Chapter 10 LET IT GO

17.6K 556 51
                                    

"ANG CUTE NI Kyle ngayon! Ngayong nakauniform siya at maayos ang buhok niya. nakangiti siyang lumapit sa amin ni Ma'am Maureen kaya napangiti din ako.

"Hi Ma'am Maureen, hi Allexa" bati niya.

"Hello Kyle, salamat sa pag-tour mo sa akin last Friday ha?"

"No problem po ma'am," tumingin siya sa akin, "naglunch na kayo?"

"Ako, makikilunch ako sa mga clase ko. Si Allexa hindi pa" said Ma'am Maureen, she pushed me kay Kyle tapos tumakbo siya papunta sa mga classmates ko.

Deceived! Huhubels

"Tara treat kita" sabi ni Kyle sabay hila sa kamay ko papuntang counter.

"Kyle, ano kasi-"

"Pumili ka nalang, eat all you can"

"Madali akong kausap, let's see" sabi ko at tumingin ako sa mga pagkain sa counter. Andami!

"Here try this" sabi ni Kyle at kumuha siya ng one slice of pizza-di ko alam kung ano'ng flavor.

"Gusto ko din ng burger" I said, "and can we have some fries too? And oh! Parang masarap yung baked mac!"

"Omg, she's so baboy" sabi ng kung sino mang nasa likod namin.

Kate the Queenbee and her alalays.

"Omg, she's so baboy" I mocked her tapos tumawa kami ni Kyle.

"Hindi ka na nakontento sa buong Class 3F, pati si Pres, kinakaibigan mo na din? Who's next? The school's principal?" then they giggled.

Umusok ang tenga ko sa inis pero kinompose ko padin ang sarili ko. Gusto nilang inisin ako, hindi ko sila pagbibigyan.

"Ah! Si Sir Cruz? Friends na kami" I said, I winked at her at nawala yung tawa niya.

"Girls, let's be peaceful during lunch time, pwede?" tanong ni Kyle.

"Oh don't worry Kyle, we will be peaceful" sabi ni Kate habang nakasmile siya. Aba! Sa kanya pa talaga galing yung word na 'malandi' last week!

"Yes, please rest in peace" sabi ko while gathering all the food na inorder ni Kyle.

Hindi ko na tinignan ang reaction ni Kate, masisira lang ang araw ko kaya lumayo ako sa counter while Kyle was paying. Papunta na sana ako sa table ng Class 3F pero hinila ako ni Kyle sa ibang direction.

"Pero-"

"Nilibot mo na ba ang buong school?" tanong niya then biglang may humawak sa kabilang braso ko.

"Doon ang table ng Class 3F" sabi niya while looking at Kyle.

"Uhm, hi?" sabi ko kay Bryce.

Hinila ni Kyle yung kamay ko, "Magla-lunch kaming dalawa"

Hinila ni Bryce yung kabilang kamay ko "Magla-lunch siya kasama namin"

"let go" I said, enough lang para madinig nila pero hindi nila ako pinansin at nagtitigan parin sila na parang malapit na silang magsuntukan.

"Let it go?" sabi ko, 'di pa din nila ako pinapansin.

Humugot ako ng malalim na hininga then:

"Let it go!~ let it go!~ I can't hold it back anymore! Let it go!-"

Itinigil ko ang pagkanta nung nakuha ko na ang attention nilang dalawa-si Kyle na nagpipigil ng tawa at si Bryce na tinitignan ako with his 'poker face'.

"Good, now be good boys and let me go" I asked nicely at binitawan nila ako, "Sorry Bryce, inilibre ako ni Kyle eh. Next time nalang ako makikikain sa inyo" I said.

Me and My Boys VOLUME 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon