Wendy POVUwian na namin at ngayun na kami ililibre ni Kuya Neil . Naglinis muna ako ng room namin para hindi kami pagalitan ni Maam Bing .
Annabelle Crisostomo mas kilala sa Maam Bing. Ang advicer ng 9-Cherry ,May pagkabata pa ang itsura ni Maam . sweet at mabait siya sobra, kaya lang wag niyo papagalitin ,ako na magsasabi sainyo . MATATAKOT KA TALAGA !
Nang matapos na kong maglinis sinarado ko na rin ang mga bintana at nagayos nako ng sarili ko . Alam kong maganda nako ( ang lakas ng hangin )pero kahit ganun gusto kong maayos pa rin akong tignan .
"Mhe bilisan mo."sabi naman ni maureen
"Ito na nga oh , magpupulbos lang ako saglit ,w8 lang kayo jan . just relax . "
"Sige"
Nang matapos na ako magayos ng sarili ko , lumabas na kami ng room namin . Wala pa sila Joshua sa labas ng room nila . Bakit kaya ?
Hinintay naming masarado ang room at ng okay na . pumunta kami sa may Gitna .
"Wendy ? Punta ka dito ? Di kaya ni Joshua tumayo nilalagnat kasi ang sama-sama ng pakiramdam. "
"Bakit ano ba ginawa niyan ?
"Wala . tahimik nga lang eh "
"Sabi ko sakanya pag di niya na kaya pumunta siya ng Clinic eh di pala nakikibig . Sige kuya Neil hayaan mo siya . pupunta dito yan . salamat."
Eh sa nahihiya din akong pumunta sa room nila kaya hindi ako pumunta kahit na deep inside alalang alala na ako kay Joshua .
Biglang lumabas si Joshua sa room nila at pumunta kung nasaan kami nakapwesto ngaun, sumunod naman si Kuya Neil . Nagusap usap muna kami kung saan kami pupunta . Habang naguusap sila , hinawakan ko si Joshua . at Takte lang oh ! He's so hot ! What the ! Ano bang pinag gagawa nito at kainit init niya .
" sigurado ka bang sasama ka ? Ang init init mo oh . " pabulong kong sabi sakanya .
"Oo kaya ko ito . sasama ako hindi na nga ako nakakasama sainyo lagi na nga ako absent eh , kaya sasama ako . "
" sige ,sabihin mo sa akin pag hindi mo na kaya huh ? Uuwi tayo . "
Tumango tango lang naman siya sakin. Nang matapos sila pagusapan kung saan kami pupunta . Ay pumunta na kami doon at nakabili na rin naman sila nang kakainin namin na nilibre ni Kuya Neil .
Sinusubuan ko si Joshua pero ayaw niya kaya iniinum niya lang yung C2 na binili ni Kuya Neil hirap na hirap siguro siya . tas nagagalit pa ko sakanya . Ang tanga tanga mo Wendy ang selfish selfish mo naman para isipin mo lang sarili mo, naiinis pa ko lalo ng maalala ko yung Pumasok siya kahit may lagnat siya that time galit pa ko sakanya , tas nung uwian na hinanap ko siya ng hindi ko siya mahanap tinawagan ko na siya kasi nga napapagod na ko at nagaalala ako , eh kaya naman pala hindi ko mahanap nakauwi na kasi . . babawi talaga ako sayo Joshua Pangako ✋. Kahit pa wala akong masyadong alam sa ganto .
Umuwi na rin naman kami . Ang init init niya talaga kasi hays . tas wala pa atang nagaalaga sakanya doon sa bahay nila kawawa naman ang dadhe ko . Hays !
Mga sumunod na Araw absent pa rin siya dahil hindi pa rin siya gumagaling . Hays namimiss ko na mga kakulitan niya , pagkapilosopo , pangaasar niya sa akin at higit sa lahat ang pagsasabi niya sa akin ng I LOVE YOU . Sana naman gumaling na siya . miss na rin siya ng familia eh . Bihira na lang kasi kung gumala . Dahil nga sa lagi ng absent si Joshua ay tuwing uwian lagi na kaming deretso sa kanya-kanyang naming bahay.
Kahit nga nasa bahay ako . Puro Joshua Joshua na lang nasa isipan ko ,lagi siya ang laman ng isio ko. Lagi kong iniisip kung Namimiss niya din kaya ako ? , kumain na kaya siya ? , okay lang kaya siya , kung inaalagaan na ba siya doon ?, kung ano ang masakit sakanya ? , kung kaya niya pa ba ?, at kung MAHAL NIYA pa rin kaya ako . ?
Sa sandaling nakasama ko si Joshua masasabi kong mahal ko na talaga siya ng ganun kabilis . Hindi naman ako magkakaganito kung hindi di ba ? Ano ba ginawa mo sakin at naging ganito ako . Ang lakas na ng tama ko sayo . Takte ! .
Noon ! Ilan beses na kitang narereject pero tignan mo nga naman ngayun . Mamahalin pa ata kita . Ginayuma ata ako ng lintek ! Charot lang ! .
Kahit hindi kita sinasabihan ng I LOVE YOU TOO . sabi ka pa rin ng sabi sakin ng I LOVE YOU . hindi ka napapagod na sabihin sakin yan sinasabi mo na nga sakin pinaparamdam mo pa sa akin at sobrang nakakakilig lang sa part ko iyun .
Sana gumaling ka na my Dhe . dahil namimiss na talaga na kita . Pagbalik mo talaga di na ako magagalit sayo . dahil lang sa hindi ka nagpaparamdam . Gagawin ko lahat ng makakaya ko , makabawi lang ako sayo .
Sana gumaling ka na , para makasama na ulit kita . JOSHUA BATIN i really miss you 😘😍
YOU ARE READING
Started With The Deal
Teen FictionManiniwala ka ba na sa deal lang nagsimula ang lahat ? dahil sa isang deal pumayag siyang magpaligaw ,dahil sa isang deal may nasaktan , at sa isang deal naging sila . Ano naniniwala ka na ba ? Kung hindi pa , pwes maniwala ka na . **************...