ZAI'S POV

Pag gising ko umiiyak na ako pag tingin ko sa wall clock ko 3:48am palang

Shit! Ang sakit naman panaginip lang pala

Nag pasya akong mag tungo sa veranda ng kwarto ko

Am I hallucinating?

Totoo bang nakikita ko si Knight sa labas ng gate namin na nakaupo at naka yuko?

Kinusot ko ang mata ko pero nandoon pa rin siya

Ano pa bang ginagawa niya jan?! Delikado na jan

Kinuha ko yung jacket ko at sinuot bago lumabas para puntahan si Knight

Paglabas ko sa gate tinawag ko siya

"Knight"

Lumingon naman siya atsaka tumayo

Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako

"Sorry pards, please" sabi niya

Hindi ako nagsalita ni gumalaw man lang

Kumalas siya saka hinawakan ang mukha ko

"O-okay lang kahit hindi mo ako kausapin pero please lang pakinggan mo muna ako" sabi niya saka niyakap ulit ako

Bakit ganito siya?

Naramdaman kong yumuyugyog ang balikat niya at nababasa na din ang balikat ko.

"Ba't mo ginagawa to?" Tanong ko

Pero imbes na sagutin ako sinagot niya pa sa akin ang isang tanong

"Bakit ba lumabas ka ng naka short lang?! Ang iksi pa! Mamaya may manyak dito atsaka malamig dito sa labas! Ano bang naisipan mo at sinuot mo yan?!" Sagot niya

Oh great sinagot niya yung tanong ko

"Umuwi ka na" I said coldly

Ngumiti siya saka umiling

"May pasok pa bukas mas lalo lang akong magagalit sayo kapag hindi ka umuwi" sabi ko

"Pumasok ka na muna bago ako umuwi para makasigurado kong naka pasok ka na bago ako umalis" knight

Hindi na ako sumagot bagkus ay tumalikod na ako at pumasok na talaga

Narinig ko naman yung ugong ng sasakyan niyang papalayo na.

Since hindi na ako makatulog nag facebook nalang ako

Wow! Ang gandang bungad.

Yung pinost ni Thea na nakatag kay Knight nakayakap si Thea kay Knight tapos si Knight ang may hawak ng camera

Mag react kaya ako? Yung Angry? Ahy huwag na pala baka magalit sila. Ah! Alam ko na! Yung laugh emoticon nalang oh diba? Pfft hahahaha

Nag open din ako sa IG ko at ganun na naman ang bungad. Coincidence ba to? Tss

Hanggang sa mag 5 na ng umaga

Medyo madilim pa sa labas nagtungo ako sa veranda at doon pinagmasdan yung garden namin

Umupo ako at saka pumikit. Hmm relaxing ang lamig ng hangin nagulat ako ng may biglang kumalabog. May akyat bahay! Umakyat siya sa veranda! sisigaw na sana ako ng bigla niyang tinakpan yung bunganga ko atsaka pinasok sa kwarto ko.

Shit! Sound proof pa naman tong kwarto ko

Pag kasara niya sa glass door nag salita siya

"Ssshhh pards ako to" sabi niya

KISMET [PART 1 AND 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon