Wendy POV
Second Day of school . ang baduy baduy baga ! May klase agad , hindi tulad ng dati wala pang klase pagsecond day .
Parang pagibig lang yan magbabago at mababago din .
True ba besh ??? HUGOT !As usual kami pa rin ni Mau ang maingay . May pa I DONT CARE , I DONT CARE PA nga kaming nalalaman .Mga kaklase naman namin iyun ang tatahimik , mga Transferee kasi ang iba , kaya hindi namin sila kilala .
Nang bigla na lang may kamausap sa akin .
"Ex mo si Myrex ? "
"Hahah bakit mo natanong ? "
" Tropa ko yun , taga sabatan din kasi ako . "
"Ahhh kaya pala , ano ba pangalan mo ? "
" Nicole"
" ako si Wendy siya naman si Maureen "
Tas nagngitiin lang kami Tatlo .
Inayos kami ng mga teacher namin ng mga upuan , ang mga babae magkakatabi at ang mga lalaki naman ang magkakatabi.
Natabi samin ni Maureen yung matomboy tomboy kung kumilos .
Kaya naman medyo medyo natahimik kaming dalawa . Si Nicole naman nakaupo sa may harap ko .
Nang wala ako magawa ay nagbasa na lang ako ng wattpad
"Ay binabasa mo yan ? "
Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko , wala eh isa ito sa kinaaadikan ko. Noon nga hindi mo ko makakausap pag nagbabasa ako ng wattpad eh , buti na lang ngayun kalabitin mo lang ako makakausap muna ako .
"Ahhh oo ,Kathniel kasi kaya ayun tinary kong basahin at nagandahan naman ako kaya pinagpatuloy ko na lang basahin." sagot ko naman sakanya .
"Hahab maganda yan . grabe nga yung ending niyan eh .tas ang dami dami pa , may stuck with the past , stuck forever with you , at stuck with a moment ang ganda ay no ? "
"Hahah sinabi mo pa, sobra kamo naiiyak pa nga ako minsan , pinagtatawanan pa ko ng pinsan ko dahil para daw akong nababaliw umiiyak at tumatawa daw kasi ako magisa ."
Simula nung nagkausap kami tungkol sa wattpad Lagi na namin kasama si Nestle .
Nagkaroon tuloy kami ng bagong kaibigan sa room ni Mau dahil lang sa wattpad
Siya si Nestle Pabustan . Matomboy man itong kumilos ngunit babae talaga siya, matalino at mabait . sa sandaling oras ko siyang nakausap ay iyan na ang naging first Impression ko sakanya . itsura ? Magkasing tangkad lang kami , mahaba din ang kanyang buhok .
Dahil nga doon lagi na namin siyang kasama araw-araw ,napalapit na ng tuluyan ang loob namin sakanya kaya naman itinuring na talaga namin siyang isang kaibigan .
"Bakit ka lumipat ng school ? " tanong ni Maureen .
"Mabaho kasi yung isda ,kaya pinalipat ako ni Nanay dito . "
"Ahh ganun ba ? Di ka naman nagsisi na lumipat ka dito ?"
"Hindi naman , masaya naman dito eh . "
Kaya pala ! Sana hanggang dulo hindi talaga siya magsisisi na lumipat siya dito .
May naging kaibigan din kami ni Maureen na mga transferee . Tulad ni Rex . kung tutuusin kung titignan mo ito parang siyang isang nerd na lalaki ngunit hindi . malabo din pala ang kanyang mata katulad ng aking pinsan .
Naging kasundo din naman namin ni Maureen ang lahat ng kaklase namin .
May nagkagusto pa nga sakin . siya si Markanthony Capacia . pero dahil sa malibog ito . iyun naturn off ako kaya naman lumayo na lang ako . like duh !
Si Rex at si Jollo ay marunong maggitara at ang masasabi ko lang sakanila ay sobrang galing nila tumogtog .
Saktong may gitara naman ang ate ko at ipinapatono niya sa akin ito , eh napagalaman ko na marunong si Rex na magtono kaya naman dinala ko ito sa school para ipatono ito kay Rex.
"Rex ? Pede bang patono ? Kay ate ito eh, hindi kasi kami marunong magtono . "
" sige . "
Dahil sa magaling sila tumugtug bumuo kami ng Banda, ang pangalan namin Scape The Course . dahil dito nga lagi na kami magkakasama.
Kaya naman paguwian na kami ,sabay sabay na kaming umuwi . Minsan naman pag tinatamad pa kami magsiuwi ay gagala kami sa Evergreen .
Evergreen . alam mo ba kung anong lugar yun ? Isa ito libingan ,sa madaling salita SEMENTERYO ito .
Oo jan kami lagi nag gagala pag tinatamad kami . Tas magdadala sila ng mga Gitara ,kanta doon at kanta dito , kung hindi naman kanta . Picture picture naman kami.
Marami kaming kalokohan na alam .Youre Love
"Youre the one that never let me sleep , through my mind and through my soul you touch my lips , youre the one that i cant wait to see when youre by my side im in ecstacy🎶🎸🎶
Chorus : Youre love is like the sun that lights up my whole world i feel the warm inside... Youre love is like the river that flows down through the vein i feel the chill inside.🎤🎵
Refrain :I am all alone without you , but days are dark without the glimpse of you , and that you come into my life i feel complete , the flower bloom my morning shine and i am see. 🎸🎶
Chorus :
Everytime j hear my music played , reminds me of the things that weve been through , in my mind i cant believe its true But in my heart , the reality is you . ...🎸🎶🎵🎤
Repeat :(refraine)then (chorus ).
Ayan ! Kumakanta na naman kami . hilig na talaga namin ang kumanta . hahha .. Matalent talaga ang 9-Cherry .
Hanggang sa nagsiyayaan na kami mag siuwi .
***************************
Hahah .. Ayus lang ba ? Sana nagustuhan niyo .Sorry for the wrong Grammar and spelling. Thank you !

YOU ARE READING
Started With The Deal
Teen FictionManiniwala ka ba na sa deal lang nagsimula ang lahat ? dahil sa isang deal pumayag siyang magpaligaw ,dahil sa isang deal may nasaktan , at sa isang deal naging sila . Ano naniniwala ka na ba ? Kung hindi pa , pwes maniwala ka na . **************...