The bodyguard

99K 2.5K 50
                                    

Chapter 2:

Alexandria's POV:

Pasimple siyang tumikhim at iniiwas ang tingin isang lalaking napakatangkad na halata kahit nakaupo ito.

Ang gwapo nito.

May kahabaan ang buhok, medyo light brown, at halos kulay ginto ang mga mata nito.

Sa konting panahong nagtama ang mata niyo ay alam mo na ang kulay nila?

Kinagat niya ang pisngi sa loob ng bibig, anong nangyayari sa kanya?

Hindi pwede to, kliyente yan, trabaho yan, Alex.

Siya lang ba or parang may nakatingin sa kanya?

Huwag kang titingin sa kanya, utang na mata.

Nasisiraan na yata siya.

"Alex, meet your new assignment, you will be his bodyguard for the mean time" nang tingnan niya ang lalaki ay nakatingin nga ito ng matiim sa kanya.

"Cyn, you will have one of the best of my agents, meet Alex"

Awkward siyang lumapit dito at iniabot ang kamay niya pero tinignan na muna nito ang kamay niyang nakalahad at tumingin ito kay big boss.

"I don't need any bodyguard. And why do you have an agent that is... looking gay"? Tinignan muna siya nito saka ito muling nagsalita na ikinalaki ng mata niya.

Huh?

Mukha ka daw bakla.

Ano?!!

Siya? Mukhang bakla?

Mukha siyang lalaki sa paningin nito kung ganoon? At mukhang bakla?

Pakiramdam niya para siyang sinampal ng pagkalakas lakas.

Naumid naman ang dila ng mga kasama at boss niya at tumikhim ito tapos tumingin ito sa kanya na parang nahihiya.

"All of us here are professionals, our sexual preference is not involved here in the first place so if you consider yourself a professional and mature, you'll be staying out of my personal life." Pormal at pinipigilan ang galit na sabi niya, idiniin niya ang salitang mature para dito, pero nanatili itong nakatingin sa kanya.

Some of her colleagues snorted, at parang nagpipigil ang mga itong matawa, inisa isa niya ang mga itong tinignan ng masama at tumiklop ang mga ito.

Parang nawala ang paghanga niya kanina dito, at napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na inis, sobrang inis, at gusto niyang saktan ito.

Ugh! Walanghiyang 'to! Mukha daw akong bakla!! Tili ng isip niya.

Noong high school siya hindi naman siya napagkakamalang bakla kahit flat chested siya noon, instead she was classified as the coolest girl, noong college she could pass as an androgenous model kung maayusan siya.

Noong college siya nagkaroon siya ng roommate na babae at nagkagusto sa kanya pero nunca niyang pinatulan ito nung nagtapat ito sa kanya, may mga kumalat dati na tomboy siya na ito pala ang nagkalat, dahilan para lalong lumapit sa kanyang mga babae at pinagpustahan siya ng unang boyfriend niya kung makukuha siya nito.

Pero kilala niya ang sarili, babae siya, at gusto niya ang mga lalaki.

Grabe.

Siya? Mukhang bakla?

No offense sa mga bakla, pero babae siya eh.

Ang laking sagasa sa pride niya.

"Alex, I'm going to brief you about the history of this issue, let's go" sabi ng big boss niya at tinapik siya nito sa balikat.

Nang tingnan niya ulit ang mayabang na lalaki ay masama ang tingin nito sa boss niya at parang ayaw nito ng bodyguard.

Bakit? Dahil masasagasan ang pride nito na magkakaroon ito ng bodyguard na na mukhang bading?

Tinignan niya ito ng masama at sumama sa boss niya.

Nang makarating sila sa briefing room ay agad itong humingi ng sorry sa kanya which is hanggang ngayon ay nakakapanibago, mula ng magpakasal ito sa asawa nito ay nagbago ito, ang dating malamig kung makitungo sa tao at mabait lang sa camera, ngayon ay lagi na itong nakangiti...ng totoo, kumbaga nalusaw ang yelo.

"Sir, with all due respect pero hindi ko tatanggapin ang assignment na ito" magalang na sabi niya dito at pigil ang sariling huwag maging makitid ang utak.

"I'm really sorry earlier, pero ikaw lang ang pwedeng mag bantay sa kanya because the suspect will think you'll one of his flavor of the month,..." Huh? Siya? Flavor of the month?

.."you will be his front act na kunwari hindi siya magkakaroon ng bodyguard" sabi nito. Kung magiging front siya ng mayabang na iyon ..

"Po? Ang ibig niyong sabihin ay.." Ayaw niyang makompirma ang nasa utak niya.

"Aye, you will be his bodyguard but you will act as his girlfriend" kumpirma nito.

"What!? No!" Tutol niya.

"Do this as my one of personal favor please, I know I shouldn't be mixing any personal issues to business but he's one of my dearest friend, Alex" may himig ng pag aasam sa boses ng boss niya.

"Pero paano kami magpapanggap na maging couple kung akala niya na bakla ako, na lalaki ako? Paano naman maniniwala ang kalaban kung siya nga napagkamalan akong lalaki?" Alanganing tanong niya.

Tumitig ito sa kanya, tapos ay napailing ito.

"I really don't know what has gotten into him at napagkamalan ka niyang bakla, but you are a very pretty woman, so ikaw lang talaga ang option, do you think Marx will passed as his girlfriend and bodyguard?" Tanong nito na ikinatawa niya, ang tinutukoy nito ay ang kasama niyang agent na payat at mahaba ang buhok pero lalaking lalaki ang itsura.

His boss's smiled.

"Aye, that's more like it, I see you as my little sister so please be careful on this mission" sabi nito pagkuwan.

"Pero hindi pa ako pumapayag"kunot noong sabi niya.

"Please?"

She smiled, iba na talaga ito, crush niya ito dati eh, pero nagbago iyon at naging kuya ang tingin niya dito. Since wala siyang kapatid ito na ang naging kuya niya.

"Fine, I'll take the job" sabi niya at bumuntong hininga.

--+

Ruthless Men: Cyn (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon