Wendy POVKinginis naman ! Tagal maguwian . hays pano ba naman kasi ang bagal tumakbo ng oras . Tagal maguwian ..
Opo excited kami maguwian . remember magkikita kami nila Joshua ? Ayieee ..
Nakakatamad pa dahil MATH ang last subject namin kaya naman habang dada ng dada si maam sa harapan , kami naman ng mga katabi ko patagong nagdadaldalan .. Eh sa nakakaantok eh bakit ba ?
Ayan na ayan ! 4:00 na uwian na . yehey ! Ang hinihintay namin .
Syempre kaming mga babae as usual nagaayos muna kaya pulbos pulbos muna kami at ayos ng buhok ng matapos na kami .
Naglakad na kami papuntang evergreen dahil sa madadaanan naman namin ang palengke namili muna kami ng makakain at maiinom at tumuloy na kami papuntang Evergreen .
Kasama pa rin namin sila Rex , pero konti lang kami ngayun . Magpapaprint din kasi kami ni Rex para sa reviewer namin sa TLE pasabay sabay naman kasi eh . ( uso pa samin ang pagrereview eh )
Pagdating namin doon . Nandoon na sila Joshua at kasama na ang mga kaklase nila . kaya naman pumunta kami sa isang tabi at doon nagayos ng rereviewhin namin ni Rex , sila Nestle naman nagseselfie , kaya hindi naiinip .
Syempre mawawala ba sakin yung pasulyap sulyap kay Joshua . char ! No way ! Emi .
"Ano rex ? Papaprint na tayo ?" - ako
"Ikaw ba ? "
Pag si Rex talaga hays ang bait- bait talaga .
"Oh sige tara na "
"Sige"
"Oy alis muna kami ni Rex ah papaprint lang kami ng rereviewhin namin" pagpapaalam ko kayla Nestle
"Sige sige balik kayo agad huh ? ""Oo , bye "
Naglakad lang kami ni Rex papunta sa printan .
Forward..
Nang matapos na ay naglakad na kami ulit pabalik ni Rex.
Pagdating namin ulit doon , wala may kanya kanyang silang ginagawa pero nakabilog pa rin sila sa isang lugar .
Umupo na ulit kami ni Rex. Inayos ko yung mga Review para madali kong masaulo , nagreview na rin ako ng kaunti kahit papaano ng bigla na lang ...
Shete ! Umupo si Joshua sa likod ko . what to do? What to do ? Di ko kasi alam ang gagawin ko . like duh ! Ngayun na lang ulit ako naging ganto .
Relax lang Wendy , just relax wag kang papahalatang kinakabahan ka okay ? Relax lang relax .
Inabala ko pa rin yung sarili ko sa kakareview. Nang bigla na lang siya nagsalita .
"Anong ginagawa niyo erp ? "
Ay putang inang iyan ! expected ko hindi ako yung kausap niya ERP daw eh.
Kaya naman lumingon ako sakanya . At takte lang huh ? Sakin siya nakatingin hindi sa iba , mismong sa akin talaga .
Edi ako yung tinatawag niyang ERP ? LETSE KELAN PA NAGING ERP ANG MHE ? THE HELL !!!
ERP ? ERP ? ERP ? your face . kainis . Eto na nga , may magagawa pa ba ako.
"Ah eto ba ? Reviewer namin to sa TLE."
"Ahh lahat yan ? Ang dami naman . "
" oo eh "
Sa T.L.E kasi namin kailangan mo talaga magreview , no choice ka talaga kung hindi nga nga ka kung hindi .betlog ang makukuha sa madaling salita 0 .
Pag nagpatest or quiz kasi samin si Sir Allan , walang choices at mahihirapan ka talaga kung hindi ka nagreview .
Kaya todo review kami nila Rex.
Ang T.L.E namin Computer ayoko kasi ng house keeping , cooking at iba pa . marunong naman na kasi ako non kaya hindi ko na kinuha pa , yung iba naman kaya hindi iyun ang napili ko dahil mahihirap kaya hindi ko na kinuha . abay ! Malay ko ba sa mga ganun ..
Ako nga lang ang 9-Cherry na babae na nasa Computer eh , pero ayus lang keri ko naman . 6 lang kasi kami na nagpunta sa Computer , Si Rex Francisco , Gian Allen Dela Cruz , Mark Anthony Capacia , John Marc Manaquil , Janiel Monel . oh di ba ? Ako lang ang babae ?
Balik tayo sa kanina . Takteng yan di ko talaga makalimutan nung tinawag niya akong ERP , sa dinadami ba naman kasi ng CS ( Call sign ) jan bakit kasi ERP pa ang napili niya ? . hays . pwede namang babe , hon , bunch , love , ang dami dami oh ERP pa ang napili .
Hays . tapos na ata silang magpractice dahil nagsisiuwian na kasi yung iba .
Di ko alam kung sasabay samin si Joshua umuwi pero hinintay pa rin namin sila .
Maniniwala ba kayo ng sumabay samin si Joshua pauwi ?
Hahha pwes ! Maniwala na kayo dahil shete ! Este sumasabay sakin si Joahua ngayun at take note huh ? Kinuha niya pa yung mga dala ko . O M G ! Kakilig !
Yung mga tropa naman niya nasa likod lang namin hahah .. Kumakana ng ...
" nice one Joshua."
Itong si Joshua naman ngingiti- ngiti lang . tse ! Naiinis pa rin ako sayo tinawag mo kasi akong erp . syempre sa isip- isip ko lang iyun nuh.
Hayaan na lang natin .
***************************
Nagustuhan ba mga readers ?,pinapaalala ko lang ulit ang kwentong ito ay totoo at hindi gawa gawa lamang .Kung may kapareho man ang storyang ito ay pareho tayo ng kwento ng buhay ? Hahha ... Char !
Thanks mga readers😂
YOU ARE READING
Started With The Deal
Teen FictionManiniwala ka ba na sa deal lang nagsimula ang lahat ? dahil sa isang deal pumayag siyang magpaligaw ,dahil sa isang deal may nasaktan , at sa isang deal naging sila . Ano naniniwala ka na ba ? Kung hindi pa , pwes maniwala ka na . **************...