ALEXANDRA'S POV.Kanina pa ako naghihintay dito sa tapat ng mall. 8:25pm na! Sabi nya 6! Pinag antay nya yung isang dyosang katulad ko ngina! Kanina pa din ako tawag ng tawag at text ng text pero hindi sinasagot at wala man lang reply.
Sa sobrang inis ko pumasok nalang ako sa mall at nag shopping. Bumili na ako ng mga bago kong damit at sapatos. Hoooo stress reliever ko to kaya wag na kayo umangal.
Habang naglalakad lakad ako at nagtitingin ng pwedeng mabili, hindi ko napansin na may makakasalubong pala ako kaya nagkabungguan kami. Napaupo ako sa impact shet! Ang sakit ng pwet ko. May naglahad ng kamay sa harap ko, inabot ko naman yun at tinignan yung lalaki na nakabunggo ko. Tinignan ko sya mula ulo mukhang paa EME! Hahaha gwapo sya bes, magaling pumorma at ang lakas ng dating.
"Are you okay?" Tanong nya.
"Nakita mong napaupo diba? So ibig sabihin masakit yung pwet ko ngina naman oh!" Imbyerna kong sagot sa kanya. Natawa naman sya sa sagot ko.
"Sorry, do you want me to massage it? Para mawala yung sakit?" Sagot nya habang nakangisi. Aba't! Manyak ang hayup! Tinaasan ko sya ng kilay.
"Tse! Massage mo mukha mo! Manyak!" Sabi ko at nilagpasan na sya. Hmp!
"Gwapo sana, manyak naman" ani ko.
JAYNALD'S POV.
Pft. Natatawa kong tinignan yung babaeng naka bunggo ko.
"Maganda sana kaso masungit" ani ko. At naglakad na paalis.
~~~~~~~~~~~~~~~~*
KRISHNA'S POV.
Hinayaan ko muna maglaro si chimchim sa sala, at pumasok nako sa kwarto ko. Sinabit ko ulit yung bag ko sa likod ng pinto ko.
Nagbihis nako ng pambahay at lumabas na ulit. Dumiretso ako sa kitchen at nagluto nang kakainin namin ni sasa mamaya.
Natapos akong magluto, pinuntahan ko si chimchim sa sala na tahimik na natutulog sa sofa. Nilapitan ko yung aso ko at hinimas himas yung katawan nya.
Naalala ko nanaman yung lalaking nakabunggo ko na nakasabay ko din sa jeep. Haaaaay napangiti ako sa taglay nyang kagwapuhan. Pumunta ako sa may bintana namin at humalumbaba dun, iniisip ko pa rin sya. Sana makita ko sya bukas hihi. Natawa ako sa naisip ko (´・ᆺ・')
Napansin ko na yung kotse ni sasa na papalapit. Lumabas ako at pinagbuksan sya ng gate. Pinasok nya naman agad yung kotse nya.
"Aga natin ah? *tingin sa relo ko* 10:08pm palang nandito ka na" ngising tanong ko sa kanya.
"Buset eh! Antagal kong naghintay dun sa tapat ng mall hindi naman ako sinipot!" Nakasimangot na sagot nya.
"Hahaha yan kasi, gala pa" biro ko sa kanya.
"Naman eh! Nakakaasar talaga bes! Tapos may nakabunggo pa akong manyak sa mall kanina! Kingina talaga!" Sumbong nya.
"Gwapo naman ba?" Napangiti naman sya sa tanong ko at dahang dahang tumango with matching epic face pa. Haha baliw talaga
Niyaya ko na syang pumasok, at tinulungan ko na din sya sa mga dala nyang shopping bags  ̄﹁ ̄
Pagpasok namin nakita agad ni sasa si chimchim.
"Woaaaaah chimchim!" ani nya at niyakap si chimchim. Tumingin sya sakin at nagtanong
"Kala ko ba nasa states to?" Nguso nya sa yakap yakap nyang aso.