INFIL #2

23 1 0
                                    

#2

Inirapan ko lang ang taong nagHi sakin. Ano ngayon kung nandyan siya. Wala ako paki kung narinig niya ako, tsaka yung panlalamig ko kanina, nagulat lang ako.

"Seems like, you both are having a conversation which we are included?"sabi ni Vaughn.

Tinaasan ko siya ng kilay,"Okay ka lang? Do you think na mahilig akong mag aksaya ng oras for you and you?" Dinuro ko ang dalawang kutong lupa nato.

"But Ms. Sprite, i heard my name." panghahamon na salita nito.

"Sigurado ka bang ikaw yun?"Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Kaninong pangalan ba yon Nikka?"natahimik si nikka at parang gusto ko ng lamunin sa lupa dahil sa katahimikang ginagawa niya. Kainis! Kinukumpirma niya lang hinala nila!

"I take silence as a confirmation."pagdeklara niya

"Edi wow!"yan nalang lumabas sa bibig ko at nilalagpasan ang dalawang lalaki. Kainis! May paarte arte pa kuno tong si Nikka nato na mattuturn off ang mga lalaking ito, eh ano naman ngayon?

"You know what, I like you."sambit ni Vaughn kasi tahimik lang naman si Mark. Hindi ako sure kung ako ba o si Nikka o baka  gusto na niya yung sarili niya o baka bading at si mark ang gusto niya.

Patuloy lang ako sa paglalakad. "Hindi ka man lang ba lilingon?"
Kaya marahas ko siyang nilingon kaso nanghumarap ako ay tang ina! Bakit ang lapit ng mukha ng hayop na to?

"You know what, I love to see your face everyday."pabulong niyang sabi na parang nang aakit. Sorry nlng siya. Hindi ako naakit!

"Bad thing, you can't."ngising sagot ko. Hindi parin naglalayo mukha namin. Patibayan kung baga.

"That's why I'm planning to stay here."sabi niya pa at hinalikan ang tip ng ilong ko.

"WHAT THE HECK!"sigaw ko sabay tulak sa lalaking to! Walang hiya! Napasandal naman ito sa pader at nilapitan ko.

"Oh easy,babe! Masyado pang maaga para maging mapusok ka. At masyadong public dito."sabi niya pa at binulong ang huling katagang sinabi niya sa tenga ko. Nag igting naman ang bagang ko! Hinahamon ako ng lalaking to!

"Gusto mong durugin ko ang katawan mo?"tang ina! Wag akong ginagalit nito!

"Wag kang masyadong masungit, Sprite. Baka tumanda ka."

"I don't care. Gusto mo bang ireport ko kayong dalawa sa admin?"pagbabanta ko.

"Isumbong mo. Hindi ako natatakot."sabi pa niya. Talaga lang ha!

"Umalis na tayo, Bro."pagkuha ni Mark sa atensyon ng gagong to.

"Huwag muna, Mark masyado kang duwag."sabi pa nito na tila hindi siya natatakot sa banta ko.

"Vaughn, nandito tayo para makisalamuha at hindi manggulo. Isipin mo si Tita. Magagalit yon." Nag aalalang sabi ni Mark kay Vaughn.

"Alam ko, pero hindi naman ako nanggugulo."sabi nito at nginitian ako. "Nakikipagmabutihan nga ako eh"tinaasan naman ako nito ng dalawang kilay. Talaga ha! Utot mo!

"Nakakadiri ka!"madiin kong sabi na ikinatawa nito. Baliw-_-

"Tama na nga, Sprite! Pumunta na nga tayo ng room!"aya naman ni Nikka na hinila ako.

Nanatili lang ang masamang tingin ko sa kanya habang hinihila ako ni Nikka.

Pumasok na lang kaming dalawa ni Nikka. Wala talaga ako sa mood, wala akong paki kahit na math ang subject ngayon. Wala talaga ako sa mood.

"Sorry, Sprite."tinapunan ko lang ng tingin si Nikka at hindi ko pinansin. Kasalanan niya to!

Bigla namang may tumabi sa kaliwa ko. Napalingon ako. Naiinis din ako sa isang to!

I'll Never Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon