JEN'S POV
Nandito na ako ngayon sa Kitchen, back to duty na naman kaya nag handa na ako kasi maraming tao ngayon dahil Tanghalian na.
Si ate Lea nandito na rin kaya dalawa na kaming on duty dito sa "Pantry Station" mahirap ang trabaho kung iisipin mong mahirap pero sa ngayon talagang nahihirapan pa ako kasi naman po ang hirap mag adjust lalo na sa mga taong nasa paligid.
Natapos ang duty ko kaya't nag handa na ako dahil klase ko na naman. Aalis na sana ako pagkatapos mag handa ng may pumasok sa ER (Employees Room) si kuya Christian.
"Hi jen. Papasok ka na ba?
"Oo kuya, so maiwan na kita jan ah, see tomorrow;) "at agad akong nag lakad ng mabilis paalis sa ER.
Si kuya CHRISTIAN?
Sya lang naman ang isa sa mga suitor ko. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero totoo maraming nagpaparamdam at nanliligaw sakin, hindi namn ako kagandahan pero talagang di ko run alam ang sagot kung bakit sila nagkakagusto sakin.
Actually simula ng nag trabaho ako dito lagi nila akong tinutulak kay kuya Christian. Di ko sya type promise pero mabait naman sya.
Talagang ayaw ko lang na humigit pa kami sa mag kaibigan kasi may Boyfriend na rin ako eh. oo tama kayo HAHA may Boyfriend ako ngayon si Nestor. 2mos pa po kami. LDR kaya tiis tiis kasi nga no choice eh, ilang beses na rin akong sinaktan, niloko at iniwan. Alam nyo ba (ay hindi nyo pala alam HAHAH) pang pito na si Nestor sa naging kasintahan ko pero simula sa isa hanggang sa pang anim lahat sila ipinagpalit ako sa iba, siguro nga dahil sa iisang dahilan lang, may bagay kasi na hindi ko pa kayang ibigay dahil lang sa pagmamahal.
Bata pa ako kaya alam Kong Mali ang hinihiling nila sakin, kahit naman minahal ko sila ng totoo hindi parin yun dahilan para ibigay ko yung pinaka iniingat ingatan ko.
Yung unang Bf ko nga nagtagal kami ng 1 taon at Tatlong buwan. Di ko akalain na mag tatagal kami , nung una ok pa naman kami iniintindi nya yung kakulangan ko sa kanya lalo na sa mga panahon na gusto nya akong makita at makasama kaso di ganun kadali kasi di pa alam ng parents ko na nag boboyfriend na ako. Minsan pumupunta sya sa labas ng bahay namin na palihim na naghihintay at umaasa na baka lumabas ako at magka usap man lang kami ng personal. Pero sinusubokan ko naman kaso sobrang hirap lumabas sa bahay namin kasi laging naka bantay ang Nanay. Ganun kami hanggang sa umabot ang isang taon.
Sinubokan ko talaga sya kung gaano nya ako kamahal at kung Loyal ba talaga sya kahit na di kami tulad ng ibang magkasintahan, na Normal ang relasyon nila di tulad ng iba na open sa lahat, kahit na Iisa lang ang school namin.
May isang beses nga dahil sa pagpipilit nyang mag date kami eh gabi na akong naka uwi. Galit na galit si Nanay nun, may cellphone naman ako pero di ko sinasagot ang tawag ni nanay. Kaya pag uwi ko minura mura nya ako at sinapak sapak, naiintindihan ko naman sya kasi first time kung umuwi ng gabi galing sa school, hindi lang isang beses naulit pa din na gabi na akong nakakauwi lalo na wala sila nanay sa bahay dahil inaasikaso nila yung Lupa namin sa Tagum. Pero kahit na gabi na ako kung makauwi iniingatan ko parin yung bagay na kailan man alam Kong pagsisisihan ko pag iibibigay ko ng basta basta na lamang.
Di kalaunan yun na nga sinubukan ko kung gaano nya ako kamahal, I ask my best friend na si Rowena na I textmate ang Ryan (My Boyfriend) nang hindi nya nalalaman. Di naman sya nag rereply kaya naman proud ako dun sa ginawa nya nung una. Sad to say pero di kalaunan tumatawag na sya sa Best friend ko nagtataka na ako kung bakit kasi di naman nabanggit ng Rowena na tumawag si Ryan sa kanya, hanggang sa isang araw kinausap ako ng kaibigan ko at sinabi at pinakita nya lahat ng Conversation nila through text at yung mga tawagan nila ng Boyfriend ko,
pakiramdam ko ng panahon na yun para akong pinagsakluban ng buong mundo sa sobrang sakit. Di ko akalain na manliligaw sya sa Best friend ko, di naman nya alam ng si Rowena pala ang textmate nya.
Kaya nang dumating na ang Break time pinuntahan ko si Ryan at kinumpronta ko sya.
BINABASA MO ANG
Expect The Unexpected.
Short StoryWhen you meet the unexpected person that will lead you to the right path! 😘😘😘