chapter 6

3 0 0
                                    


"Kath gising na!mamimili pa tayo nang mga gamit!"

"Oo na...Gigising na!" reklamo ko sa nakakabinging panggigising ni Cass sa akin.Ngayon kasi kami bibili ng Iba pangmga gamit sa school at bahay, pati na rin mga pagkain namin..

"uy Gising na anong oras na"

"ayan na po tatayo nah!"

"kapag di ka pa tumayo, iiwan na kita, bahala ka!" sambit ni Cass sa akin at itinutok yung alarm clock sa mukha ko.

Haisstt..si cass talaga oh!..Pupungas pungas pa akong tumayo papuntang banyo, inaantok pa kasi ako..

Habang nagtutoothbrush, bigla kong may nalasahang mapait at ng tignan ko yung colgate sa harapan ko, Oh my! body wash pala yung pinang toothpaste ko kaya agad-agad akong nagmumug, Hay naku!buhay talaga oh!.

Ligo, toothbrush, shampoo, punas, lotion, bihis,suklay....dyaran!!!!!!tapos na!, ready na akong pumunta ng mall para mamili..Kahit nangamoy Body Wash natong bunganga ko😄.

"Cass tara na!I'm ready!" anyaya ko kay Cass.

"Anyare?samantalang kanina hirap ka pang bumangon sa kama tapos ngayon ready kanang umalis sakaTeh!alis na agad, di man lang muna mag-aalmusal?!" ano ba naman itong si Cass. makapagtanong parang hindi ako kakain ng almusal, pero napabilib ko siya kase ang bilis kong nag-ayos..

"Wait,....Kath!?"

"hhhmmm?"

"Ginamit mo ba yung body wash ko?" ani Kath

"HA!HINDI AH!"

"Okay, tara na!" sambit ni Kath, Haaayyy muntik na ako dun ah, buti na lang convincing yung pagkakasabi ko, Kaya ako mahuhuli?😎

AKO PA?!!

______________________________________________________________________________

SM Manila

Kakagaling lang namin ni Cass sa Grocery para mamili ng mga pagkain at mga gamit sa bahay..Next destination na namin sa National Book store para mamili ng mga schhol supplies .

"Ballpen,Notebook,yellow pad,intermidiate paper,notebooks,pencil,highlighters,coupon bond and colored paper!"

"Bes kumpleto na ba yan?" tanong sa akin ni Cass at agad naman akong tumango.

Pagdating sa counter

"Cass sandali may nakalimutan pala ako.Nakalimutan kong bumili ng folder!kailangan ko pa naman yun bukas" sambit ko kaya agad akong tumakbo para kumuha ng folder , yun pa naman ang dapat kong dalhin sa school bukas kaso sobrang laki ng NBS kaya hindi ko agad nakita yung folder.

Asan na ba yung mga folder nila bakit hindi ko makita, ano ba yan?! makapagtanong na nga lang.Ayun may sales lady!makapagtanung nga.

"Miss Pwede po bang magtanong?" sabi ko sa sales lady na nag-aayus ng mga ballpen

"Of course ma'am, ano po ba yun?" ani sales lady.

"Hindi ko kasi mahanap yung mga folder niyo, kanina pa ako nag-iikot, saan ko ba makikita yun?"muli kong tanong sa sales lady.

"ah!Folder po ma'am?" ano ba namang sales lady ito kakasabi ko nga lang na folder ang hinahanap ko diba.

"As I say Folder nga" ngiti ka nalang para di halatang aburido ka na.

"Diretso lang po kayo ma'am, tapos makikita niyo po yung books corner, sa tabi po nun makikita niyo na po yung mga folder" sambit niya sa akin habang tinuturo ang daan papuntang books corner.

Just the way we areTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon