INFIL # 4
Hindi ko namalayang sa roof deck na pala ako nakatulog, medyo masakit yung leeg ko. Maliwanag na at mapansin na ni ate na wala ako sa tabi niya.
Pumasok ako sa kwarto at nakitang hindi parin siya nagigising. Hay-_- tulog mantika talaga tong ate ko. Apat kaming magkakapatid. Pero kami lang nb ate ko ang nasa bahay ng papa ko. Yes, we came from a broken family. Na kay mama naman ang bunso kong kapatid. Yung panganay naman ay may pamilya na. Pero madalas ako sa bahay nila. Mahal na mahal nga kami nun eh.
Naligo na ako at nagbihis baka mahuli pa ako, at ginising na si ate Kim.
"Bakit ngayon mo lang ako ginising?!"inis na tanong niya. Pasalamat nga siya ginising ko siya eh.
"Wala eh, ngayon ko lang naisip."kibit balikat kong sagot. Bigla naman akong sinampahan ni ate. Napahiga naman ako. Wahhh! Yung uniform ko! Tsk!
"Yung uniform ko!"medyo mangiyak ngiyak kong sabi. Hindi sa OA ako ha pero ayoko ng plantsahin ulit!
"Bahala ka sa buhay mo!"at patuloy lang siya ibabaw ko habang ako naman nagpupumilgas! Kainis tong kapatid nato!
"Ahhh! Ano ba!! Yah!" At ako naman ang pumaibabaw at hanggang umiikot ikot lang kami, siya yung nasa ibabaw at ako na naman.
"Yah!" Nagkarate naman kami.
"Pok!"nasapok ko naman ulo niya. Hahaha! Pangit na ng mukha niya.
"Pangit mo!" Tapos e a-eye jab ko sana siya kaso nakaiwas.
"Ikaw, mataba!"sigaw naman nito. Aba!
Napatid niya naman ako sa paa kaya bumagsak ako.
"Hindi ako mataba! Sadyang payatot ka lang!"at bumangon. Inambahan ko naman siya kaya napahiga siya.
"Sexy ako! Hindi payatot!!"hahahaha! Abnormal! Feeling talaga ng payatot nato na sexy siya! Che!
"Yahhhh!!!!"
"Hahhhh!!!"
"Toktugaok! Tuktogaok!! Tuktogaok!!!"napatigil naman kaming dalawa ng marinig ang alarm na yun! Watdapak!!!hindi maari!! Late na ako!!
Napabigwas kami at nag ayos na agad. Tumakbo naman ang gaga sa cr at ako hinubad yung uniform kong ang kumot na! Kainis talaga yun!
Habang pinapainit ko ang plants ay narinig ko ang malulutong na mura ng kapatid ko sa loob ng cr! Oh diba ang saya!
Hindi ko nalang pinansin. Nagplantsa lang ako ng uniform.
May nagtatatakbo naman sa likod ko. Ayon! Yung pashnea kung kapatid! Buti nga! Late rin!
Napatingin ako sa oras. 7:43am Bahala na si batman.
---
Absent ako sa first subject. Eh sa late ako at isang terror yung 1st subject teacher namin! Pinaglihi ng sama ng loob ng nanay niya. Lakas pa naman nung manginsulto kaya di nalang ako pumasok.
Tumingin ako sa wrist ko, ay putik! Walang relo! Kainis naman oh! hinalughog ko ang buong school at finally! Nakita ko na yung phone ko di joke lang bag ko lang yung hinalughog ko. Ayun! 8:35. Ang tagal lumabas ng kabayo na yon!
"Overtime na naman ang Kabayo!"inis kong sabi. Ang hirap kayang mag antay ng matagal! I must admit, hindi mahaba ang pasensya ko at pikon ako sa maliliit na bagay. Umupo lang ako sa hagdanan. May nakita naman akong teachers na papalapit kaya tumayo ako.
"I heard they are good varsity players, they can improve the team sports here or wherever they'll belong, and we must admit they can explore more here in our school since we are good on sports and we always join regional competetion and if ever they can also be in National. Hindi sa pagiging hambog, syempre magagaling din ang mga players natin. Lalo na si Nico sa basketball at William sa soccer. Bonus nalang yung teammates nilang magaling din maglaro." i heard them talking. Hindi ako nag eavesdrop. Sadyang nandito ako sa may gilid at narinig ko sila alangan namang takpan ko yung tenga ko? Tanga lang kung ganun?
BINABASA MO ANG
I'll Never Fall In Love
RomanceWhy do we prefer to have a romantic love na kung ang kalalabasan lang naman ay ang destruction ng sarili? For me it doesn't matter. I was able to survive my 17 years of existence, so i guess hindi ko kailangan yun. But some are stupidly inlove. Bu...