INFIL #3

23 0 0
                                    

#3

        OO, naawa ako sa kanila. Kasi pinagbawalan silang magkaroon ng "kasintahan" I rolled my eyes sa word na ginamit ko. Well, kahit naman ganon yung magulang nila, I'm sure there is a reason behind it.

"Ayaw lang siguro ng mama mo na alam mo na..."pinilit ko pang ngumiti ng konti at nagkunwaring hindi awkward kahit alam kong ang awkward sabihin,"maging pariwara kayo at medyo alam mo yung ganun!"pinorma kong bola yung sa bandang tiyan ko, awkward talaga kasi alam kong matino naman siyang babae pero hindi parin tayo nakakasiguro.

"Wait, what?!"tigil niya sa pagiging emosyonal at parang naging hysterical.

"No, I don't mean it that wa--"

"Pati si kuya mabubuntis?!"parang tanga lang eh noh?

"Gusto mo bang iuntog ko yang ulo mo ng gumana naman yang utak mo?"sabi ko pa. Mahinahon lang naman pero pinaramdam ko talaga sa kanya na gusto kong iuntog siya ngayon.

"Gusto mo naman ata akong paiyakin lalo niyan eh!"kuwa'y inis niya pang sigaw. At tumawa kaming dalawa.



Medyo gumaan naman ang atmosphere na parang walang nangyari. If I know medyo nagpipigil lang to kasi ako yung kausap at alam niya namang medyo kontra ako sa mga pagboboypren na ganyan. Hindi sa hindi ako naniniwala sa love ha! Of course naniniwala ako. I have a faith in God, my goodness. Sadyang hindi siya ang priority ko, at naniniwala akong kung para sa'yo, para sayo. Pero kung hindi, e wala ka nang magagawa dun kundi tanggapin nalang yun.

At sagabal lang ito sa pag aaral. It was distraction. Oo, I admit na may iba na naiinspired pero they usually ended up with broken pieces. Bakit ba sila nagmamadali? May competition ba? Wala naman.

Kung sakali mang mahanap ko ang taong sa tingin ko ay mamahalin ako at vice versa, then why not? Pero kung walang darating, then wala. Hindi ko naman siguro kailangan maghanap diba? Ang kailangan ko lang e achieve for now is kailangan kong maging CPA at maging mayaman in the future. Hindi naman kasi kami mayaman, hindi rin naman mahirap yung tipong sakto lang walang sosobra.



"Ikaw, sprite. Hindi ka ba nasasayangan?" Tanong niya.

"Anong sayang ba ang sinasabi mo?"tanong ko rin, hindi ko siya maintindihan. Hindi naman siya naging specific eh.

"Yung hindi mo naranasan yung ganito."sabi niya pa.

"Ahh, kung yung masaktan yung sinasabi mo, of course hindi. Masyado akong maraming dahilan para masaktan baka kapag dinagdagan ko pa nito, magpatiwakal na ako."tumawa ako ng unti. My point ako, hindi ko na kailangan ng panibagong problema kasi marami na ako nun.

"Hindi naman ang sakit lang ang ibig kong sabihin, hindi mo ba naiisip na paano kung may mahal ka--"

"sa ngayon, uunahin ko muna ang pag aaral at ang mga pangarap ko, hindi ko naman siguro kailangan magmadali diba?"putol ko sa kanya. Hahaba lang ang discussion niya kapag pinagpatuloy niya yun.

"Pero paano na lang kung may--"

"Tama na muna. Umuwi na tayo. Gusto ko ng maligo."biro ko pero totoo rin naman.



Hinila ko na siya patayo at naglakad na patungong parking lot.

Tahimik lang kaming dalawa, hindi naman awkward at hindi rin comfortable parang wala lang.




"Sprite."tawag niya sakin. Kakarating lang namin sa parking lot at medyo malayo layo pa kami sa sasakyan nila at sa exit dito.

Nilingon ko naman siya. "Hmm?"yun lang ang sagot ko.

"Ahh, wala. Gusto ko lang masiguro na hindi ka galit."sagot niya.

"Hindi no! Bat naman ako magagalit aber?"tanong ko.

"Dun sa tinanong ko kanina."patuloy kaming naglalakad, palapit na kami sa exit kaya tumigil muna ako para sagutin siya.

"Ano ka ba! Hahaha! Yun ba tingin mo sakin? Ang liit na bagay nga non eh!"nagkunwari pa akong natatawa. Hindi ko na naiisip yun.

Natawa naman siya,"Oo nga naman,"huminga ito ng malalim.

"Sige, bye na Sprite!"tumakbo naman siya. Pero may bigla akong napagtanto.








"Nikka!"tawag ko.

Tumigil naman ito.

"Yung sinabi mo ba sakin kanina. Yun rin ba ang dahilan ng paghihiwalay ni Nico at Hannah?"tanong ko. Lumapit naman ito.

"Hindi, may ibang dahilan si kuya."sabi niya. Ewan ko pero parang napangiti ako.

"Sige! Bye bye!"sigaw niya.





Pagdating ko ng bahay, wala akong nakitang ibang tao. Umakyat na muna ako sa kwarto at naligo muna, malagkit na kasi yung feeling eh.

Matapos kong maligo, nagbihis na ako at bumaba, naabotan ko naman si papa sa baba.

"Asan ate mo?"tanong niya sakin. Pumikit ako, mukha ba kaming magkasama?

"Hindi ko po alam."naglakad ako papuntang ref para kumuha ng tubig.




"Yang ate mo talaga! Panay ang boypren! Palagi na lang matagal umuwi!"hindi ko nalang siya pinansin.

"Kapag yan nabuntis, nakuu!!! Lagot talaga sakin yang batang yan!"naiinis ako dun sa salitang buntis. Alam kong matinong babae yung ate ko at kilala ko yung boyfriend niya. Napakabait nga non eh! Tapos naiinis ako kasi hindi niya man lang naisip nq baka gumawa ng project o kung ano pa.

"Ang ingay!" Sigaw ko.

"Isa ka pang bata ka!!panay yang mukha mo sa eskwelahan! Subukan mo kayang tumulong din sa tindahan!"Asar na talaga ako.

"Tumutulong naman ako ah! Nagkataon lang talagang marami kaming presentation at projects!"inis na lintaya ko. Sa araw araw nga na nagdaan ngayon school year na to walang araw na hindi kami binibigyan ng homeworks at projects minsan sabay sabay pa nga.

"Panay ang hingi mo ng pera! Hindi ka naman marunong tumulong!" Bakit ba siya ganito? Diba responsibilidad niya naman yon kasi siya yung magulang.

Namuo na yung luha ko sa mata, binagsak ko yung baso. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako, NEVER!

Umakyat ako sa kwarto at dun muna nagkulong.





Hindi ko naman hiningi sa kanila na buhayin ako diba? Hindi ko hiniling na magpakasarap sila at buoin ako! Kasi sa totoo lang, mas gusto ko pang hindi nakita ang mundong to!

Patuloy na umaagos ang mga luha ko na parang ayaw tumigil. Nagtalukbong nalang ako ng kumot.

May narinig naman akong mga yapak. Sigurado akong si Ate na yan.

Bumukas yung pinto ng kwarto. Hindi ako nagpahalatang umiiyak ako, nagkunwari na lang akong natutulog.

"Urog ka nga dun, Sprite." Hindi ako kumibo. Naiinis ako.

"Urog nga!"magkatabi kasi kaming dalawa ni ate sa kwarto. Kaming dalawa lang dito.

Umurog na ako, pero hindi ko napipigilan ang pagtulo mg luha ko at parang mapapahikbi ako at alam ko kapag ginawa ko yun ay mararamdaman yun ni ate kasi nasa iisang higaan kami. Napagdesisyon-an ko naman na bumangon at pumuntang roof deck. Umupo lang ako sa upuang nandoon. At doon ko binuhos ang lahat ng sama ng loob ko.

>>>To be continued...

I'll Never Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon