JEN'S POV
Hi po, ako nga pala si Jennie Mae Carcueva! Jen nalang po for short. ;)
I am 18 years old, at nag aaral pala ako sa University of Mindanao dito sa lugar nang Davao.Actually 1st year college pa po ako, mahirap ang buhay namin kaya ito nag tatrabaho ako pag gabi sa JOLLIBEE bilang Kitchen Crew. oh dba? Sosyal HAHA. Bagohan lang ako pero talagang masasabi ko na di pala madali na ipagsabay ang pag aaral at trabaho. Panu ba naman kasi anim kaming magkakapatid eh, pangalawa ako tsaka may kakambal nga pala ako ;) si Jelou. Sya lang naman ang kasama ko sa inuupahan naming boarding house kasi hindi kami taga rito sa Tagum, Malayo ang bahay namin dito kaya ito nagtitiis kahit na mahirap ang buhay namin kinakaya pa din.
Fight lang ng fight!! 😂 Oh sya tama na muna ang ka dramahan sa buhay ko at simulan na natin ang bonggang araw na tuh!
"Hi ! Good morning everyone ;)" I greeted them with matching big smile pa yan ah. Nga pala nandito na ako sa Jollibee, duty na kasi Early bird ako lagi kasi takot akong malate kahit na super aga pa. 5am kasi ang duty ko kaya naman maaga akong gumigising. Oh dba? Ang sipag ko haha. Wag na kasi kayong pumalag. -_-
"Good Morning too jen, may ipapakilala pala ako sayo ito ang bago nating trainee si Jun2" Nuh ba naman yan, trainee daw? Eh anu naman pakialam ko jan? Tss.
Tuh namang si Lalaki kung makatingin sarap dukotin ng mata eh, hmm I stare at him head to foot. Char! May mukha naman sya (Alangan naman na wala dba? Tanga lang) HAHAHA tapos medjo may katangkaran din tung mokong, pero di ko sya feel. Kasi naman eh nuh yung mukha nya chickboy na chickboy. Tss! Bhala na nga!
"Ah ganun ba kuya, oh sya Congrats sayo jun2, at Good luck sana maka survive ka sa training mo, be good ;) "
at saka ako umalis at agad na pumunta sa station ko. Nagsimula na akong gawin ang mga kailangan gawin, nakakpagod isipin na may pasok pa ako mamaya tapos sabi ni Ma'am may quiz daw kami hay nku naman paano ko na naman I hahandle tung ganitong sitwasyon. Kainis! -_-Sa ka likot2 nitong utak ko biglang nasamid yung hinahawakan kung micro waving pan may nag order kasi ng Spaghetti sa kitchen. Lintik naman oh! Pasigaw pa kasing mag order tung si ate Cass eh. Naku naman! Kay aga2 nawawala na ako sa katinuan.
Pupulutin ko na sana ang micro waving pan ng biglang may bumangga sakin dahilan ng pagka bangga ko sa Lalagyan ng Basket ng Spaghetti.
Agad akong dumungaw sa naka bangga sakin ng may inis.
At
.
.
.
.Talaga namang si Mokong pa ah. (Yung tranee na pinakilala ni kya Ivan? Naalala nyo yun?)
"Anu ba? Masakit yun ah. Di ka man lang ba tumitingin sa dinadaanan mo't di mo ako nakita? Eh kalaki laki kung tao oh,Tss."
Nakangiti pa ang Mokong, akala nya siguro nakakatawa yung ginawa nya. Sabihin na natin na baka hindi nya sinasadya yung nangyari pero ...
Haller? I'm expecting him to help me para tumayo, kita nyang nahulog yung micro waving pan di man lang nya ako tinulungan.
"Di ko sinasadya, maiwan na kita may inutos kasi si Kuya Ivan"
Aba't siraulo din tung lalaking tuh eh nuh! Di man lang ako tinulungang tumayo, sarap sapakin! Wala man lang ka gentle2x.
Tumayo nalang AKONG mag isa (Oh Caps lock para intense!) Ok lang sana kaso di nya talaga ako tinulungan agggrr! Bad trip!!!Ang sama ng araw ko ngayon pero Go parin ako ng Go! Di dapat ako magpa apekto kundi talagang buong araw ako Mababadtrip.
-BREAK TIME-
Hay salamat naman at makakakain na ako, 9am kasi ang off ko kaya ito gutom na si tummy ko ;-(. Kumuha na ako ng Chicken for breakfast at kanin din. Ngayon papunta na ako sa lamesa kung saan ko uubusin tung pagkaing dala dala ko. ;-)
Nag pray na ako tsaka nagsisimula na sanang kumain ng biglang may nag salita."Hi miss, pwdi bang makisabay akong jumain sayo? Ako pala si Jan2. Bagong Trainee"
"Oh sige , maupo ka at sabay nalang tayong kumain"Hmm mukha syang adik, di sya masyadong maikli HAHA kasi naman po di naman talaga sya mataas. Para talaga syang adik sa paningin ko HAHA pero face doesn't matter ika nga. Nanahimik nalang ako tska kumain at at agad inubos ang pagkain ko.
BINABASA MO ANG
Expect The Unexpected.
Short StoryWhen you meet the unexpected person that will lead you to the right path! 😘😘😘