TINAPA!!" SINONG HINDI MAGUGULAT PAGAKYAT MO MAY MAKITA KANG BABAE NA MAGULO BUHOK TAS NAKAPUTING DASTER

 "OA mo naman." taray sakin ni ate.

"ABA MALAMANG? Kala ko kaya kukunin na ko ni Lord. Pwe."

"Bakit? Kasi nakakita ka ng anghel?" nagwink pa.  

"A TO THE S TO THE A. Asaaaaaa." kinuhanan ko na sya ng pinggan. Ganda ganda ng mood ko kanina eeh. Huhuhu.

Sumabay na rin ako sa pagkain kay ate. Tas may isa akong pinagtataka...

"Aga mo nga pala magising ngayon ah? Maaga ba date nyo ni boyfie?" wink wink pa ko kahit dalawang mata na yung pumipikit. HAHAHA.

"Malamang sinong magigising sa ingay ng boses mo? Aga aga baka ipabarangay pa tayo akalain may nagkakaraoke ng ganto kaaga" 

"Ouch ah! Baka nga may kumuha pa sakin dyan na talent scout tas iaudition ako tas dadalhin ako sa Korea para maging K-pop idol!"

"A to the S to the A. Asa" Pwe. Gaya gaya talaga to ng style. Ako nagpauso nyan eh! Tsk.

"Maligo ka na.  Sabay na tayong pumasok." sabi ko na pataray. Gaya gaya kasi. Iibahan ko na nga yang style ko.

Yung itsura nya parang litong lito. Bruha to di ba nya alam?

"Luh sya ano yang mukha na yan?" 

"Eh bat ka sasabay sakin? Magkaiba tayo ng way ah?"

Kinalimutan ba nya talaga? HALA SYA OH.

"COLLEGE NA KO ATEEE. BAT MO YUN KINALIMUTAN?" sabay pout. 

"HAHAHAHA. Joke lang. Cute mo asarin." pinisil nya mukha ko. 

"ARAY! Masakit kaya. Atsaka kunyari ka pa nakalimutan mo rin naman." pout uli ako.

Natapos na siyang maligo. Nakapagayos na kami. Handa na ko sa 1st day ng college ko! Hindi ko parin pinapansin si ate. Nakakatampo kaya. 

Nagkatabi na kami sa jeep tas biglang sumabat si ate

"Hays. May masarap na kainan pa naman na malapit sa university. Sayang yung aayain ko sana galit sakin e." Patampo nyang sabi

"Weeh? Masarap ba talaga dun?"

"Sobra sobra sobraa. Favorite ko pa nga dun yung buko pan-"

"MANONG BAYAD PO DALAWANG ESTUDYANTE" bigla kong abot ng bayad.

Nakikita ko sya pinipigilan yung tawa. Bahala siya. Magmukha syang engot dyan. Basta makakakain ako ng buko pandan!

Pag pasok ng university, tinginan lahat ng tao kay ate. Pano ka iiwas ng tingin kay ate? Siya lang naman si Klarise Yu. Sikat na model tas role model pa sa mga student. Masipag tas matalino. Bigla tuloy akong napressure. Baka mamaya magexpect din sila sakin huhu.

"Hirap talaga pag maganda" nakangiti nyang sabi sakin.

"Ewan ko sayo. Bayabas." 

Nakikita ko siyang nagpipigil ng tawa. Hilig niya magpigil ng tawa. Kailangan atang poise lagi. 

Hays! First day ko ngayon. First day bilang si Xia Yu na kumukuha ng kursong Psychology. Pero nakakapressure talaga. Hindi ko naman abot yung beauty ng ate ko. Hays. Bahala na.


our songTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon