Author's Note
Annyeong! Hehe totoo na po toh😊,tutuloy ko po sa 'Everything went black' nung napaaway si Sean.Enjoy!😘
--
Chapter 13:Safe
Sean's POV
--
Nagising ako at nakita ko si Justin sa harap ko tatayo sana ako pero hindi ako makagalaw dahil nakatali yung paa at kamay ko sa upuan,nasa tabi ko si JD at ginigising ko sya
"JD" Sigaw ko para magising sya
"Mmm" sagot nya
"Gising na pala ang mahal na prinsesa" sabi ni Justin
"Pakawalan mo kami dito!" Sigaw ko at nagising na rin yung tatlo
"Kung ayoko,Gising na rin pala yung tatlo" sabi ni Justin
"Tulong!" Sigaw ni Venice
"Walang makakarinig sayo dito" sabi nya tsaka sya tumawa ng malakas
"Ano bang kailangan mo sa amin para makaalis na kami dito?" tanong ni JD
"Simple lang naman,ibigay nyo sa akin ang kwintas ni Sean" sagot ni Justin
"Sean ibigay mo na kasi" sabi ni JD
"Hoy! April Fools Day ngayon! Sa tingin mo kung ibibigay natin sa kanya yung kwintas ko bubuhayin nya pa tayo!" Sabi ko at nakita kong nagsmirk si Justin
"Pano nya kaya nalaman yun?" Tanong ni JD,ang slow nya talaga
"Jusko JD,sa tingin mo kung ikaw magiging kidnapper,papakawalan mo pa ba yung kinidnap mo edi sana nakapagsumbong na yun,ang slow talaga neto" sabi ni Venice
"Ah,sorry naman po" sabi ni JD sabay kindat yun tuloy mukhang kamatis na yung mukha ni Venice sa sobrang pula
"Tama na nga yan! Ibibigay nyo yung kwintas o mamamatay kayo" sabi ni Justin
"Hindi namin ibibigay sayo" sabi ko
"Kung ayaw nyong ibigay mamamatay kayo" sabi nya tsaka lumapit sa akin at nakatutok ang kutsilyo sa leeg ko,wait don't tell me lalaslasin nya yung leeg ko hindi ako payag sayang yung beautiful skin ko
"Wag!" Sigaw ko at biglang bumukas yung pinto
"Justin!" Sigaw ni Axel na kakarating lang at may kasama pa,kasama nya si Princess,si kuya,Wait! Kasama rin nila si Andy,Kian,At Don.
Inalis ni Justin yung kutsilyo nya sa leeg ko "Boss anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Justin kay Kian
"Ikaw pala ang pumatay sa kapatid ko" cold na sabi ni Kian.Kapatid nya pala si Kenneth,Wait! what! Yung totoo,k-kapatid nya si Kenneth?!😱 Weh?
"B-boss hindi ko sinasadya,si Sean dapat ang sasaksakin ko pero biglang dumating si Kenneth kaya sya ang nasaksak ko" sabi ni Justin,aba ginawa pang dahilan si Kenneth
"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo" sabi ni Kian at nagsimula na silang maglaban
Halos lahat ng kasama ni Justin ay wala ng malay at sya na lang ang natitira.Nakita ko sya sa taas kasama si Axel kaya agad akong pumunta dun sasaksakin sana ni Justin si Axel pero agad akong nagpunta sa harapan ni Axel kaya ako ang nasaksak sa tyan nung nakita ako ni Axel agad syang lumapit kay Axel at sinuntok ng paulit ulit hanggang nawalan ng malay si Justin
BINABASA MO ANG
Bloody Hell University
Mystery / ThrillerA place where all things are misterious,scary,and bloody.You can't trust anyone,you can only trust yourself.You have to fight to survive.You have to be strong. HIGHEST RANKING #54 in Mystery/Thriller
